CHAPTER EIGHT

310 10 4
                                    

The longed comfort...

---

"Mister Sebastian," mahinang tawag ni Hanna sa kanya.

"O..."

Sagot niya nang hindi man lang tumingin sa dalaga.

"Did you know that being alone with you in this car is uncomfortable for me."

Sa sinabi ni Hanna ay mabilis siyang napalingon sa gawi nito, ngunit nakatingin pa rin ang dalaga sa labas ng bintana.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jin.

Dahan-dahang lumingon sa kanya si Hanna at nagtama ang kanilang mga mata. At taliwas sa palagi niyang nakikita, hindi ito ang karaniwang masayahing mukha na laging ipinapakita ni Hanna sa kanya. Sumilay ang lungkot sa mga mata ng dalaga na pilit nitong tinatakpan. Isang kakaibang emosyon ang pumupuno sa kanyang puso. Hindi maipaliwanag ni Jin kung ano iyon. Hindi rin ito galit kay Hanna.

Naawa ba siya sa dalaga?

"Ganito ka ba o expert ka lang para magparamdam ng ganito sa mga tao." Walang pagdadalawang-isip na sabi nito.

Mataman niyang tinitigan ang dalaga na walang takot na sinalubong din ang tingin niya. Tinitigan siya na parang binabasa ang nasa isip niya. Halos umabot sa kaluluwa niya ang lalim ng titig ng dalaga at malaki ang epekto nito kay Jin. Hindi niya maitatanggi dahil ramdam niya ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib.

"Anong ginawa ko para hindi ka komportable?"

Alam ni Jin na pilyong tanong iyon, kahit alam niya kung bakit ganoon ang nararamdaman ni Hanna.

"You scared me. You are scaring me, Mister Sebastian." Mahinang sabi ng dalaga.

"Scary?! How did I turn scary into you?" tanong naman niya.

Nalilito siya ni Hanna at nungkang sakyan niya ito. Alam niyang eksperto si Hanna dito, pinaglalaruan ng dalaga ang emosyon ng taong gustong paikutin sa palad nito.

"Tell me.What did I do to make you feel uncomfortable?"

Hanna sighed.

"Natatakot ako sa mga kilos na pinapakita niyo sa 'kin. Pati yung reaksyon niyo na bigla kayong nagalit, tapos mag-aalala ka. Ginugulo niyo rin po, ako. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa niyo 'to. Kung ayaw niyo akong magtrabaho sa kompanya mo. Tanggalin niyo na lang ako. Wag ka lang ganyan."

Puno ng pagmamakaawa ang mahabang salita ni Hanna. May mga luhang gustong kumawala sa mga mata na pilit nitong pinipigilan, na nagtagumpay naman si Hanna.

Hindi na maitatanggi ni Jin na naapektuhan siya sa kanyang nakita. Pinilit lang niyang pagtakpan ang emosyong iyon dahil hindi niya dapat nararamdaman iyon para kay Hanna.

"If I were to tell my true intentions why I was like this, would you believe?" Bakas sa tono niya ang paghamon sa dalaga.

"I don't want...I don't want to believe. I don't get it, but even if I don't. I'll just try to understand." Hanna smoothly said.

Humigpit lalo ang hawak niya sa manibela. Talagang hinahamon siya nito.

"Don't smile. Don't smile at them." Jin commanded coldly.

Bitter-Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon