I was her greatest fan.
Baguhan palang siya sa larangan ng pagsusulat ngunit magaling na siya at halatang may talento.
I started as her first reader.
Nakakatawa stories niya, sometimes nakakaiyak, minsan nakakakilig. Sobrang galing niya gumawa ng stories.
As her first reader, naging close agad kami. Kada may story siya, ako una nakakabasa bago niya ipost.
Kada gusto niya na tumigil sa pagsusulat, ako yung kumokumbinsi sa kaniya na ituloy niya yung hilig niya.
Ako naging sandalan niya sa bawat may problema siya. Ako nagboboost sa confidence niya sa pagsusulat. Ako ang biggest supporter niya. Sabi ko wag na wag siyang titigil, dahil one day, maappreciate at sisikat din siya.
At dumating nga ang araw na yun, may mga nakakapansin na sa works niya. Dumadami na ang readers niya. I'm still her most devoted reader. Binabasa at nagrereact pa din ako sa lahat, pati pag share ng post niya ginawa ko na.
Di nga ako nagkamali, tuluyan ng dumami ang readers niya. Madami na siyang nakikilala. Nakahanap na din siya ng mga bagong kaibigan, mga katulad niyang writer. Mga tao na maiintindihan talaga siya.
Simula nang maging sikat siya, di na kami nag-uusap. Di niya na magawa kahit hi man lang. Kahit seen man lang sa chat ko. Kahit reply sa mga comments ko sa posts niya wala.
Masaya na siya kasama mga bago niyang kaibigan. Mga bago niyang readers. Mga bago niyang fans.
Simula non,
From being the fan that was closest to her,
I became a normal fan na di niya mapapansin.
From being the one that supported her from the start,
I became someone na normal na supporter lang.
From being someone na nirereplyan ang bawat chat, ang bawat comment,
I became someone na wala man lang karapatan makausap siya.From being her greatest fan,
I become a normal, silent reader.
YOU ARE READING
My Short Stories
Short StoryA compilation of different short stories that I wrote. I hope you like it. Mostly are dagli, or flash fiction, which have different twists. Please vote and comment if you want to.