ASWANG SA DISYERTO

119 10 0
                                    

ASWANG SA DISYERTO
Isinulat ni Alex Asc

Mabilis kong tinatapos ang gawain. Mamayang 9pm ay premiere na ng isang kuwento sa isa sa paborito kong channel, 'Ang Lingon sa kabilang deminsyon'.

Naghuhugas na ako. Isang katirbang hugasan. Ang mga kabayo kong amo nagsalo-salo na naman sila. Lagi na lamang nagagawi dito ang mga anak ni Baba. Lagi na lang nagkakasiyahan at kumakain ng masasarap na pagkain.

Isa akong OFW, domestic helper ng mayamang pamilya ng arabo dito sa middle east. Okay naman ang trabaho. Paghuhugas lamang ng pinggan, pagmamap at pagba-vacuum sa buong kabahayan ang trabaho ko.

Tuwing gabi ay dinadalian kong tapusin ang trabaho ko. Upang makapagpahinga na rin, at makanood na ng paborito kong kuwento. Ito ang nagpapawi sa home-sick ko.

"Aiza, taal shop adha," tawag sa akin ng tatlo kong kasamang ethiopian. Ang ibig sabihin ng sinabi nila ay lumapit daw ako upang makita ang ipapakita nila. Tiningnan ko naman ang cellphone ng isa.

"Your faborito." Tumawa pa siya habang ipinapakita sa akin ang larawan ng mga moonster.

"You want to be like this?" Umiling ako.

"You are Aswang!" gulantang pa ng isa. Muntik na akong matumba. Nagtawanan sila. Kumukulo na ang dugo ko sa kanila.  Medyo maalam na silang magtagalog. Naturuan ko ang mga loka noon ta's may mga ka-chat pang kabayan. Hindi ko nga alam kung bakit pumapatol ang mga pinoy sa mga pangit na ito.

Actually naiinis ako sa mga negritang ito. Palagi na lamang nila akong pinapakialaman sa hilig ko. E, ano ngayon kung mahilig ako sa horror. Nakakainis lang na lagi na lamang sa akin nakamata ang mga 'to. Inggit kasi ang mga bruha dahil ako tinatrato nila Madam ng maayos. E, sila palaging napapagalitan dahil sa walang ayos kung magtrabaho.

Matapos kong pakinggan ang kuwento tungkol sa aswang ay panandalian muna akong nag-scroll-down. May dumaan sa news feed ko tungkol sa isa raw orasyon upang maging malakas katulad ng aswang o maaaring maging aswang na rin.

Napataas ang isa sa kilay ko. Posibli kaya iyon? Sa isang orasyon lamang ay maaari ng maging Aswang. Si-na-ve ko agad. Naisip ko kung paano kaya kung aralin ko? Wala naman sigurong mawawala sa akin. Ngunit paano nga ba kung maging aswang ako?

Nakita kong si Areta pala ang nag-share. Ang sira ulong negra. Napailing ako, ngunit ang nag-post naman ay ibang tao. Hindi kaya sha-nare lang ni Areta upang makita ko, kahit hindi naman niya alam ang nilalaman. Naisip kong baka kailangan ko rin ito. Babalikan ko na lamang.

Kinabukasan, labis akong nagalit sa mga kasama kong negra. Mayroon ba naman silang inilagay na kung ano sa niluluto nilang pagkain ng mga amo namin. Hindi ko pinalagpas iyon. Isinumbong ko agad kina Madam. Pinagalitan naman nila si Areta, Nashima at Mona.

"This is the last time! Marra thani, i will terminate you and send you to your country!" gigil si Madam. Panay naman hingi nila ng tawad kay Madam at Sir. Nag-iiyakan pa ang mga loka.

"Ana assif, Madam..." Sorry daw madam, aniya. Sa loob ng ilang araw ay hindi na ako pinapansin ng tatlo. Hindi ko rin sila pinapansin. Hindi sila kawalan sa akin. Para matigil na sila sa kaka-trip sa akin.

Nagluluto ako noon ng ulam ko. Dahil sa pagkakalate sa premiere ay pinakinggan ko habang nagluluto. Sandali akong umupo sa table habang nanonood nang mapansin ko na lamang si Areta. Papunta siya sa niluluto ko. Nais hawakan pero 'buti na lang naabutan ko.

"Don't touch this! What are you doing?"

"I'm just joking." Inilapit niya ang kamay niya at tinapik ko.

"Lesh! Why?!" aniya. Itinulak ko siya at sinugod naman ako ng dalawa. Nagsabunutan kami. Pinagkaisahan ako ng tatlo. Matapos kami maawat ay iiyak-iyak ako habang kumakain sa loob ng kwarto ko.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon