PROFILE PICTURE
Isinulat ni Alex Asc"Grabe, may bago na naman siyang pinatay!" anang lalaki. Naghalo na ang pandidiri't takot.
"Oh god, please help this country," anang wari nagdadasal na babae.
Nakakaawa ang sinapit ng bagong biktima, bagong profile picture ng isang higanting kriminal na si Notoryo. Isa na namang lalaking laslas ang leeg. Dinukot ang dalawang mata habang putol ang dalawang taenga.
Ang ibang nakakakita ay napapaluha. Ang iba ay napapamura.
Sino nga ba si Notoryo? At ano ang gawain niya?
Si Notoryo ay isang mamamatay tao, killer at napakawalang pusong nilalang. Ganoon siya kung ilarawan ng mga tao. Isa siyang anak ng napakalakaing tao sa bansa. Ang Prisidente, ang multi-billionaire at umaangkin ng bansa.
Maituturing na isa nang sakit o 'di kaya'y addiction ni Notoryo ang pagpatay ng tao sa napaka-brutal pa na pamamaraan. At ang nakakakilabot sa gawain niya ay matapos niyang maisagawa ang krimen ay kanyang kukunan ng litrato iyon at gagamitin niya bilang Profile Picture sa kaniyang account. Ang masaklap pa ay hindi lamang iisa kundi napakadami na niyang napapatay. Kung sino lang ang nakukursunadahan niya ay kaniyang mamasakerin.
Ang nakakasuklam pa nga ay kaniyang ipapakita sa buong sambayanan sa pamamagitan ng Profile Picture ang brutal na pamamaraan. At paano nga ba nakakalusot sa fb iyon? Paano hindi nabubura ang account nito o 'di kaya'y naha-hack? May nakapagsabing protektado daw siya ng nagmamay-ari ng facebook. Dahil nga sa taglay nitong kapangyarihan, lahat nga naman kasi ay nagagawa ng pera.
Si Moin. Isang half Pilipino at half indian nationality. Bagong dating siya sa bansa. Nakabakasyon siya. Halos sa india na siya lumaki ngunit marunong siyang magsalita ng tagalog at maayos magbigkas. Minsan lamang siya makabisita sa Pilipinas noon. Sa ngayon, mag-isa lamang siyang umuwi. Hinayaan naman siya ng mga magulang dahil nasa hustong idad na siya.
Dumaan sa news feed ni Moin ang larawan mula sa shared ng fb friend niya. Natigil siyang mag-scroll-down. Sa halip, binuksan niya ang naturang profile. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. Nagbukas pa siya ng ibang larawan ng lalaking iyon. Gulat siya nang mamasdan ang iba't ibang profile ng taong iyon. Napamura siya. Tiningnan niya ang mga comments. Puro mga nakakaawang kataga ng mga taong nagkokomento. Mayroon pang ilang kamag-anak na inilalabas lamang ang sama ng loob at mayroon namang ilan na nagagalit tapos ay mag-so-sorry din.
Walang kaalam-alam si Moin sa katauhan ng lalaki. Kaya't labis siyang nagtataka kung bakit pa humihingi ng tawad ang ilang nagmumura.
Nagtanong-tanong si Moin sa mga commentor sa pamamagitan ng private messages. Puro sagot ay nakakatakot tungkol sa lalaking iyon.
Hindi na napigilan ni Moin ang sarili. Napa-post siya ng masama tungkol sa taong iyon, with hastag 'Hustisya para sa mga biktiman ni Notoryo!' Sari-saring comments ang natanggap niya.
"Naku! Humanda ka na sa kaniya! Isusunod ka na niya!" anang wari takot na komento ng isang lalaki.
"The next victim..." tipid namang comment ng isang babae.
"Pare, kung ako sa 'yo, humingi ka ng tawad, before it's too late," anang concern citizen.
Ganoon man ang mensahe nila, ay hindi magiging dahilan iyon upang burahin ni Moin ang sinabi. Buo ang kaniyang paninindigan. Hinding-hindi niya uurungan ang naturang kriminal.
Sa ibang dako, ay umabot ang balita kay Notoryo. Sa halip na magalit ay tumawa pa iyon ng malakas.
Gabi na ng mga sandaling iyon, nang maalimpungatan si Moin. Ramdam niyang may nakapasok na ibang tao sa kaniyang bahay. Agad siyang lumabas sa kama at tiningnan ang paligid.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 12
HorrorVolume 12 na tayo, Alexians. 1 - Profile Picture 2 - Boardmate kong aswang 3 - Luzviminda 4 - Aswang Apps 5 - Jeeper Creepers ng Pinas 6 - Plaka 7 - Aswang sa disyerto 8 - Violet lady 9 - Dugong aswang 10 - Ang nambabato 11 - Ang alay 12 - Halamang...