Chapter 3

2.9K 86 0
                                    

Serena POV

Bago ako pumunta sa opisina ni sir Enzo ay dumaan muna ako sa restroom upang magpaganda at maglagay ng pabango.

Mahirap na baka bigla tayong sunggaban ni father Enzo tapos mabaho tayo diba?

Habang naglalakad ako papuntang opisina niya ay nakarinig ulit ako ng mga bulong bulungan mula sa mga empleyado.

'Naku mukhang prospect ni Miss S si sir Enzo.'

'Malamang, malandi pa naman yan.'

'Kung maaakit niya, balita ko magpapari iyang si sir Enzo.'

'Hindi na nahiya. Sa opisina pa nagkakalat ng dumi.'

Napailing ako at tumawa habang naglalakad. Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Basta alam ko kung ano ang totoo sa pagkatao ko.

Tulad ng dati, taas noo akong naglakad na may ngiti sa aking labi. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi nila. Hindi ko kailangan iplease lahat ng tao. At wala akong pakiaalam sa kung ano ang tingin nila sa akin.

Nang makarating ako sa mesa ng sekretarya niya ay ngumiti ako sa kanya.

"Miss S, may kailangan ka ba kay sir Enzo?" Seryosong tanong ni Miss Gina.

Napangiwi ako ng makita ang suot niyang damit. Siguro ay nasa 30's lang ang edad nito pero kung manamit ay para bang nasa ibang dimensyon siya. Mabait ito sa lahat kahit hindi parating nakangiti. At matagal na rin itong secretary ni sir Lenard.

Tumango ako at hindi inalis ang ngiti sa labi. "May ibibigay po akong papeles sa kanya. At may konting idi-discuss."

Tumango ito bago naglakad palapit sa pinto. Nang kumatok siya ay pareho naming narinig ang isang baritonong boses mula sa loob ng opisina kay napangiti ako kay Miss Gina.

Pumasok sandali si Miss Gina sa loob ng opisina at muling lumabas bago niya ako pinagbuksan ng pinto.

Nakangiti akong pumasok sa loob ng opisina ni sir Enzo, nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad ako papalapit sa mesa niya.

Hindi siya nag-iisa, kasama niya sa loob si sir Paul na assistant ng daddy niya. Agad naman niya itong dinismissed ng tuluyan na akong makapasok. Mabilis na umalis si sir Paul at naiwan kaming dalawa sa loob ng opisina.

"Miss Perez, May kailangan ka?" Tanong niya.

Tumayo ako sa harap ng mesa niya bago sumagot. "Serena na lang po sir Enzo."

Tumango lamang ito sa aking sinabi habang nakasandal sa kanyang upuan. Hindi ito nagsasalita at mariin lamang na nakatingin sa mukha ko.

Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha bago tumikhim. "S-Sir ipinabibigay po ni sir Gabriel."

Bahagya akong yumuko upang ilagay sa mesa ang mga papel na hawak ko.

Napatingin siya sa aking dibdib ngunit mabilis din itong umiwas at tumingin sa mga papel na iniabot ko. Nakabukas kasi ang dalawang botones sa tapat ng aking dibdib kaya dumungaw ng bahagya ang cleavage ko.

Hindi muna ako umalis sa harapan niya at tiningnan ko lamang siya. Napakagat ako ng labi ng magawi ang aking paningin sa kanyang mga braso na may namumutok na ugat. Naka rolled kasi ang sleeve nito hanggang siko at naka untie rin ang neck tie.

Ang sarap siguro mahawakan at mayakap ng mga braso na iyon.

Ang lapad ng balikat nito na bumabakat sa kanyang polo na suot.

Nag-angat ito ng tingin sa akin at kunot noong tumingin sa akin.

Napakagat ako sa ibabang labi ng tumaas ang kilay niya.

Thank God I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon