Lumipas ang ilang linggo, naging mag tropa na din sa wakas si Geylle saka si Berniz. Naging tropa din nila si Norice.
Si Tyler naman, sumali sa grupo namin nila Allane, Rekah at Minz.
"Cheska, ang ganda ni Berniz no?"
"Oo nga e. Maganda din ugali nyan. Mabait. Kaso mag pagkatamad. Ang puti pa niya no!"
"Oo nga e. May boypren kaya yan?"
Ahhhh. So, muka pala akong tulay.
"Hindi ko alam e. Pero sigurado ako maraming nanliligaw dyan. Model yan e."
Sabi ko sakanya habang nakakandong ako sakanya kasi nagpipicturan kami. Di kasya sa frame ng selpon ang lima. Ano ka ba.
Nagkamabutihan sila ng loob for 4 weeks.
Lagi na silang magkasama.
Laging nililibre ni Tyler si Berniz.
Samantalang kaming tropa niya hindi pa niya nililibre!!
Kahit kendi wala!
Kahit papel return wala!
Kuripot pero pag may pinopormahan gora lang!
_____________________________
"Naging sila nga." Sabi sakin ni Allane habang nagrerecess kami.
"Ha? o.O Bakit hindi man lang niya sinabi sa atin? Tropa pa ba yan?" Sabi ko habang kinukuha niya yung pagkain sa bulsa ko. Astig diba.
"Ewan ko. Pero break na rin daw sila."
"AGAD AGAD AGAD?! Ang bilis naman?!" Sabi ko, natapon tuloy yung sting energy drink strawberry flavor.
"Grabe ka naman maka-reak! Sinayang mo lang trese mo, tinapon mo pa inumin mo. Wala nang libre a!" Sabi sakin ni Allane na akala mo e nilibre niya na ako.
______________________________
Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan mas naging close kami ni Tyler. Yung tipong kinikiss niya ako sa pisngi kapag uwian na namin o kaya mauuna siyang umuwi.
Isang araw...
"Cheska, alis na ako. May training pa kami sa soccer. Sige."
"Kiss ko?"
*Kiss sa cheeks*
'Ang bango mo pota...'
"Sige babay! Ingat! Wag masyadong papakapagod ha?"
Pagkalayo nila Tyler sa amin, nakita nila Rekah na kinikilig ako.
"Huy Cheska! Iba na yan! bakit ka kinikilig?"
Hala, nahalata na nila na may gusto ako... Ano?! May... Ano?! Gusto?!
"Huh? Tanga wala yun. Dumaan lang yung crush ko. Bopols nito!"
Tapos tumawa nalang ako sabay puntang CR.
Nung panahong nun, sobrang close ko na si Geylle. Ewan ko din kung bakit e. Nagulat nalang ako isang araw sinamahan niya ako mag CR sa bahay nila.
Jumerbaks pa ako nun a. Nasa loob din siya.
Sobrang close namin. Sobra.
"Cheska, umamin ka nga. May gusto ka ba kay Tyler?"
"Baka tanga ka. Yan ka nanaman e. Wala no! Tropa nga diba?" Sabi ko sakanya tapos binuksan niya yung pintuan nung CR sa may school namin kahit hindi pa ako tapos umihi. Gagu talaga yun.
"E ano pala yung kaninang kilig kilig mo? May pangisay ngisay ka pang nalalaman." Tapos tinawanan niya ako.
Di ko na siya sinagot, tumawa nalang din ako.
Kinabukasan, nae-excite akong pumasok. Hindi ko alam kung bakit.
"Tangina! May kultapan daw ngayon! Sana man lang sinabi kahapon para nakapag pagupit tayo. Parang tanga lang!" Sigaw ni Allane. Alam ko bad trip siya. Lalo na yung mga kaklase kong lalaki na ang hahaba ng buhok. Ayaw nga nilang ginagalaw yung buhok nila, tapos kukultapan pa. Tindi diba.
Pagkatapos namin magrecess...
"Tangina ayan na si Sir!! Dala niya bespren niya Shit!!!!"
Sigaw ng mga kaklase kong lalaki tapos nagtatago sila sa may sulok sulok.
Lahat sila nakultapan kasama na dun si Tyler.
Pinulbuhan ko yung leeg at batok niya. Ang bango niya talaga.
Pinagpag ko tapos pinahiram ko yung panyo ko.
"Ayan kasi! Magpagupit ka na sa susunod ha!"
"Oo na!" Badtrip niyang sagot.
At dahil may parlor dun sa tapat ng school namin, punong puno yun ng mga lalaking magpapagupit nung luch break namin... Malamang.
At dahil may pagkamalabo ang mata ko....
"Sino ba tong dumadating Geylle?" Habang naka parang konting pikit yung mata ko at tinitignan yung parating.
"Tanga. Si Tyler yan. O, wag masyadong pahalata."
"Ano papahalata ko? Bobo mo naman."
Sabi sa inyo e, close na talaga kami.
"Badtrip! Ang ikli tuloy ng buhok ko! Papagpag nga!"
Syet, nag freeze ako. Ang gwapo ni Tyler. Bagay sakanya gupit niya.
"Hoy Cheska! Papagpag kako diba?"
Pinagpag ko yung likod niya, yung sa may batok niya at balikat.
Nagme-make face ako kay Geylle tapos...
"Hoy Cheska... Ano yan... Ikaw a.... Yiiiiii!"
Nakita ako ni Allane na parang kinikilig kilig sa pagme-make face ko!
"Tanga. May alikabok lang sa mukha ko. Ano naman to agad agad!"
Magaling ako magpalusot no. Ako pa.
Paalis na sana sila Tyler. Pinipigilan ko lang siya. May training ulit kasi sila ng soccer. E hindi na siya nakaka-attend ng iba naming subjects, malapit pa naman na yung prelim namin.
"Wag ka na muna umalis..." Habang inuugoy ko siya kasi nakasandal yung braso ko sa balikat niya.
"Ehhhh, Cheska. Mayor's cup na next week. Kelangan naming galingan. Fame din yun no!"
Sabi niya. Wala akong nagawa kasi tropa lang naman ako, sino ba ako na dapat niyang pakinggan. Diba?
"Oy 'ler! Kiss mo na yan si Cheska, punta na tayong field."
Sabi nung isa niyang ka-team sa soccer.
"O, kiss na pala. Wag na tampo ha? Uwi ako agad :)"
Tinapat ko sakanya yung pisngi ko, tapos tinulak siya ng ka-team niya. Napadiin tuloy yung lips niya sa pisngi ko.
"Gago to! Hahaha! Sorry Cheska! Sige, alis na kami. ;)"
Sabay hiyaw ng mga tropa ko kasama na dun si Geylle.
Niyaya ko siya mag CR.
"Tangina Geylle, crush ko na siya pota naman bakit pa kasi siya kinultapan!!"
"Oh. yan ang sinasabi ko sayo tanga. Alam mo namang tropa lang kayo. Bawal yan ako nagsasabi sayo."
Sabi niya habang binubuhusan yung bowl ng hindi nakatingin, nabasa tuloy yung medyas ko. Bobo niya talaga.

BINABASA MO ANG
Pustahan nalang o!
RomanceIto ang isang totoong kwento ng isang babae nung siya ay Hayskul palang. At may isang taong bumuo ng Hayskul "love" life niya, si Adrian. May iba ding mga lalaki na-involve sa buhay hayskul niya, pero si Adrian talaga ang pinakatumatak sa buhay Hays...