Carl's POV
Aso't pusa
Yan ang the best na description sa aming dalawa.
Hindi mabubuo ang isang araw na hindi kami nag-aaway.
Ang sungit sungit niya at lagi siyang galit sa akin.
Mahilig akong mang-asar at magbiro kaya inis na inis siya sa akin dahil pikon siya.
Pero isang araw napagmasdan ko siya at ewan ko ba kung anong nangyari sa akin. Tinamaan ako ng pana ni kupido.
Simula noon naging mabait na ako sa kanya. Pero pinaglihi yata siya sa galit dahil wala pa ding nagbago, masungit pa din siya.
"Carl ang ingay mo! Kaysa magdadaldal ka diyan tumulong ka sa pagdidisenyo ng room!" sigaw niya. Malapit na nga akong mabingi sa kanya eh. Bakit ba kasi siya pa ang naelect na president?
"Ang sungit mo naman Tin. Kaya walang nagkakamali sa'yo eh." humagalpak ako ng tawa. Binatukan niya naman ako.
Aray!
"Wala talagang magkakamali sa akin dahil takot na lang nilang ibitin ko sila ng patiwarik!" katakot.
"Willing akong magpabitin ng patiwarik sa'yo." malambing na sabi ko.
Namula naman siya at natahimik.
Got ya!
Doon na nagsimula ang panliligaw ko sa kanya. Dinadaan ko siya sa mga banat ko para mapakilig siya. Ang ganda nga niya kapag namumula siya eh.
Umabot ng apat na taon ang panliligaw ko sa kanya bago niya ako sinagot. Hindi ko nga maisip na nakatiis ako ng ganun katagal eh. Sa gwapo kong 'to, ang dami kayang nagkakandarapa sa akin.
Kahit na kami na, parang aso't pusa pa din kami. Madalas pa din siyang napipikon sa akin pero kahit lagi kaming nag-aaway at nagsisigawan, we can't last a day without seeing each other.
Dati makapang-asar lang ako ay buo na ang araw ko. Hindi ako kailanman nagseryoso sa buhay ko pero simula ng dumating siya sa buhay ko. I became different. Daig ko pa ang ipinanganak ulit.
Ibang-iba na ako sa dating Carl. May direksyon na ang buhay ko at marunong na akong magplano ng mga bagay na gagawin ko sa hinaharap. Hindi na ako immature. I became a better person and that's all because of her.
5 years na kami and still going strong. Kung di lang kasi siya nag-inarte noon at hindi na niya pinatagal ang panliligaw ko di sana 9 years na kami ngayon.
Akalain mo yun? Natiis kong makasama siya ng limang taon. Buti nga at matibay ang mga eardrums ko eh.
"Carlito! Bakit ba ang tagal mo?! Malalate na tayo sa binyag ni Baby Danver! Nakakahiya kay Danielle!" ayan na naman siya. Goodluck sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/31076902-288-k734658.jpg)
BINABASA MO ANG
LHMMS Untold Stories
Fiksi UmumStory of Ynna and Gene's loved ones. A love that was not meant to be and A love that was meant to be. Please read LOVING HIM MADE ME STUPID first. It's restricted so you need to follow me first then if it against your will, feel free to unfollow me...