Sanggol

31 1 0
                                    

"Ang ganda ganda ng anak ko, manang mana sa mama," sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang anak ko.

"Mahal na mahal ka ni mommy..."

Ako lang mag-isa ngayon sa bahay, inaalagaan ang nag-iisa kong anak. Nakatayo ako sa aking kwarto habang hinihele ang baby.

Tinitigan at pinagmasdan ko ang mukha niya.

Ang ganda niya talaga, ang amo ng kaniyang mukha. Ang cute niya. Ansarap niya halikan. Ang cute din kasi may buhok na siya kunti kahit bagong panganak pa lang.

"Iniwan man ako ng iyong ama, dumating ka naman sa buhay ko," mahina kong sambit sa sanggol.

Matagal na kaming magkasintahan ng  kaniyang ama. 5 years na din. Masaya naman kami dati, ngunit nagbago ang lahat nong mabuntis niya ako. Madalas na siyang di umuuwi, madalas nasa inuman.

Hanggang isang araw, sinundan ko siya. Nahuli ko siyang nakikipagtalik sa pinsan ko. Sa Pinsan ko! Ang sakit sakit.

Kaya simula non lumayo na ako sa kaniya. Papalakihin ko ang anak namin ng mag-isa.

"Ikaw nalang ang meron ako..." Hinalikan ko ang kaniyang noo.

Di maiwasang tumulo ng luha ko habang pinagmamasdan ang baby.

"Mahal na mahal ka ni mommy..."

Hinehele ko siya habang buhat buhat sa aking bisig. Nagsimula akong kunanta para sa kaniya.

Madalas ko itong gawin sa kaniya. Para na din sakin. Para mapaniwala ko ang sarili ko na natutulog lang siya.

Sana nga tulog nalang siya. Sana nga natutulog nalang siya ng mahimbing.

Ba't ganon? Siya nalang ang meron ako.... Bat kailangan niyang mawala...

My Short StoriesWhere stories live. Discover now