JEEPERS CREEPERS NG PINAS
Isinulat ni Alex AscNaging enteresado ang reporter na si Emman na gawaan ng documentary show ang sikat na hollywood movie na Jeepers Creepers. Ngunit nais niyang mamaalam sa may ari ng pelikula, upang hindi siya masabihang nagnakaw.
Nag-post siya tungkol sa halimaw na iyon. Madami ang nag-comment mula sa kaniyang mga followers at mas nakuha ng kaniyang atensyon ang isang komento ng isang lalaki.
"Sir, Emman, maaari ka namang gumawa ng sarili mong show dito sa Pinas. Mayroon namang mala-Jeepers Creepers dito sa atin." Nagtaas ng kilay si Emman sa komento na iyon. Agad nag-PM si Emman.
"Who's?"
"Dito sa amin sa may Capiz. Matatawag siyang uri ng aswang ngunit ang kaniyang anyo ay katulad ng halimaw na si Jeepers Creepers. Namamatay din siya at katulad ng movie na Jeepers Creepers ay nabubuhay din siya muli after ng ilang years," kuwento ng lalaki.
"Ilang years siyang nabubuhay ulit?" Curious na tanong ni Emman.
"84 Years, muli siyang babangon upang maghasik ng lagim. Isang araw lamang siyang mabubuhay." Napakunot ang noo ni Emman. Parang imposible naman na magkakatotoo ang sinasabi nito. Baka pinag-ti-trip-an lamang siya.
"Maniwala ka, sir Emman," habol pa nito.
Seryosong-seryoso si Emman sa gagawing show. Batid niyang mataas ang ratings ng naturang paksa, kaya't nais niyang tagpuin ang lalaking iyon.
Mag-isa siyang nagbiyahe papuntang Capiz. Ayaw muna niyang ipaalam sa team niya dahil baka makornihan sila sa kaniya. First time kasi siyang gagawa ng katatakutang show. Kadalasan nilang ginagawaan ng palabas ay ang mga nakakamanghang kuwento. Isa pa, nais muna niyang makasigurado sa kuwento na iyon.
Pinaunlakan naman siya ng commentor na si Arjay. Dinala na rin niya ang camera at ilang kagametan upang interview-in na rin sila.
"Yong palabas na Jeepers Creepers, halos katulad no'n ang anyo ng aswang na si Isabel. Dalagita pa lamang ako ng huli siyang bumangon," salaysay ng matandang Lola ni Arjay. Sa tantiya ni Emman ay aabot ng halos isang daan taong gulang ang matanda. Nagpakilala iyon sa pangalan na Marcella.
"Si Isabel. Isang halimaw na aswang noong unang panahon. Dulot ng paghahasik niya ng lagim ay nahuli siya ng mga tao at kanilang sinunog. Sumumpa siyang muling babangon nang paulit-ulit upang maghiganti. Sa tuwing babangon siya ay nagpapalit siya ng panibagong mukha mula sa una niyang nabibiktima." Ipinagpatuloy ng matanda ang pagkukuwento habang taimtim na nakikinig si Emman at nakatutok ang kamera nito.
"Lola, anong taon po siya huling bumangon?" tanong ni Emman. Sandaling natahimik ang matanda habang inaalala.
"Taong 1937." Sandaling bumasag ang katahimikan at tila nagbibilang ang tatlo. Agad inabot ni Arjay ang calculator upang makasigurado.
"84 years na po? Bali babangon na po siya, ngayon?" sambit ni Emman habang nakatitig sa calculator. Tumango lamang ang matanda.
Hindi na hinintay ni Emman na sumapit ang dilim. Hapon pa lang ay nagpasya siyang tumungo sa bayan upang makahanap ng pansamatalang matutuluyan. Nahihiya naman siyang makituloy sa maglola dahil maliit at kubo lamang ang kanilang bahay. Kahit ang totoo ay inalok siyang matulog doon.
Sumapit na ang gabi habang nag-re-research si Emman sa kaniyang ipod, 'ukol sa pinaniniwalaang Jeepers Creepers ng Pilipinas. Nasa lobby siya ng hotel ng mga sandaling iyon. Nang may bumulong sa kaniya.
"Mag-iingat ka, nasa paligid lamang sila. Maaaring anyong ordinaryong tao lamang sila, ngunit naghahanap sila ng makakain." Lumingon si Emman. Kamuntikan pang bumangga ang kaniyang mukha sa mukha ng babae. Nailang siya at medyo dumistansya.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 12
HorrorVolume 12 na tayo, Alexians. 1 - Profile Picture 2 - Boardmate kong aswang 3 - Luzviminda 4 - Aswang Apps 5 - Jeeper Creepers ng Pinas 6 - Plaka 7 - Aswang sa disyerto 8 - Violet lady 9 - Dugong aswang 10 - Ang nambabato 11 - Ang alay 12 - Halamang...