Bente o sengkwenta?

13 0 0
                                    

Pasukan nanaman. Forth year na kami. Ito dapat ang taon na dapat gawing pinaka-memorable. Dahil ito na ang huling taon na magkakasama kaming lahat. Kami kasi, kung sino kaklase mo nung 1st year sa curriculum na ito, sila ang kasama mo hanggang makagraduate ka. Hindi ako nagsasawa sa mga mukha nitong mga pulpol kong kaklase. Saulo ko bawat detalye ng mukha nila at katawan. Mga kilos at likod nila, alam na alam ko. Yung mga ugali, yung iba.. Alam ko ang ugali pero malay natin. May tinatago silang kabahuan sa loob.

May kaklase kaming hindi ko talaga nakilala pero kaklase namin siya nung nakaraang dalawang taon. (dalawang taon lang kasi transferee ako)

Tinitigan ko siyang mabuti.

Bagong gupit, naka-polo na siya, naka-baston ang pants, naka-black shoes.

Shit... Si... Si Adrian ba 'to?

Anong nangyari?

Bakit ang gwapo niya?

Anong nakain? Naumpog ba siya? Nasagasaan? Hindi talaga ako makapaniwalang siya yun.

Nung mga nakaraang taon kasi, hindi naman siya ganun pumorma kahit nakauniform naman kami. Pero nung 2nd & 3rd year kami, lagi lang siyang naka-tshirt tapos yung pantalon niya parang pang ballroom. Laging mahaba yung buhok. Hindi naman yung parang Kpop, hindi lang naka-clean cut. Tapos lagi siyang naka-sneakers.

Syempre, crush ko parin si Jasten. Nagbago din yung itsura niya. Mas lalo siyang gumwapo. Langya naman o. Nakatimba ata sila nung nagpasabog ng kagwapuhan.

Nilapitan ko si Adrian...

"Pare, ang gwapo mo a."

Nginitian niya lang ako.

Tuwing may pagkakataon na nasa harap ko siya, lagi ko siyang tinititigan. Ang gwapo talaga. Pasok na pasok yung hinahanap ko sa lalaki. 

__________

Dumaan ang mga araw na kakaiba.

Lagi tumatabi sa akin si Adrian. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako nito o ano o ano ba talaga.

Physics namin. Magkatabi kami. Tapos yung ex niya nasa likod lang namin. Katabi ng ex niya yung isa kong tropa. At dahil mabagal ang oras kapag Physics...

Hinawakan niya kamay ko! O_O 

...Yun pala imamasahe niya lang. Akala ko pa naman...

Buti nalang nag time na. Recess na namin!

Nakalabas na yung teacher namin, hindi niya parin binibitawan yung kamay ko.

Yung mga tropa niya, tinitignan kaming dalawa.

Yung tropa ko din, sumigaw pa nga e. Sabi...

"Shit! May milagro dito o! Kaya pala ayaw sumama ni Cheska sa atin! Tignan niyo kasi!"

Tapos lumapit sila Geylle.

Umalis tuloy si Adrian. Nahiya ata.

Kilig na kilig ako grabe. Hindi na nga ako nakakapag concentrate sa Physics, ginulo niya pa ako!

Pero gusto ko yun a...

"Bakit ka kasi sumigaw?!... Nabitin tuloy ako."

Nagtawanan kaming natira sa room at bumili na ng makakain.

Hanggang sa labas ng room nakatingin sa akin si Adrian.

Hindi ko alam kung bakit pero wala namang dumi sa mukha ko. Nakteteng.

Hindi ko din alam kung pinagtitripan ba ako nito o ano e.

__________________

Kinabukasan...

Pustahan nalang o!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon