after 3 months...

34 0 1
                                    

Nakalipas ang tatlong buwan at salamat sa Diyos at kilala ko na silang lahat pati sa kabilang seksyon. Pwede na ako sa Miss friendly of the year. Charat.

Si Joey e, meron nakwento sakin at parang nahahalata niya na kasi na nagpapa-cute ako kay Adrian. 

"Nung bakasyon, nagbreak sila ng girlfriend niya. Hindi ko alam yung reason pero sobrang sayang. Kasi ang sweet nila ni Hya. Taga kabilang seksyon yun ngayon. Pati mga teachers namin nagulat sa nangyari kaya minsan napaguusapan kung nakikinag ka talaga. Madalas sa english time yun nao-open kasi adviser nila dati yung english teacher natin."

Sabi ko, "O? Bakit mo kinekwento sakin yan? Halata ba masyado na crush ko siya? Hahaha! Hoy Joey wake up. Nagpapa-cute lang ako sakanya pero hindi ko siya crush. Jokeeee. Crush ko siya pero hindi sobrang crush. Kasi yun talaga yung sobrang crush ko. T*ngina, ang gwapo niya Joey. Ang lalim ng dimpowls. Omeygad!!"

Sabay turo ko kay Jasten. 

Sa kasamaang palad, nahuli niya akong nakatitig sakanya. Tapos akala mo kung sinong gwapong may malalim na dimpowls kung umirap! Pero kinikilig ako syempre. Kasi napatingin siya sa akin e. 

Si Jasten ay isang lalake. Malamang may tenga siya. Gwapo. Cute. Pogi. Hindi namamansin ng mga babae. Minsan lang kapag may kailangan. Mukha daw waiter mga kaklase niyang babae.De, dyok. Tapos lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya. Ang lalim kasi ng dimpowls niya sobra.

Hindi ko pa pala nadedescribe si Adrian.

Simple lang siya. May parehas nga kami. Naisip ko tuloy meant to be kami. May kanang kamay din siya!! Ayun. Medyo mahaba buhok niya. Chinito. Maputi, matangkad. Tahimik. Lagi lang nakatingin sa malayo.

Si Joey nga pala, babae yun ha! Maliit lang siya. Pati si Andrea. Mas malaki ako sakanila ng isang dangkal at isang tumpok. 

At dahil kilala ko na silang lahat, may mga nagtatanong sakin kung may boypren daw ako. Sabi ko wala na. Iniwan ako nung first boypren ko kasi bumagsak siya sa academics niya at sinabi niya sa nanay niya na may gelpren siya. Kaya sinugod ako nung nanay niya sa school namin ng 1st year ako. 3rd year nga pala yung una kong naging boypren. Sa kasamaang palad, 23 days lang kami. Deputa diba. Pero yung totoong reason ng pagbagsak niya e, ang DoTA. Forever, 5ever kalaban ng studies ang DoTA. Sumunod lang ang puppy relationships. Yung mga aso. Dyok lang.

Pustahan nalang o!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon