Mommy

47 1 0
                                    

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ng anak ko. I saw her lying on the bed, sa ilalim ng kanyang kumot. Nakalabas ang kanyang ulo at parang takot na takot.

"Hey baby..."

Lumapit ako sa kaniya. Baka natatakot na naman siya sa monsters sa ilalim ng kama.

Hayst, kids these days. Kasalanan to ng mga pinapanuod niya eh.

"Ayan, nood ka kasi ng nood ng horror movies," medyo natatawa kong sabi.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa may side. Mukhang takot na takot pa din siya. Lumapit ako at pumasok sa ilalim ng kumot. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang yakap. Nakasubsob ang mukha ko sa may leeg niya.

"M-mom... I-I'm scared..."

Nakarinig ako na parang naiiyak na siya kaya nilayo ko kunti ang ulo ko para matingnan siya.

"Hey baby.... Don't cry... Mommy's here," I said and kisses her forehead.

I don't like seeing her cry. She looks so afraid. Nakakaawa siya tingnan.

"M-mom p-please... S-stop.."

Nabigla ako sa sinabi niya. Stop? Ano ang ibig niyang sabihin? Ang gulo naman.

"Stop what?" Medyo nagtataka kong tanong.

"Y-you're dead," medyo naiiyak niyang sabi habang nakatitig sakin.

Napatingin ako sa salamin. And there, I saw my own reflection. Naagnas na ang katawan ko. Nakikita na yung buto sa mga kamay ko habang kunti nalang ang buhok sa aking ulo. Ang mukha ko ay inuuod na.

Napangisi ako habang tumitig sa anak ko. Dahan dahan kong nilapit ang aking bibig sa kanyang tenga at bumulong, "Susunod ka na."

My Short StoriesWhere stories live. Discover now