Chapter 12

2.6K 86 1
                                    

Serena POV

Tulad nga sa napagkasunduan namin ni Enzo ay nagsama na kami sa iisang bubong. Ayaw na daw niyang mahiwalay sa akin. At mas gusto daw niya iyon habang nagpaplano kami ng kasal.

Sa mga lumipas pang araw ay walang ibang ipinaramdam sa akin si Enzo kung hindi ang pagmamahal niya sa akin. Walang oras na hindi niya ipinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Alagang alaga niya ako. At dahil mas masarap siyang magluto kaysa sa akin ay siya ang laging in charge sa kusina at ako naman sa ibang house hold chores.

Abala kami sa pag-aayos ng aming mga pinamili ngayon. kauuwi lang namin galing sa supermarket. Dahil weekend ay napagkasunduan naming mag grocery dahil ubos na ang stock namin sa bahay.

Napapangiti pa ako dahil para na talaga kaming mag-asawa sa mga ginagawa namin.

"Why are you smiling? Hmm?" Tanong niya kaya inirapan ko lamang siya.

Dahil hindi ako sumagot ay naramdaman kong lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran.

Hinalikan niya ang aking leeg at bahagya niyang kiniliti ito kaya natawa ako.

"Enzo stop. Marami pa tayong gagawin." Saad ko sa kanya. Ngunit hindi ito nakinig at ipinagpatuloy lang niya ang paghalik at paghaplos sa aking tiyan.

"Sabihin mo muna bakit ka nakangiti? Baka mamaya hindi ako ang dahilan ng pagngiti mo."

Always possessive. Sobra kung magselos. Kahit may tumingin lang sa akin ay nagagalit agad. Siya nga itong pinagtitinginan ng mga babae kanina sa groceries store.

Sumimangot ako at humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya.

"Sobrang seloso mo. Ikaw nga itong ang daming babae na tumitingin sayo eh."

Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan niya ako sa noo, ilong at labi.

"Bakit nakita mo bang tiningnan ko sila?" Tanong niya kaya umiling ako. Well tama naman siya dahil kahit pinagpapantasyahan na siya ng mga kababaihan ay wala siyang pakialam.

"Wala akong pakialam kung tingnan nila ako. And beside I'm busy staring at my wife."

Ibinaon ko sa dibdib niya ang aking mukha dahil biglang uminit ito dahil sa sinabi niya.

Hindi pa rin ako nasasanay sa twing tatawagin niya akong wife. Ang bilis ng tibok ng aking puso. Parang may nagkakarambola sa tiyan ko dahil sa kilig.

Niyakap ko siya at naramdaman kong gumanti din siya ng yakap sa akin. Hinalikan pa niya ang aking ulo.

Matapos namin magtanghalian ay niyaya niya akong manood ng tv.

Pareho kaming nakaupo sa couch sa sala. Nakapatong ang mga binti ko sa kandungan niya habang nakapulupot sa bewang ko ang kanyang kanang braso at nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa mga hita at binti ko habang nakatutok ang mata sa harap ng tv.

"Baby gusto ko ng ice cream." Sabi ko sa kanya. Tumango ito at tumayo upang kumuha ng ice cream sa ref.

Nang maka balik ito ay iniabot niya sa akin ang isang baso na may lamang ice cream at kutsara.

Umupo ulit siya sa tabi ko at ibinalik ang pwesto namin kanina. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. "Thank you hubby." Hinalikan niya ako sa ulo at humarap na ulit sa tv.

Habang abala ako sa pagkain ng ice cream ay nagsalita siya ng hindi tumitingin sa akin.

"Baby, nakausap ko si mommy kagabi." Bigla ay sabi niya habang nasa tv pa rin ang mata niya.

Thank God I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon