CHAPTER ELEVEN

587 10 5
                                    

He misses her...

---

"Sintomas ng bagong nagbibinata 'yang mga sinabi mo ngayon, dude," sabi ng kaibigan niya sa kabilang linya.

Kung nasa harapan niya ito malamang nasapak niya ang pagmumukha. Hindi niya na kailangang hulaan kahit hindi niya nakikita malapad ang ngisi ni Evo ngayon sa kanya.

He called his friend in the middle of the night because he needed someone to talk to. At ito lang ang kaibigan niya na pwede niyang makausap. If only he has except him, but no, tanging si Evo lang ang mayroon siya, kaya pinagtitiyagaan niya na lang ang kagaguhan nito. Because Jin knows that when thier conversation is over ay may magandang payo itong maibibigay sa kanya.

Kagabi pa niya naihatid si Hanna sa condo nito, pero hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ng dalaga ang isipan niya. Hindi siya nakapag-concentrate sa mga gawain kanina sa opisina. Nakalatag sa mesa niya ang limang folder ng mga papeles na kinakailangan niyang review-hin for approvals, but what all he did was stare those papers. Ni isa ay wala siyang ginalaw para basahin. Alam niya kasing kahit basahin ang mga iyon ay wala siyang maiintindihan.

Anong magagawa niya? Eh lutang siya. Nasa loob nga ng opisina ang katawan niya, pero ang utak niya kinidnap ni Hanna ng gabing yun. At hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi sa katawan niya. Nangangati na nga siyang sunduin ang trayhidor niya utak, pinipigilan niya lang ang sarili. Hinayaan niya na lang muna ito sa piling ng dalaga.

Sariwa pa rin sa utak niya ang mapanukso ngiti at simpleng pagkagat sa labi ni Hanna na talagang ang tindi ng dating sa kanya. He swore to God. Kung hindi ito kumaripas ng takbo papasok sa building matapos nitong pisilin ang ilong niya sigurado siyang may hindi magandang magagawa sa dalaga.

And those feelings still lingering in his system. He stayed two hours in the shower to cooled his self down after that. He successfully calmed his body, but not his brain. It was left with Hanna that night.

Baka tama rin si Evo na nagbibinata na nga ang utak niya.

"Hey! Still there?" Untag nito.

"Where do you think I am?" Tanong niya na nakakunot ang noo.

"Akala ko lang kasi wala ka na riyan at nandoon kay Hanna na."

Malinaw niyang narinig ang halakhak sa kabilang linya. Inaasar na naman siya.

"Looks whose talking. Sino ang hanggang ngayon ay matiyagang naghihintay na mapansin?" Asar niya rin.

"Eh, iyong nahulog ang sarili sa inihanda niyang hinukay para sa iba, at may balak pang manghila para may makasama?"

"Fuck you! Evo!" Malakas siyang nagmura.

"Double Pakyu too!" Ganti nito na talagang iniinis siya.

"I wonder how you became my friend." Aniya na kunwari ay nagsisisi na naging kaibigan niya ito.

"I was wondering that, too. Noong una naiisip ko lang na baka bored ka. Pero ngayon napapansin ko masyado ka ng nagiging clingy. Dude, ayoko pat rin sa papi, gusto ko talaga babae." Isang malakas na halaklak ang muling pinakawalan nito.

His face turned dark. "Shit, Evo! Kung nandito ka lang mapapatay kita." Halos pumutok ang mga ugat niya sa inis.

"Unahin mo muna iyang feelings mo. Masama ang kutob ko r'yan. It's either you, or Hanna will get hurt. Kaya habang maaga pa tapusin mo na. Sincere opinion, dude." Ginawang biro na pagkasabi ni Evo bagaman at nandoon ang himig ng kaseryosohan.

Bitter-Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon