Calvin’s POV
Kanina pa ako palakad-lakad dahil hindi ako mapakali. Iniisip ko kung kumusta na si Elle lalo na ngayong bumalik na ang walang kwentang lalaking yun.
Kung bakit ba naman kasi nasakto pa sa pag-alis ko.
“You better go home.” Tinignan ko si Leah na kanina pa pala ako pinagmamasdan. “Go home and check her.” Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Leah is my girlfriend. We have a long distance relationship dahil dito siya sa US nagtatrabaho. I met her sa ospital kung saan nagpapagamot si Elle. We’re at the same age. Physical therapist siya.
Leah knew it all along. Alam niyang mahal ko si Elle. Pero alam kong hindi niya ako kayang mahalin dahil si Gene lang ang kaya niyang mahalin. Mahal ko si Leah but not as much as I love Elle. I tried to love her more pero mas mahal ko talaga siya eh.
“Leah look—“ pinigilan niya akong magsalita.
“I understand. May sakit siya kaya ka nag-aalala at nag-aalala ka dahil mahal mo siya. Umuwi ka na. It’s better kaysa nandito ka nga hindi ko naman mafeel ang presence mo.” Naguilty naman ako sa sinabi niya.
“No!” pagtutol ko.
Lumapit siya sa akin and he cupped my face. “Calvin Jeremy you know how much I love you right?” tumango ako. Yun pa ang isang kinagagalit ko sa sarili ko dahil alam kong sobrang mahal niya ako pero hindi ko magawang mahalin siya higit pa sa pagmamahal ko kay Elle. “I love you to the extent that I want you to be happy even if it’ll hurt me. Gusto ko maging masaya ka at alam kong sa tabi niya doon ka lang magiging masaya.” Her voice cracked. “Alam ko naman na mangyayari ‘to eh pero umasa ako na baka dumating ang araw na mas mahalin mo ako kaysa sa kanya.” Tumulo na ang mga luha niya. Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sinaktan ko siya. “It’s hard to let you go because I do love you so fucking much but it’s harder to see you unhappy being with me.” She paused and wipe her tears. “Damn this tears! Ayokong maging makasarili at madamot sa’yo kaya umuwi ka na. She needs you more than I do.” Malungkot niyang sabi. “Masaya ako na minsan may isang Calvin na dumating sa buhay ko. Maghihintay pa din ako na darating ang araw na mamahalin mo din ako katulad ng pagmamahal mo sa kanya at sana mangyari yun bago ako tuluyang mapagod.” Hinalikan niya ako ng matagal sa pisngi. “I love you Calvin. Have a safe trip.” Ngumiti siya ng mapait sa akin.
Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit naging ganito ako. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Elle, ganun din si Leah. Sana mas una ko na lang siyang nakilala.
Sinunod ko ang sinabi ni Leah dahil yun din naman ang sinasabi ng puso ko. Umuwi ako sa Pilipinas.
Sa pag-uwi ko mas lalo ko lang napatunayan kung gaano kamahal ni Elle si Gene. Noon ngang wala siya wala akong masilip kahit na katiting na pag-asa kay Elle, ngayon pa kaya na nandito siya?
Masakit pero nanatili pa din ako sa tabi niya dahil kaibigan ko siya, kailangan niya ako. Kahit hindi katulad ng pagmamahal ko sa kanya ang pagmamahal niya sa akin ayos lang basta gusto ko lang mabuhay siya.

BINABASA MO ANG
LHMMS Untold Stories
Художественная прозаStory of Ynna and Gene's loved ones. A love that was not meant to be and A love that was meant to be. Please read LOVING HIM MADE ME STUPID first. It's restricted so you need to follow me first then if it against your will, feel free to unfollow me...