PROLOGUE

1.5K 39 8
                                    

Cause of his anger...

---

(A/N: Ang pangyayaring ito ay naganap dalawang taon bago ang kasalukuyan.)

Mabagal ang ginawang niyang paghakbang patungo sa kapatid niyang nakatayo habang nakadungaw sa may bintana. Ito ang madalas gawin ng dalaga sa tuwing nasa loob ito ng kanyang silid. Tulalang nakatingin sa kawalan. Napakalayo ng tanaw na hindi abot ng kanyang mga mata. Tila para bang may hinahanap sa labas ang kapatid niya na maging siya ay hinda makita. Masakit sa dibdib na makita sa ganitong kalagayan si Shasa.

Malalim napabuntong-hininga si Jin na ipinagpatuloy ang paghakbang. Nang marating niya ang kinatatayuan ng kapatid ay kaagad na iniakbay niya ang kanang braso sa balikat ng dalaga.

"How's my precious? Wanna go out for a date?" Ani Jin.

Pinilit niyang pinasaya ang boses para takpan ang totoong naramdaman sa dibdib.

Shasa was slowly recovering from the fall caused by love. Alam niyang makakabangon ito. Makakalimutan din ng kapatid niya ang lalaking nanloko  sa kanya.

"Tumigil ka nga, kuya. Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend dahil laging nasa akin na lang ang atensyon mo," mahina nitong tugon na bahagyang sumimangot.

Sumilay ang munting ngiti sa labi ng binata matapos narinig ang sagot ng kapatid.

"Girlfriend?! Why do I have to deal with having a girlfriend when I don't have enough time with you? Come on my precious, you, is more than enough for me," sabay ang mahinang pagpisil sa kanang pisngi nito.

What he said was true. His sister is the only one that matters to him. Ang kapatid niya lang at walang iba na mas mahalaga pa. Now that his little sister was having a hard time, he was the one who was hurt the most. Kung maaari lang sana siyang makihati sa sakit na nararamdaman nito o 'di kaya'y akuin niya na ang lahat. Na siya na lang ang nahihirapan sa kinatatayuan ng kapatid, alam niyang kung sa kanya nangyari ang pinagdadaanan nito ngayon ay kakayanin niya.

Pero alam ni Jin na hindi ganoon kadali ang lahat. Bakit naman kasi nagkamali sa pagpili ng lalaking minahal ang kapatid niya?

He, in turn, did not enter into a serious relationship. He had fling maybe three or four times. He stopped. Hindi pa siya handang pumasok sa isang seryosong relasyon. Having a relationship is not his cup of tea.

Maybe...just maybe.

If the day comes that he will fall in love Jin will definitely marry that woman. At masuwerte ang babaeng paglalaanan niya ng pagmamahal. Dahil siguradong siyang ito lang ang mamahalin niya buong buhay niya.

"Kuya," yumakap sa bisig niya si Shasa, "I'm sorry!" sunod niyang narinig ang mahina nitong paghikbi.

Nagtagis ang bagang niya sa narinig. Mahigpit niyang niyakap pabalik ang kapatid at masuyong hinagod ang likod nito. Seeing Scarlet this way is like hell to him.

He hates that trash guy who hurt his sister.

"It's alright, Shasa. I am here." Pagsuyo niya sa kapatid.


His sister's name is Shane Scarlet, but instead of calling her name he called her 'Shasa. Shasa means my precious one. His precious sister. Ang kapatid niya ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya. 

Bitter-Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon