Chapter 19

2.4K 80 3
                                    

Serena POV

Days and weeks have passed. One month na lang at ikakasal na kami ni Enzo. Buti na lamang at tinutulungan ako ni Lizzy at mommy ni Enzo sa pag-aasikaso ng kasal namin.

Ang bilis ng panahon. Ang akala ko noon ay wala ng magmamahal sa akin at seseryoso dahil sa nangyari sa akin. Aminin ko man o hindi ay natakot din ako dahil ayokong magisa. Malungkot iyon kung magkataon.

But god is good. At ibinigay niya sa akin ang isang lalaki na magmamahal sa akin ng totoo. Siya ang epitome ko ng knight and shining armor.

Wala na akong mahihiling pa. Masaya ako sa kung anong mayroon ako. Sana lang ay magkaayos na kami ni dad bago ako ikasal. Gusto ko pa rin na siya ang maghatid sa akin sa altar. Mahal na mahal ko si daddy. At matagal ko na siyang napatawad. Ayokong magtanim ng galit sa kanya dahil siya na lang ang natitirang magulang ko. Wala na si mommy kaya gusto na magkaayos kami.

Sabi nga ni Enzo na, walang maidudulot na maganda ang galit sa puso. Kaya matuto tayong magpatawad at humingi ng tawad. Let the time healed all your wounds. Forgive and forget.

At alam ko sa paglipas ng panahon ay napatawad ko na sila. Kahit si Justin ay napatawad ko na rin.

"Hoy!" gulat akong napatingin kay Jane na nasa harapan ko na pala. kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Anong bakit? Grabe naman kalalim ng iniisip mo at hindi mo man lang napansin na nakapasok na ako?" Tinaasan niya ako ng kilay. "May problema ba bakla?"

Umupo siya sa silya sa harapan ng aking mesa. Nagaalala itong tumingin sa akin.

"Malapit na ang kasal ko pero hindi pa rin kami okay ni daddy. Hindi ko pa rin siya nakakausap." Malungkot kong sagot sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti siya sa akin. "Bakit hindi mo puntahan?"

Umiling ako sa kanya. "Alam kong hindi ako papapasukin ni tita Divina sa bahay namin."

"Gusto mo ba humingi tayo ng tulong kay sir Gabriel. Alam ko matutulungan ka niya." Pinaningkitan ko siya ng mata dahil nang banggitin niya ang pangalan ni sir Gabriel ay nagningning ang mata nito.

"Teka ka nga lang, sino pala ang kasama mong umalis ng bar nong gabing yon? Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa akin." Saad ko habang mariin akong nakatingin sa kanyang mukha.

Namula ang mukha nito at nag-iwas ng tingin. Tumayo na din ito sa pagkakaupo niya. "Nga pala bes tumatawag daw sayo si sir Enzo. Sagutin mo na dahil may gagawin pa ako." Pagiiba niya sa topic. Pagka tapos ay agad itong nagmamadaling lumabas ng aking opisina.

Aamin ka rin sa akin gaga ka. may nililihim ka ah.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ako dahil sa dami ng missed calls ni Enzo sa akin. Kaya kumunot ang aking noo.

Tinawagan ko siya dahil baka mamaya ay importante kung bakit ito tumatawag. Ang alam ko ay nasa isang meeting ito kasama si sir Gabriel.

Ilang ring lang ay sinagot naman niya agad ito. "Baby! Are you okay? Kanina pa ako tumatawag but you don't answered my calls. Is there anything wrong?" Napangiti ako dahil sa pagaalala niya.

"Nothing. marami lang akong ginagawa." Malambing kong sagot sa kanya. Dinig ko pa ang pagpapakawala niya ng hangin dahil siguro napanatag na siya na okay ako.

"Thats good. I thought something came up."

"Nah! I'm good, how about you bakit tumatawag ka? May problema ba?"

Thank God I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon