KABANATA 11 :
Di umalis yung pulis sa gilid ko. Para siguro makasigurado na wala akong gagawing masama.
"Di ka pa ba papasok?" Tanong nung pulis ng mapansin niyang nakatayo lang ako sa harap noong pinto. Di ko siya sinagot. Lumapit ako doon sa pinto at binuksan yun ng konti.
Sumilip ako at nakita kong may ilang pulis ang nasa loob upang magbantay at sila mama at papa na magkaharap. Si Tito naman ay nasa tabi ni Mama.
"Huli na ang pagsisisi mo Cassandra. Nangyari na ang lahat. Pumunta ka lang ba dito para ungkatin nanaman yon?" Malumanay na sabi ni Papa kay Mama.
"Ang akin lang ay bumabalik na ang ala ala ni Rachelle."
"Edi bumalik. Ano bang magagawa ko? Magalit na siya kung magalit pag nalaman niya ang totoo."
"Wala ka ba talagang pake alam sa anak mo ha Francisco? Pinapatay mo na nga ang tanging lalaking minahal niya tapos ganiyan ka pa kung makapagsalita?"
Nanikip yung dibdib ko sa kakapakinig sa kanila.
Tumulo ang aking luha. Hindi ko makayanan ang nalaman ko. Pinapatay ni papa si Kristian? Pero bakit? May nagawa ba kaming masama? Pero kung patay na si Kristian bat nitong mga nakaraang araw nakikita ko siya?
"Ano ba Cassandra? Ipapamukha mo ba sa akin ngayon na kasalanan ko lahat?! Sa loob ng dalawang taon. Pumunta ka dito para lang ipamukha sa akin ang matagal ng nangyari? Kasalanan ko ba ha!? Kasalanan ko?! Eh kung hindi ka ba naman g*g* at hindi ka kumabit doon sa lalaking Esperanza'ng iyon. Hindi mangyayari ang lahat ng ito! Ikaw lang Cassandra. Ikaw lang ang minahal ko! At hindi ko matanggap na nagawa mo iyon sa akin. Okay lang kung nag karoon kayo ng relasyon noon. Ang hindi okay ay nag bunga pa!! Hindi ko matanggap na hindi ako ang tunay na ama nung bunso mong anak. Alam mo bang tuwang tuwa ako nung nalaman kong nadagdagan ang pamilya natin?!! Pero Pu** Nung nalaman kong hindi iyon akin!! Alam mo ba kung gaano kasakit?!! HA? ALAM MO BA?!! Wala na ako sa katinuan noon at gusto ko nalang makahiganti, Gusto ko nalang pumatay!! —" Sigaw ni Papa kay mama. Napalakas na ang aking hikbi. Napatakip ako sa aking bibig.
Hindi ko matanggap. Pinatay ang lalaking minahal ko. Hindi ko totoong kapatid si Angelo. Nagtaksil si mama kay papa. Ano pa ba ang kulang?
Hindi ko na nakayanan at umalis na ako doon.
Naglalakad ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sumakay ulit ako ng tricycle at bumaba sa bukid. Habang naglalakad akong papunta doon nakita ko si Nina na mukhang galing doon sa lugar na iyon. Nanlaki yung mga mata niya nung makita ako.
"Anong nangyari? Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Sunod sunod na tanong niya.
"Alam ko na ang totoo. Ang sakit Nina. Ang sakit sakit." Nasabi ko nalang at napahikbi nanaman ako. Niyakap niya ko.
"Sorry! Rachelle. I'm so sorry. Hindi ko alam na ganun ang mangyayari. Akala ko paghihiwalayin lang kayo." Sabi ni Nina na nagpagulo nanaman sa aking isipan.
Bumitaw ako sa yakap niya at tinignan ko siya. May luha na ring umaagos sa kaniyang mata.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Patawarin mo ko Rachelle. Matagal ko ng gusto si Kristian. Magkasundo ang pamilya namin simula palang noong bata kami. Gusto ako ng mga magulang niya at gusto ko din siya para sa akin. Pero ikaw ang gusto niya. Hindi ko alam Rachelle. Hindi ko talaga alam. A-ako y-yung n-nags-sabi sa Tatay mo na dito kayo madalas magkita. Sinumbong ko kayo sa tatay mo. Ang akala ko paghihiwalayin lang kayo. H-hindi ko alam n-na mamamatay p-pala si K-Kristian." Humihikbi niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Di Inaasahan
Short Story" Sa lahat ng bagay kailangan mong maging handa marahil may mga pangyayaring hindi mo inaasahan. Mga pangyayaring kahit kailan man ay hindi pumasok sa iyong isipan.."