Nadine and Louie

53 5 0
                                    

Nadine's POV

Simple lang naman ang pangarap ko eh. Yun ay ang mapansin lang ako ng taong mahal ko. Pero malabo yatang mangyari yun dahil para lang akong hangin sa kanya at ano ba ang kapansin-pansin sa akin para magustuhan niya ako?

Paglabas ko ng room ay halos malaglag ang panga ko ng may isang Louie na naghihintay doon. Linagpasan ko siya dahil siguradong hindi naman ako ang hinihintay niya.

Ng makalayo na ako ay tinignan ko siya. Pinagmamasdan niya si Kyla.

I smiled bitterly. Ang lalaking lihim kong minamahal ay may lihim ding minamahal at katulad niya pinapangrap namin sila sa malayo.

Madalas kong tinititigan si Kyla sa room simula ng araw na malaman kong may lihim na pagtingin sa kanya ang mahal ko.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanya dahil ang swerte niya, pinapangarap siya ng taong pinapangarap ko.

Bakit nga ba naman hindi pwedeng mangyari yun eh nasa kanya na na lahat. Maganda, matalino, mabait at mayaman samantalang ako hindi gaanong kagandahan, saktong pumapasa lang at hindi mayaman.

Hindi ko maiwasang hindi mainsecure sa kanya kaya madalas ko siyang nasusungitan pero anong magagawa ko? Gusto kong maging katulad niya para mapansin din ako ni Louie kahit sandali lang.

Paglabas ko nakita ko nanaman siyang naghihintay. Consistent siyang naghihintay pero nagtataka ako kung bakit hindi niya nilalapitan si Kyla eh siguradong magugustuhan naman din siya nito at bagay naman sila.

Pero okay na din siguro yun atleast kahit paano may pag-asa pa din ako.

Nagulat ako ng hatakin niya ako at isandal sa pader. Ang lapit niya sa akin. Ramdam ko nga ang paghinga niya sa mukha ko. Ang bango niya. Ang sarap siguro niyang yakapin.

Mas lalo siyang lumapit sa akin, akala ko hahalikan niya ako pero may ibubulong lang pala siya. "Stay still."

I smiled bitterly. Ayaw niya lang mahalata siya ni Kyla kaya niya ginawa 'to.

Ang bobo pakinggan pero sumaya ako sa ginawa niya dahil kahit sa ganitong paraan atleast napansin niya ako.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?" tanong ko sa kanya.

"What are you talking about?" nagtatakang tanong niya.

"Kung si Kyla bulag dahil hindi niya napapansing may gusto ka sa kanya ako hindi, bakit hindi mo aminin sa kanya ang nararamdaman mo?" sabagay bulag ka din dahil hindi mo napapansing may gusto ako sa'yo.

"Hindi ganun kadali yun." he reasoned out.

Natawa ako. "Takot ka pala eh." parang ako lang, takot akong aminin sa'yo ang nararamdaman ko kasi alam kong balewala lang ako sa'yo at pagtatawanan mo lang ako.

LHMMS Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon