029

342 26 23
                                    

CELESTINE ALLIANA DE ASIS.

"Where are you? It's already five pm!"

"Whoa, chill! Nagagalit ka agad diyan!" sabi ko habang pababa na ng jeepney at tatawid na ng daan. "'Tsaka okay lang naman ako magpa-gabi. Nagpaalam na ako kay Papa."

"Okay, but where are you?"

"Malapit na sa 7/11. Ikaw, gumayak ka na riyan sa inyo dahil panigurado nakatunganga ka na naman kahihintay sa akin," panenermon ko sa kan'ya.

Narinig ko ang halakhak niya. "I'm on the way to the car now..."

"Kailangan informed ako?!"

"Just saying," he said and snickered. "By the way, my cousin is home right now. They'll have a band practice. I'm just explaining just in case you get annoyed with the noises later."

Kumunot ang noo ko. "Tss, ano ba 'yan! Ba't hindi na lang sa ibang lugar mag-practice?"

"They're famous so they can't just practice anywhere..."

"Tss! Kahit na! Mag-aaral tayo, e! Ang istorbo naman niyan."

Maingat akong tumawid ng daan dahil may tumulong sa akin na traffic enforcer. Tinanguan ko siya at nginitian. Mabilis akong naglakad papunta sa 7/11 na malapit lang sa AUF. Malapit lang naman kasi ang bahay nina Worth dito kaso hindi ko alam ang address niya kaya niya ako susunduin.

May ibang estudyante na naka-AUF uniform pa akong namamataan na lumalabas mula sa milk tea shops at mukhang abala sa mga kausap.

Para talaga kaming lumot kapag naka-uniform kung titingnan mo sa malayo dahil kulay green ang uniform.

Napatigil ako sa paglalakad.

Napukaw ng atensyon ko ang isang lalaking naka-shades at face mask na nakasandal ang katawan sa puting kotse niya sa harap mismo ng 7/11. He's wearing a gray hoodie and skinny black jeans and his hands were placed on the pockets of his hoodie. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao.

Bakit ba takip na takip ang mukha niya? Akong naiinitan para sa kan'ya.

Pero in fairness ha, mukha siyang guwapo.

"Hey, Tine. Are you in 7/11 already?" tanong ni Worth sa kabilang linya na siyang nakapagpatigil sa akin sa pagtitig doon sa guwapong lalaki.

Tumikhim ako. "Oo, nandito na ako. Tagalan mo, ha? Willing to wait ako. Take your time lang..."

"What are you talking about—"

I ended my call with Worth. Napatingin ako sa lalaki at ngiting-ngiti habang naglalakad papunta sa kan'ya.

Mukhang guwapo talaga! Nakakainis! Kuya, paki-tanggal nga ang face mask para makita ko kung sino ka?

Natatawa ako sa iniisip.

Naglakad ako papuntang 7/11. Hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Paano kasi, minsan lang ako makakita ng guwapo sa totoong buhay. Guwapo na hindi ko kaibigan at hindi ko kaano-ano.

Guwapo naman sina Knight, Cassie, at Worth pero parang iba ang isang 'to.

Ilang agwat lang ang layo ko mula sa kan'ya. Aaminin kong sinasadya ko 'yon. Sandali siyang napatingin sa akin bago iniwas ulit ang tingin. Naghintay ako na dumating si Worth.

One Hundred PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon