Raketship - Anong gusto mo maging?

381 30 1
                                    

Pasado alas dose na nang makarating kami sa bahay nila Ian. Hininto ko lang yung sasakyan sa may kanto nila dahil masyadong masikip ang daan papasok sa kung saan sila. Sementong pader na walang pintura, yerong kinakalawang at pintong gawa sa plywood- yun ang kabuuang panlabas ng bahay nila. Pinatuloy nya ko para maka-banyo ako. Pag labas ko ng banyo, tumambad sakin ang matandang babae na pupungas-pungas at may dalang arinola.

"Ikaw si Pogi?" Tanong sakin ng matanda.

"Lala, Robi po..." Sabat ni Ian. Lumapit sya agad sa lola nya at kinuha ang arinola. "Ako na po magtatapon." Pumasok sya sa banyo at binuhos ang laman ng arinola sa toilet. Naghugas sya ng kamay at lumabas na ulit. "Uhmm... Tubig? Gusto mo uminom ng tubig? Pasensya ka na ha. Wala kaming juice or softdrinks. Tubig lang- hindi pa mineral."

"No. I'm okay." Sagot ko.

"Ayyy!" Lumapit si Ian sa lola nya na nakaupo sa sofa nila na gawa sa kawayan. "Lala, siya po si Robi,. Kaklase ko po. Sa kanya po ako nakitawag nung rumaket ako nung nakaraaang araw. Robi, ito nga pala ang pinakamaganda kong Lala. Beauty queen yan." Pagmamalaki ni Ian sabay turo sa nakaframe na black and white na litrato sa may patungan ng maliit na TV. "Binibining Matabungkay 1961! Best in Swimsuit at Miss Friendship!" Proud na proud na kwento ni Ian.

"At, kung may People's Choice award nung panahon na yun? Aba! Sigurado akong hakot ko din yun! Walang panama ang mga kalaban ko sa lakas ng charming ko." Pagmamalaki ni Lala habang kumakaway-kaway na pang beauty queen.

"Lala, charm po. Hindi charming." Pagtatama ni Ian.

"Ganun din yun!"

Hindi ko mapigilan mapangiti sa panonood sa kanila. Para silang hindi mag lola. Para lang silang magkaibigan.

"Sige na po, La. Matulog ka na ulit. Pauuwiin ko na din to, tapos magpapahinga na po ako." Sabi ni Ian sa lola nya.

"Oh sya sige. Mag-ingat ka pauwi, Pogi." Sabi ni Lala sakin.

"La... Robi po ang pangalan nya." Pagtatama ni Ian.

"Eh bakit? Pogi naman sya ah?"

"Sige na lang po." Sarcastic na pag sang-ayon ni Ian. Inalalayan nya na si Lala papasok sa kwarto na kurtina lang ang harang.

"Ang cute ng lola mo." Pang-aasar ko kay Ian pagkalabas nya ng kwarto.

"Hmp. Umuwi ka na nga. May pasok pa bukas. Hatid na kita sa labasan."

"Wag na. Gabi na oh. Kaya ko naman mag-isa."

"Naku madaming loko dyan."

"Kita mo na, madaming loko dito sa inyo tapos babae ka pa. Mamaya mapag-tripan ka pagbalik mo."

"Taga-dito ako. Walang mangangahas na mang-trip sakin dito. Ikaw ang hindi makakalabas ng buhay pag wala kang kasama na taga looban."

"Fine." I surrendered, dahil alam kong hahaba lang ang pagtatalo namin. Lumabas na kami ng bahay nila at nilakad na papunta sa kanto. "Ang ganda ng lola mo dun sa Binibining Matabungkay picture nya ah."

"Naku! Sinabi mo pa. Classic beauty. Sopistikadang tindera ng isda. Lahi talaga nila Lala ang mga pang beauty queen. May dalawa syang ate, na may mga korona sa iba't-ibang lugar. Ganun din yung iba nyang mga pamangkin." Kwento ni Ian.

"Beauty queen din ang mama mo?" Out of the blue question ko.

Buntong hininga at pilit na ngiti.

"Oo. Laging muse yun sa mga pa-liga ng barangay sabi ni Lala. Panalo din lagi sa mga beauty contest. Natatandaan ko, naka-display yung mga trophy, sash, korona at pictures nya sa dati naming bahay... Tapos iniwan na lang namin dun nung lumipat na kami ni Lala dito."

RAKETSHIP by Robi CastilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon