------------------------------------------------
"Op! Op! Wag kang sumimangot. Traffic lang yan. May mas kasima-simangot pang sitwasyon dyan. Kaya dapat ngiti ka lang." Sabi ng babaeng walang ginawa kundi ngumiti.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko na naman ang abot outerspace nyang ngiti.
"Para ano? Para mag mukang weirdo? Wag na noh!" Sabi ko sa kanya.
"Grabe naman 'to. Pag laging naka-ngiti, weirdo na agad? Hmp. Di bale ng weirdo, basta nakangiti."
"Ikaw ba hindi sumasakit yang panga mo kakangiti? Bawat kibot mo at bawat buntong hininga naka-ngiti ka eh."
"Uuuuyyyy... Pinapanood mo pala bawat galaw ko ah. Crush mo ko noh?!" Pang-asar na sabi nya habang pinipindot-pindot ang tagiliran ko na para bang nangingiliti.
"Tumigil ka nga. Hindi tayo close at hindi tayo magkaibigan para ganyanin mo ko. " Sabi ko, sabay tulak palayo sa kamay nya.
"Sungit. Hindi close. Hindi kaibigan. Pero pinasakay mo ko sa kagandahan mong kotse kahit putikan ako at amoy isda. Pinahiram mo ko ng ballpen. Binigyan mo ko ng sosyalin mong Tic Tac. At higit sa lahat tinulungan mo ko magbuhat nung gamit ng matanda kahit parang batak sa gym at hindi sa normal na gawain yang katawan mo. Yan ba ang hindi kaibigan?"
"Good Samaritan. Hindi kaibigan." Pagtatama ko sa hypothesis nya.
"Wow ah. In denial ka pa. Wag ka mag-alala, gugustuhin mo din ako maging kaibigan."
"Wow ah. Ang lakas lang ng loob ah. Wala akong mapapala kung magiging kaibigan kita."
"Wow ah. Ipupusta ko pa ang buhay ko na may mahalaga kang mapapala pag naging kaibigan mo ko. At mami-miss mo ang kalahati ng buhay mo pag hindi mo ko naging kaibigan. Itaga mo yan sa biceps mong sing tigas ng ulo mo." Sabi nya sabay pakunwaring kurot sa braso ko.
"Wag mo nga akong mahawak-hawakan, kurot-kurutin o pindot-pindutin. Hindi ako karne, okay?" Naiinis na sabi ko naman at muling tinulak palayo yung kamay nya.
"Okay. Fine. Sorry lang. Hindi ka karne kasi talaba ka." Sabi nya habang naka-ismid. Aba... ngayon ko lang ata sya nakitang hindi masaya ang aura. Tao pa din pala ang weirdong 'to. Kala ko talaga alien sya. Bumuntong hininga sya. One... Two... Three... At... Ayan. Bumalik na naman yung ngiti nya. "Gumilid ka na ng konti. Dun na ko bababa sa susunod na kanto." Sabay turo nya sa hilera ng mga tindahan at beer house.
"Saan ang bahay nyo dyan? Puro tindahan lang nakikita ko atsaka mga bahay ng ilaw na patay-sindi." Usisa ko sa kanya.
"Uhmmm... Medyo malayo pa. Pero okay na ko dyan. Sige na, gumilid ka na."
"Hindi na. Dun na lang kita ibababa sa bahay nyo mismo. Sayang naman kung di mo pa lulubusin yung pag hatid ko sayo. Atsaka madilim na. Delikado na nyan."
"Hindi na. Magulo sa lugar namin. Atsaka nag-text kasi sakin kanina yung regular customer ko. Gusto magpa-service. Ayaw kasi magpa-service dun sa residente nila. Gustung-gusto ako nung customer na yun. Ang lambot daw at gaan ng kamay ko kasi. Tapos, kung i-describe nya ang moves ko 'short but sweet'. Masarap daw ako humagod. At lagi pa daw akong may extra service na binibigay kaya talagang ang ingay namin. Hiyawan kung hiyawan." Pagku-kwento ng weirdo. "Ayan. Itabi mo na dyan sa pink na beer house..." Tinuturo nya yung mukang bahay na pink na may mga patay-sinding ilaw. May malaki pang poster ng mga babaeng naka two piece sa harap.
Service? Customer? Malambot at magaang kamay? Moves na "short but sweet"? Masarap humagod? Extra service? Hiyawan? Anong sina-sideline ng babaeng 'to? GRO kaya sya dito? Pero parang hindi naman pang beer house yung body type nya eh. Ihininto ko yung sasakyan sa harap ng pink house. Aligaga sya sa pag halukay sa bag nya. Nilabas nya ang isang cellphone na mukang nauso pa nung year 2000. Naka-goma pa ata at scotch tape para hindi magsikalasan ang mga parte.
BINABASA MO ANG
RAKETSHIP by Robi Castillo
RomanceOnce upon a time, na-inlove ako sa isang road runner. Sa sobrang bilis nya, feeling ko ako si Wile E. Coyote ng Looney Tunes na habol ng habol, at kung ano-anong ginagawa para lang mahuli sya. Ang hirap nya habulin, lalo na pag nasa "raketship" sya...