Napaka-hyper ko nung umaga. Nag almusal kasi ako. Ang ingay ko tapos ang ingay ko talaga.
Hindi ko makita si Adrian. Pati si Jasten.
Si Vincent nasa kabilang section na. Pati si Kaye at Banshel.
Buti nalang kaklase ko pa si Berniz, Allane, Rekah, Joey at Andrea. Bakit hindi nalang ipatapon sa dapitan yung mga echapwera kong kaklase.
"Galing daw RS yung bagong lipat a? Kaklase daw natin."
Hinanap ko, wala namang bagong mukha.
Ay meron!
Si... Wait. Nakikita ko na yan dito sa school natin a.
"Ay? Kaklase natin siya?"
Sabay turo ko kay Geylle habang kinakausap si Berniz.
Si Geylle ay isang babae na hindi ko alam kung masungit siya o ano, kasi marami akong naririnig na balita na marami na daw siyang nakaaway.
Pero mukha naman siyang mabait? Ewan ko.
Meron din kaming isang kaklaseng bago...
Siguro nga siya yung taga RS na sinasabi nila.
"Cheska! Oy! Hi. :)"
Sabi sakin ni...
Teka di ko pa alam pangalan niya.
"Oy. Ano nga ba pangalan mo?"
"Ako nga pala si... Tyler."
Wow, pang mayaman ang pangalan ha.
"Osige Tyler, pila na tayo. Syempre dun ka sa pang lalaki."
Since walang kumakausap kay Geylle, ako na unang kumausap sakanya.
"Hi. :) Tara dito ka na pumila o."
Sumunod naman siya sa akin.
"Ako nga pala si Cheska. At ikaw si Geylle. Kilala kita kasi crush ka nung isa nating kaklase. :)"
"Ah. Ganun ba. :)"
Pinaka ayoko sa lahat yung reply na ganyan. Nginitian ko nalang siya.
Natapos na papasukin yung mga lalaki at naka-ayos narin ang seating arrangement nila.
"Cheska Matampac!"
Umupo ako sa likod ng row ng mga lalaki.
"Matampac! Hindi ka dyan! Pinapangunahan mo ko! Dito ka! Wag kang pasaway napaka-aga pa para magalit ako."
Tangina naman. Strike agad ako, unang araw palang ng pasukan.
Di tumagal, may pumasok... Na...
"Tangina shet. Ang gwapo. Si Adrian ba yan? O_____O"
Sabi ko kay Berniz.
"Oo. Lalo mo nanaman siyang maging crush niyan! Manahimik ka na nga lang dyan. Nabengga ka na nga ang aga aga e."
Di ko alam kung may dalaw ba si Berniz at ang sungit sungit. Di ko nalang pinansin. Siguro badtrip siya kasi kaklase namin si Geylle. May issue kasi silang dalawa e.
Si Tyler, ako lang kinakausap niya dahil ako palang naman ang kilala niya.
Mabait siya, matangkad at maputi.
Dahil ako lang ang tropa niya, syempre ako muna ang suplay ni ng papel. Deputa.
Binigyan ko din ng papel si Geylle since nasa likod na likod siya at wala siyang kausap.

BINABASA MO ANG
Pustahan nalang o!
RomanceIto ang isang totoong kwento ng isang babae nung siya ay Hayskul palang. At may isang taong bumuo ng Hayskul "love" life niya, si Adrian. May iba ding mga lalaki na-involve sa buhay hayskul niya, pero si Adrian talaga ang pinakatumatak sa buhay Hays...