Kabanata 2

2.1K 54 100
                                    

"Kuya Uno, nagbalik ka!" sigaw ni Lily at mabilis na lumapit dito.

Pinasadahan ko naman ang lalaking tinakbuhan ni Lily. Naka-itim na polo shirt ito na nakayakap sa malaking katawan at naka-suot ng maong pants.

Sumilip naman si Vito, pitong taong gulang, sa dala ng lalaki na naka-plastic.

"Vito, huwag mong gawin 'yan," agap ko.

Kumamot naman ito sa ulo niya. "Eh kasi sabi niya Ate, bibilhan niya kami ng ice cream at chocolate." Hininaan nito ang boses niya pero pareho naman namin rinig ang sinabi nito.

Ginulo naman ng lalaki ang buhok ni Vito at ipinakita ang dala.

"Pasok na kayo sa kubo. Doon niyo kainin 'to," anito at kinuha naman ni Inong ang dala.

Mabilis na sumunod ang mga bata. Narinig ko pa ang suway ni Inong na huwag daw mag ingay at baka malaman ni Nanay Rosita. Napangiti ako. Makulit kasi si Nanay Rosita pag usapang matatamis na. Lagi niya pinapaalala sa mga bata na laging mag toothbrush at alagaan ang ngipin. Minsan lang din kasi sila makakain ng ganoon dahil ang budget na mayroon sila ay nakatuon sa pang araw-araw na pagkain at gastusin.

Nilingon ko ang lalaki. "Salamat po pala. Tatawagin ko si Tres."

Mabilis akong umalis bago pa makasagot ang lalaki. Iniwan ko muna sa cabinet ang libro at iilang laruan na dala ko.

Napansin ko na wala si Nanay Rosita at tahimik na sa loob, siguro ay nakatulog din sa pinapatulog niya. Tumungo akong kusina at nakita ko naman si Tres na umiinom ng tubig.

"Tres. Nandiyan na ang Kuya mo. Nasa likod siya kasama ang mga bata."

Tumango naman ito at inilagay ang baso sa tabi ng lababo. Sabay kaming lumabas ng kusina at nagtungo sa likod.


Nasa loob na ng kubo si Kuya Uno at nakikipag-kuwentuhan sa mga bata. Nang makita kami nito ay sinalubong kami nito sa may bungad. Nasa likod lamang ako ni Tres nang may narinig akong nagsisisigaw na batang babae.

Nilingon ko ito at nang mahagip niya ako ay agad itong tumakbo sa akin at yumakap.

"Mama," aniya at hinigpitan lalo ang yakap sa akin.

"Sshh. Okay lang 'yan. Nanaginip ka ba?" tanong ko at hinimas ko ang ulo nito.

Sinikap kong buhatin ito. Kaya ko pa naman ang bigat niya.

Hinarap ko ang dalawang magkapatid. "Papakainin ko na muna siguro ito."

Niluwagan ng batang babae ang yakap at tiningnan muna ako bago nilingon ang kaharap ko.

"Hi, Asha," bati ni Kuya Uno at bahagyang ngumiti.

Nilingon ko naman ang bata. "Asha pala ang pangalan mo. Ang ganda naman pala!" puri ko.

Bahagya akong tumalon upang mabuhat ito ng maayos.

"Halika rito Asha. Hindi ka kaya buhatin ni Ate," ani Kuya Uno at mabilis naman itong nagpalipat ng buhat sa kanya.

"Mama ko siya," ani Asha na ikinabigla ko naman.

Agad akong nakabawi at ngumiti sa kanya. "Gusto mo na ba kumain, Asha?"

Tumango ito. Wala sa sariling napahawak ako sa tainga ko at napatingin kay Tres. Para bang sa ginawa kong 'yon ay nababasa niya na hindi ko alam ang gagawin ko dahil buhat ni Kuya Uno si Asha.

Bumaling muna ito sa mga bata. "Inong, ikaw na muna bahala rito ha? Sa loob lang kami. Walang mag-aaway ha?"

"Opo, Kuya," ani Inong at tumango.

Innocent Fall (Numero Serye #UNO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon