That's how Ian and I became best friends. She bared her soul to me. She told me about her past. Her story. Minsan naisip ko, baka naawa lang ako sa kanya kaya kinaibigan ko sya. Pero, kilala ko ang sarili ko. Pag ayaw ko, ayaw ko talaga. Pag hindi ko gusto ang isang tao, walang kahit ano ang makakapilit sakin na pakisamahan sya.
After that night, lagi na kami magkasama. Most of the time, sabay kami kumakain. Madalas na din ako mag baon ng lunch at snack para mahatian ko sya. Kapag kasi bumibili kami ng pagkain at nag-alok ako na ako na ang magbabayad, tumatangi sya. Pag ipinilit ko naman, magagalit sya. Kaya para na lang hindi sya magalit at mahiya, lagi na lang ako nagpapahanda ng baon kay mommy. Si mommy naman, laging dinadagdagan ang pinapabaon sakin dahil alam nyang binibigyan ko si Ian.
Kilala na si Ian ng buong pamilya ko. Gustong-gusto sya ni mommy, dahil syempre pangarap nya magkaroon ng anak na babae. Aliw naman ang mga kuya ko sa kanya, kasi para na din daw kaming may kapatid na babae pag nasa bahay sya. Nakilala na din nila ang lola ni Ian nung imbitahan sila ni mommy na pumunta sa birthday celebration ni daddy sa bahay. Sa isang taon na pagkakaibigan namin ni Ian, wala akong naisip na gawing kalokohan. Kaya din siguro natutuwa sa kanya ang pamilya ko. Maybe they see her as a good influence to me. Ayos lang sa kanila na gabihin ako ng uwi or lagi akong wala sa bahay, basta alam nila na sya ang kasama ko. Mas nagtataka pa nga sila pag maaga akong umuwi. Alam kasi nila na sinasamahan ko siya sa mga raketship nya. Hinahatid ko siya at binabalikan pag tapos na ang raket nya. Minsan naman tumatambay lang ako kung nasaan sya. Nag-aaral ako o kaya naman gumagawa ng mga assignment habang hinihintay sya. Kapag wala naman sya masyadong ginagawa sa trabaho, dinadaluhan nya ko sa pag-aaral. Pagkatapos naman ng raket, hinahatid ko sya sa bahay nila.
Nung una tumatanggi pa sya pag nag o-offer ako na ihahatid ko sya, pero ang ginawa ko nakikipag pustahan ako palagi sa kanya. Ang premyo? Pag nanalo ako, ililibre nya ko ng lunch. Pag sya naman ang nanalo, may isang lingo syang libreng sakay. Pumapayag naman sya sa pustahan, at lagi ko naman pinipilit magpatalo. Nung minsan kasing nanalo ako sa pustahan namin at sa KFC ko pinili kumain, umorder sya ng one piece chicken meal at extra rice. Akala ko hindi sya kakain. Nanlumo na lang ako nung nakita kong sinalin nya sa isang plato yung extra rice atsaka binuhusan ng gravy. Yun ang kinain nya for lunch. Binilisan kong ubusin yung kanin at konti lang ang ibinawas ko sa chicken para ibigay sa kanya yung natira. Sinabi ko na hindi ko na maubos. Hindi naman nya kasi yun tatangapin kung hahatiin ko yun at basta lang ibibigay sa kanya. Simula noon, pinipilit ko na talaga mag patalo sa lahat ng pustahan namin.
Sa isang taon na sinasamahan ko si Ian pumunta sa mga raketship nya, nakita ko kung gaano kaliit ang mundo ko at kung gaano kalawak ang sa kanya. Kung sa school ay parang hindi sya kilala ng mga kaklase namin, sa labasan para syang kagawad sa dami ng bumabati sa kanya. Ilang tindera ng karinderya ang nang lilibre samin ng extrang kanin. ilang libreng sama-lamig na din ang nainom namin sa tuwing kumakain kami ng fishball. Ilang libreng vulcanizing na ang dinanas ng sasakyan ko dahil sa mga kilala ni Ian na mekaniko sa mga auto repair shop. Lagi na din malinis ang sasakyan ko dahil sa libreng car wash. Ilang subdivision na din ang napapasukan ko na hindi na kailangan mag bigay ng ID dahil kilala syang miyembro ng linis-bahay gang. Madami akong nararanasang bago pag kasama ko si Ian. Pinapalawak nya ang isip ko. Pinapalawak nya ang mundo ko. At dahil dun, unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago ng tibok ng puso ko.
Ayaw kong pansinin nung una. Iniisip ko noon na baka bilib lang talaga ako sa fighting spirit ni Ian. Baka bilib lang ako sa kasipagan nya. Bilib lang ako sa pagmamahal nya sa lola nya, sa pagiging pursigido nya, sa ugali nyang 'never say die'. Baka katulad ng pamilya ko, naaliw lang ako sa kanya. Naisip ko din na baka sobra lang talaga kaming close at komprtable sa isa't-isa kaya ganoon ang nararamdaman ko. Nagbago lang ang pananaw ko nung minsang sumama ako sa kanila ng lola nya magtinda sa palengke. Patapos na ang araw nila noon sa pagbebenta. Nagkakabiruan na ang mga kapwa nila nagtitinda. Inaasar nila si Ian dahil puro kaliskis na naman ng isda ang katawan nya. Pinagtawanan ko pa sya nang makita kong meron syang kaliskis hangang sa mukha.
BINABASA MO ANG
RAKETSHIP by Robi Castillo
RomansaOnce upon a time, na-inlove ako sa isang road runner. Sa sobrang bilis nya, feeling ko ako si Wile E. Coyote ng Looney Tunes na habol ng habol, at kung ano-anong ginagawa para lang mahuli sya. Ang hirap nya habulin, lalo na pag nasa "raketship" sya...