BOARDMATE KONG ASWANG

178 11 0
                                    

BOARDMATE KONG ASWANG
Isinulat ni Alex Asc

Ako nga pala si Jennalyn. Baguhan sa Maynila. Naparito ako upang magtrabaho, para makatulong sa mga magulang. Mayroon akong kaibigan na siyang nasundan ko, kababata ko, si Ailyn. Ngunit ang baording house na tinutuluyan ni Ailyn ay puno na, kung kaya't kailangan kong tumuloy sa iba.

"Alam mo naman dito sa Maynila, punoan ang mga boarding house at appartment. Sa dami kasi ng nakikipagsapalaran dito ay talagang mapupuno ang mga paupahang kuwarto. Pero 'di bali, bess, may alam akong bakante na boarding house."

Pinuntahan namin ang tinutukoy ni Ailyn. Dati pala siyang nanirahan dito, kaya pala ganoon niya ka-close ang may ari. Sinamahan agad ako ni Aling Vicky ang Landlady. Kinatok muna niya ang pinto. Mukang may makakasama ako. Binuksan ng pupungas-pungas na babae. Kakagising lang niya.

"Marimar, may makakasama ka dito, si Jennelyn." Ngumiti lamang sa akin ang babae, tapos ay natulog na ulit. Mapait na ngiti lamang ang bumakas sa aking mukha.

"Huwag kang mag-alala, mabait iyan..." anang landlady.

Iniwan na ako ng landlady at inayos ko naman ang aking mga gamit. Maliit lang ang silid namin ni Marimar pero may dalawang kama, dalawang maliliit na kabinet at dalawang maliliit na lamesa.

Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay nahiga na ako sa aking kama. Dulot marahil ng labis na kapaguran ay nakatulog agad ako.

Mula tanghali nang dumating ako ay nakatulog ako hanggang pagsapit ng alas nuwebe. 9pm na ako nagising. Nakabukas ang ilaw. Nilingon ko agad ang higaan ng boardmate ko, pero wala siya roon. Sa isip ko ay baka nagpunta sa labas, sa Cr. Tumayo ako at lumabas ng silid upang manghilamos.

Nakabukod ang CR. Puro rin babae ang nangungupahan dito. Bawal daw ang bisitang lalaki puwera lamang kung Tatay o kapated. Pagbalik ng kuwarto ay tumunog ang tiyan ko, mukang nagugutom ako. Inilabas ko ang binili kong tinapay kanina at iyon na rin ang kinain ko.

Inabot ako ng tatlong oras na gising nang hindi pa dumarating ang ka-room-mate ko. Alas-dose na. Nababagot kasi ako at parang nais ko ng kakuwentuhan. Sumapit ang alas-dos ng hindi pa rin siya dumarating. Marahil hindi na darating iyon. Kaya't nagpasya na lamang akong matulog ulit.

Nagising ako alas-otso na ng umaga. Tiningnan ko si Marimar. Tulog at medyo malakas ang paghilik. Parang napagod ng buong gabi. Baka night-shift siya, kawawa naman. Napatanaw ako sa bintanang bukas, sa alapaap.

"Sana makahanap ako ng magandang trabaho upang makatulong kay Inang at Amang," sambit ko sa kawalan.

Tumayo ako't lumabas ng boarding house. Sa 'di kalayuan ay mayroong restaurant. Bumili ako ng kanin at nilagang itlog. Nagugutom na rin ako.

Babalik na ako ng bahay nang umagaw pansin sa akin ang mga taong nagpupulong.

"Sino kaya ang walang pusong pumatay ng manok ko!" Nakaangat ang kamay ng lalaki, kaya kitang-kita namin ang manok na wala nang lamang-loob.

"Inaaswang yata tayo dito, pare! Maging ako din ay namatayan ng alagang pato. Ang masaklap ay wala ring lamang-loob," anang isa pang lalaki.

Nangilabot ako sa usap-usapin nila. May aswang dito? Pero parang napakaimposibli naman. Siyudad ito, eh," aniya ko sa sarili.

Pumanhik na ako at inilatag ang pagkain sa aking lamesa. Habang kumakain ay biglang nagsalita ang babae.

"May ulam ako diyan, kunin mo," alok niya sa akin. Nahiya naman ako sa alok niya.

"Salamat." Nginitian ko siya. Tumayo siya't nilagyan ang isang mangkok ng kaniyang luto. Gulay iyon, mukang masarap. Hindi na ako nakatanggi nang ilatag niya sa tabi ko. Tapos ay humiga ulit at nagkumot.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon