RAKETSHIP: Ika-walong Take-Off

336 24 2
                                    

"Hangang anong oras last class mo today?" Tanong ko kay Ian habang nagliligpit kami ng gamit sa laboratory.

"3:30 lang ako ngayon." Sagot nya habang pinupunusan yung mga beaker na ginamit namin.

"Hintayin mo na ko. Hangang alas kwatro lang naman yung last class ko eh." Sabi ko.

"Naku wag na. Matagal pa..." Hindi nya natapos yung sasabihin nya. Pumikit sya at pinisil ang ilong. "Ching!"

"Alam mo, kung tao lang si Ching, malamang wala ng dila yun o kaya naman ilang beses na natisod."

"Ano na naman pinagsasasabi mo dyan?" Tanong ni Ian habang nag pupunas ng ilong nya gamit ang bimpo.

"Ching ka ng ching kanina pa eh." Paliwanag ko. "Siguro dahil yan sa aircon kahapon. Itutok mo ba naman sayo yung todong aircon eh- sisipunin ka talaga nun."

"Hindi 'to sipon. Okay?" Objection nya habang kinukuskos ang ilong. Hinawakan ko yung kamay nya para pigilan.

"Tigilan mo nga yang kakakuskos sa ilong mo. Nangangamatis na oh."

Hahawakan sana nya ulit yung ilong nya gamit yung isa pa nyang kamay pero napigilan ko agad.

"Bitaw nga. Ang kati na ng ilong ko eh." Parang batang reklamo ni Ian.

"Ang kulit. Sabing wag nga kasi nangangamatis na."

"Pwede ba, wag mong ihalintulad sa pototoy yung ilong ko!" Inis na sabi ni Ian habang nagpupumiglas.

"Anong pototoy pinagsasabi mo dyan?" Kunot noong tanong ko.

"Ano ba ang kadalasan na dini-describe na nangangamatis? Diba yung bagong tuling pototoy?"

Nabitawan ko yung kamay nya dahil sa narinig ko.

"Kababae mong tao ganyan mga pinagsasasabi mo. Tapos ang lakas pa ng boses mo. Konting preno naman." Napipikon na suway ko sa kanya.

"Eh kasi naman. Nangangati nga yung ilong ko eh. At ang sakit na ng ulo ko tapos pinipigilan mo pa ko kamutin. Ang dami mo pang sinasabi. At higit sa lahat ginamitan mo ng pang-pototoy na description ang ilong ko. Ikaw kaya sabihan ko na nangangamatis ang ilong mo, matutuwa ka?"

Medyo may point ata sya sa nangangamatis.

"Fine. Panalo ka na. Pero tigilan mo na yang kakalamog jan sa ilong mo. Pulang-pula na. Atsaka wag bimpo gamitin mo. Mas lalo mai-irritate yan eh. Gumamit ka ng tissue."

"Wala sa budget ang tissue."

"Lahat ng virus napupunta sa bimpo mo."

"Allergic rhinitis lang 'to."

"Wow ah. Sosyal. Self diagnosis din yan?"

"Hindi. Doktor talaga nagsabi. Doktor kasi yung asawa ni misis Rodriguez. Nung unang beses kasi ako nag linis dun na kasama ko si lola, nakita nya ko na bahing ng bahing. Ayun, tiningnan nya ko- ay yung butas pala ng ilong ko. Ayun nga daw. Allergic rhinitis. Basa kasi yung bimpo ko kahapon ng pawis kaya di ako nakapag takip ng ilong habang naglilinis kami. Kaya ito. Aching festival."

"Bakit di ka uminom ng gamot?"

"Wala sa budget ang gamot... Atsaka mawawala din 'to."

"Alam mo naman pala na may ganun ka bakit naglinis ka pa din?"

"Pogi, 500 pesos nga yung raketship na yun! Isang araw ko lang pagtitiisan ang pag aching, singhot at kamot ko. Pero ang 500 pesos 5 araw na naming pangkain yun ng lola ko."

"500 pesos, tapos di makabili ng tissue at gamot?"

"Syempre. Para buo ang kita."

"Mali ka eh. Ang pagtatrabaho negosyo yan. Mamumuhunan ka. Sa paglilinis mo dun puhunan mo yung gamot at tissue dahil automatic na magkaka-allergy ka."

RAKETSHIP by Robi CastilloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon