Alam ko hindi gumagana ang strikethrough sa title section...
Naging okay naman yung takbo ng relationship namin ni Paul. Tropa niya yung mga kaklase ko. Masaya naman ako dun.
"Okay class, goodbye and see you next year! Have a happy vacation!"
Yes! Bakasyon na namin! Kaya lang, hindi ko na makikita si Paul. Wala na ring baon. Sana kaklase ko pa sina Allane, Jasten, Adrian at Vincent... At yung lahat pa ng naging kaklase ko sa unang taon ko ng hayskul sa public.
Umuwi kami sa bahay talaga namin. Sa bundok. Walang iternet dito, TV lang at radyo ang mapaglilibangan.
*vibrate vibrate*
Fr: Dee
Mee? Pwede ba ako pumunta dyan? Ang boring kasi dito sa bahay. Date tayo? Okay lang?
______
Sht... Date daw! First time ko na may mag-alok sa akin ng date! Mayaman kasi si Paul. Galante pero hindi halata.
To: Dee
Hoy. Di mo naman alam pumunta dito e. Baka maligaw ka lang. Bahala ka di ko sasabihin daan papunta dito samin. Date? Di ko alam kung papayagan ako e. :<
.....
Fr: Dee
Okay na Mee. Nakasakay na ako ng dyip. Nakabayad na rin ako. Tineks ko na si mameh, pumayag na siya basta ako daw sagot sa lahat. Di ka daw niya bibigyan ng pera kaya pupuntahan nalang kita dyan. Magbihis ka na.
Sht! Close na sila ng mom ko! Tinatamad pa man din ako maligo.
Hinantay ko yung teks niya na nasa waiting shed na siya malapit sa amin tapos nagteks na nga.
Fr: Dee
Mee, dito na ako waiting shed. Saan na ba ako pupunta?
Hindi ako nagreply kasi maliligo palang ako.
Pagkatapos ko maligo...
"Hi Cheska. :)"
Shet shet shet shet. Nandito na yung boyfriend ko! Oh well, mukha siyang papasok sa school tanginang pormahan yan.
"Akyat muna tayo sa bahay ng tita ko, papakilala ka daw ni mommy."
Malamang nagbihis muna ako, tapos umakyat na kami sa bahay ng tita ko.
Pinakilala ko siya, pinakain konti. Konti lang kasi nga magdedate kami.
"Tara na mee."
Tapos pumunta na kami sa isang pizza parlor dito sa SBMA.
Isang regular sized pizza lang ang inorder niya. Dalawa lang kasi kami. Syempre first time ko makipagdate kaya nahihiya ako kahit 2 months na kami.
"Thank you. :) First time ko to."
"Sus, wala yun mee. Sa susunod, mas malaki na bibilhin natin. :)"
Natapos kami kumain at pina-take out niya yung natirang pizza. Pasalubong ko nalang daw sa kapatid ko.
Habang naglalakad kami, magka-holding hands kami. At pawis na pawis na mga kamay namin.
"Mee! Wait!"
Binitawan niya kamay ko sabay layo sakin.
Sumakay naman ako sa plano niya.
...At nasalubong namin ang ate niya. Syempre di ako nakita.
"H-hi ate. Hehe. San punta mo?"
"Ikaw a. Kunyari ka pa. Nakita na kita, tanga!"
Tapos nagtawanan sila ng ate niya saka yung kasama ng mga ate niya.
"Kinabahan ako dun."
"Kala ko gegerahin nanaman ako."
Inulit ko lahat ng sinabi ng ate niya nung pinuntahan niya ako sa room namin, at nagtawanan kaming dalawa.
Umuwi na ako, pinauwi niya na ako.
Medyo boring na yung panahon na to dahil bakasyon.
Umabot kami ng 2 weeks na walang communication.
Tapos simpleng bati niya lang nung 3rd monthsary namin...
After 3 days...
"Cheska, bumagsak kasi ako sa ICT. Tapos nalaman ng isa ko pang ate na may girlfriend ako. Sorry Cheska, pero.... *ang daming space* break na tayo."
Hindi ko alam gagawin ko. Nag freeze ako ng ilang seconds. Tapos ni-refresh ko, baka mali lang yung pangalan. Pinatay ko pa laptop ko. Baka nagloloko lang.
Tangina naman o. Ano bang ginawa kong mali at kung kelan mahal ko na siya, dun naman kami mawawalan ng relasyon? Anong ginawa ko? Naging sagabal nanaman ba ako sa pag-aaral? Ganun nanaman ba yung idadahilan niya tulad nung dinahilan nung 1st legal boyfriend ko? Bumagsak siya dahil sakin? Bakit hindi niya sabihin yung totoo na nage-escape siya para lang makapag DoTA siya buong araw?
Hindi ko pa nararanasan yung ako yung mang iiwan. Ang sakit lang kasi nung ako yung iniiwan lagi kahit wala naman akong ginagawang mali.
Pagkapasok ko ng June, 3rd year na ako malamang.
Bumalik yung masiglang ako.
June 2...
May inabot saking personalized baller si Berniz.
"Galing sakanya o. Sorry daw."
Tinuro niya si Paul.
Ngumiti nalang ako tapos tinanggap ko nalang.
BINABASA MO ANG
Pustahan nalang o!
RomanceIto ang isang totoong kwento ng isang babae nung siya ay Hayskul palang. At may isang taong bumuo ng Hayskul "love" life niya, si Adrian. May iba ding mga lalaki na-involve sa buhay hayskul niya, pero si Adrian talaga ang pinakatumatak sa buhay Hays...