Chapter 5

2.8K 101 4
                                    

Serena POV

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Naging abala kaming lahat dahil sa mga project na naka line up sa amin. Isama pa ang hawak naming resort sa Cebu na kailangang pagtuunan ng pansin.

Isang linggo na din akong halos walang tulog at pahinga. Hindi ko din nakakausap ng maayos si Enzo dahil sa pagiging abala ko at ganon din siya.

Nagkikita man kami ngunit sa mga meeting lang. Hindi kasi ako nabibigyan ng pagkakataon na makasama siya.

Isama pa ang pagkasira ng sasakyan ko kaya ilang araw na akong pagod dahil sa pagco-commute tuwing papasok sa trabaho at uuwi. Buti na lang at minsan ay naihahatid ako ni Jane at ng boyfriend nito.

Kahit pagod ay parati ko pa rin ipinagpapasalamat sa diyos ang trabaho ko ngayon. Mababait na ang may-ari, marami pang benipisyo para sa mga empleyado na tulad ko.

Nang matapos ako sa ginagawa kong design ay napahilot ako sa aking batok saka bahagyang iniunat ang kamay.

Halos hindi ko namalayan ang oras dahil sa tambak na trabaho maghapon. Napangiwi pa ako ng makitang halos gabi na ako natapos. Siguradong mahihirapan na naman akong makasakay.

Matapos kong ayusin ang mga dokumento at blueprint na nasa ibabaw ng aking mesa ay nagpasya na akong umuwi. Inabot na ako ng alas nueve ng gabi dahil sa pagpa finalized ng design sa ginagawang resort sa Cebu.

Design ko kasi ang napili ng board kaya doble ang aking pagod. Halos hindi na ako nakakakain maghapon kahit nakakaramdam na ako ng gutom. Hindi kasi pwedeng ipagsawalang bahala ang kahit anong maliliit na detalye kaya wala akong magawa.

Pagod akong lumabas ng aking opisina at napabuntong hininga. Uuwi na naman kasi ako sa tahimik kong condo mag-isa. Sanay naman ako na ako lang at walang pamilya, pero sa tuwing uuwi ako ay hindi ko maiwasang malungkot. Minsan iniisip ko na baka ito talaga ang plano ng diyos para sa akin. Ang mag-isa na lang ako.

Nang makarating ako sa harap ng elevator ay agad na napakunot ang aking noo ng makitang tumigil ito sa floor kung saan ang opisina ni Enzo. Ibig sabihin ay may ibang tao pa sa building bukod sa akin.

Siguro ay may mga nag overtine din tulad ko o di kaya naman ay ang mga taga linis.

Nang bumukas ang elevator ay nagulat ako dahil bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Enzo. Halos sabay na naming tiningnan ang orasan na nasa aming bisig.

Gabi na bakit narito pa ito. Bakit hindi pa umuuwi?

Tahimik akong pumasok sa loob ng elevator at nakikiramdam sa kanya. Sinulyapan ko siya sa repleksyon ng salamin at nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Gwapo pa rin kahit mukhang pagod at nakabusangot. Napangiti ako nang makita ang mapula niyang labi. Naalala ko na naman ang halik na pinagsaluhan naming dalawa.

"Bakit ngayon ka lang uuwi?" tanong niya habang nakatingin sa akin sa repleksyon ng salamin sa loob ng elevator.

Mukhang hindi na siya nakatiis at siya na ang bumasag ng katahimikan naming dalawa. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Tinapos ko yung design, kailangan na kasing makita ng board ang final outcome ng design." sagot ko habang minamasahe ang batok ko dahil sa pagsakit nito sa maghapong pag-upo at pagyuko.

Nakita kong napatingin siya sa kamay ko na humahaplos doon.

"You look exhausted. You need to rest. Hindi mo kailangang magpakapagod ng ganyan." Nag-aalala ang boses nito kaya natigilan ako at nakagat ang ibabang labi.

Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya. Nakita kong namula ang leeg nito at tainga. Kaya lihim akong humagikgik.

"Mr. Lorenzo Legazpi, thank you for your concern, but im okay." Umiwas ito ng tingin sa akin bago umiling.

Thank God I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon