Five
Buong maghapon kaming magkasama ni Angelo, si Rozen ay umalis muna at gagala raw muna siya habang magbo-boys hunting samantalang ang asungut naman na si Hyron ay nakatanggap ng tawag kaya nawala sa paningin namin.
Pagdating ko sa resthouse ay sandali akong umupo sa Lobby habang minamasahe ang paa ko. Maghapon kaming naglakad ni Angelo at naka-heels pa ako.
"Tired?" Agad natuon ang atensyon ko sa asungot na biglang dumating.
"Pakialam mo?" sagot ko at inirapan siya.
"I'm just asking, baka makatulong ako?" Nginiwian ko lang siya at binalik ang tingin sa paa.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo."
"Nagsusungit ka na naman..." Suminghap ako at lumayo ng konti dahil tumabi siya sa akin...pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa! Marahan niyang kinuha ang paa ko at ipinatong sa hita niya.
"A-Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko."Mamasahiin ko binti mo, pagod ka, right?"
"Sinabi ko ba na pagod ako? Teka lang! Huwag mong hahawakan 'yan..." banta ko na itinuro ang kamay niyang idadampi na sa paa ko na napigilan ko!
"I already did, huwag ka ng mahiya, nakita ko naman ang dapat na makita sa 'yo." Ang kapal talaga ng mukha! Ugh! He smirked. Napapikit ako at feeling maha-highblood na naman sa kanya.
Wala ako sa sariling tumayo at iniwan ang gagong 'yon. Imbes na makapagpahinga ay mas lalo lang nag-init ang ulo ko!
"Lalabas ka ba mamaya? Bar?" habol niyang tanong sa akin.
Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay "M.Y.O.B!"
"What's that MYOB?" Tumingin ako sa vase na nadaanan ko. Ibabato ko na talaga 'to sa kanya kung hindi niya ako titigilan!
Itinago ko ang pagtitimpi ko at nagmartsa ulit paakyat ng 2nd floor. Ayoko ng intindihin ang bwisit na lalaking 'yon dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanya sa tindi ng inis ko.
Pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa malambot na kama. My phone vibrated, pagtingin ko sa caller ay si Mom pala.
"What is it Mom?" bungad ko.
"How's the meeting? You met him?"
"It's good, sa tingin ko magi-invest rin naman siya..." sagot ko habang nagtatanggal ng blazer.
"I heard he's awesome. Siya rin ang nag-iisang anak ng mga Hernandez. Do you find him attractive, Nica?" Napasinghap ako, heto na naman tayo.
"Mom, sinabi ko naman sayo. Ayoko muna! Don't force me to date a guy, wala pa sa isip ko ang pag-aasawa," maktol ko.
"Nagbabakasakali lang naman ako, I'm your mother at gusto ko naman na may ibang nag-aalaga sayo bukod sa amin. And besides ayokong pagdudahan na kayo ni Rozen."
"Mom naman...Rozen is a gay, ang tagal ko na sinasabi 'yan sayo at magkaibigan lang kami..."
"I know that, but I want to make sure na makakahanap ka ng lalaking ihaharap mo sa akin like your best friend, gusto ko ring umiyak habang dinadala ka sa altar like your Tita... I want to feel that feeling..."
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Is this why you need to pursue me in this meeting? Kaya ba gustong gusto mo ako na pumunta dito? Para makita ko ang lalaking 'to? Mom, umamin ka nga, hindi ito dahil sa business 'di ba?"
"I'm sorry, Nica, I didn't mean it. I just want to see you happy, baby." Naikuyom ko na ang kamay ko dahil sa sinabi niya.
"Mom, kung ayaw ko makipag-date o makipag-boyfriend, that's my choice! Sa ginagawa n'yo binibigyan n'yo lang ako ng dahilan para hindi mag-asawa..."
![](https://img.wattpad.com/cover/25346039-288-k640888.jpg)
BINABASA MO ANG
One-Night stand with a HEARTBREAKER | HINOVEL
Fiksi UmumNica Hermoine Belle, is one of the most happy go lucky girl. She's a fan of night club, every fuckin night. She didn't believe in love because for him, love can make you miserable like what happen to her best friend. Para sakanya ang salitang "pagma...