Chapter 1

4.8K 118 1
                                    

Serena POV

'Ang ganda talaga ni Miss S.'

'Oo nga ang ang hot pa.'

'Maikama ko lang yan pwede na akong umalis sa kompanyang ito.'

'Balita ko nga may scandal daw yan. Grabe ang katawan.'

'Oo at madalas daw iba't iba lalaki ang kasama.'

Ilan lang iyan sa mga bulungan na naririnig ko sa araw-araw kapag pumapasok ako ng opisina. Sana'y naman na ako at hindi na bago iyon sa akin. Tinatawanan ko na nga lang lahat.

Isa akong Architect sa Legazpi Construction Inc. Hindi lang pagde-design ang ginagawa ko, ako rin ang nagpa-finalized ng lahat bago ipa-approve sa nakatataas ang isang proyekto.

Matagal na ako sa kompanyang ito. Almost three years na din simula ng itakwil ako ng daddy ko.

Well wala na akong pakialam kung ayaw nila sa akin. Ayaw ko rin sa kanila...period.

Halos lahat ng empleyado ay bumabati sa akin sa twing nadadaanan ko sila. Tango lamang ang tangi kong isinasagot sa kanila. Pero sa likod ng magalang nilang bati ay nandoon ang pang-uuyam at paghahamak sa pagkatao ko.

"Good morning mam." bati ni Marie na aking secretary nang makarating ako sa harap ng aking opisina. Halos kasabay ko din ito na nagtrabaho dito kaya napalapit na ang loob ko sa kanya.

Pumasok ako sa loob ng aking opisina habang nakasunod si Marie sa aking likuran.

"Good morning Marie. Schedule please." umupo ako sa swivel chair ko at kinuha ang mga papel na kailangan kong trabahuhin.

"Okay mam....You have a nine o'clock meeting kasama po ang mga board of members and bibisita rin kayo sa site ng three pm."

Tumango tango ako sa kanya at nagpasalamat. Nang makaalis siya ay saktong pagpasok naman ni Jane na aking best friend sa loob ng opisina.

"Bakit ganyan ang ngiti mo?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.

"Nothing. Natatawa lang ako sa mga tao." Tumatawa kong sagot sa kanya habang umiiling.

Naalala ko kasi ang mga bulungan ng mga empleyado habang naglalakad ako.

"Seriously? Talagang nasisiyahan ka pa kapag pinagtsitsismisan ka. Alam mo ikaw lang ang kilala kong ganyan." manghang tanong niya sa akin kaya natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Jane alam mo naman na wala na akong pakialam sa sasabihin nila. At isa pa hindi ako yayaman sa kanila noh."

Bumuntong hininga ito bago sumagot. "Hindi ka ba nag-aalala na baka mamaya wala ng magseryosong lalaki sayo?"

Well, ang totoo wala naman akong pakialam kung may someryoso pa sa akin o wala. At saka hindi ko kailangan magbago para sa isang lalaki.

Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Jane, this is me. Tanggapin man nila ako o hindi, wala akong pakiaalam."

Umupo ito sa visitors chair na nasa harapan ko at mariing tumingin sa akin.

"Kahit na friend, alam natin pareho na hindi ka katulad ng inisip ng iba. Kasi hindi ikaw yon. At isa pa, pwede mo naman itama yung iniisip nila tungkol sayo."

Thank God I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon