Kabanata 8

1.4K 40 43
                                    

Tinutulungan ko ngayon si Miss Soreen sa pag che-check ng mga test paper ng mga estudyante niya. Nasa table niya kami ngayon at kinu-kuwento ko ang mga nangyari noong Sabado.

"Nga po pala, Miss Soreen. May oras po ba kayo sa Huwebes para samahan ang mga bata mag pinta sa plaza?"

Tumingin ito sa akin matapos bilugan ang nasa papel. Tiningnan naman niya ang kalendaryong nasa gilid niya.

"Oo ba. Libre ako," at ngumiti.

"O'sige po. Ite-text ko nalang po kayo!" masaya kong saad.

"Sinu-sino ba ang mga kasama?"

Inayos ko ang mga papel nang matapos ako. "Kami po ni Kuya Brent ang mag a-assist tapos inimbita ko sila Javier at Kuya Jared."

Kita ko naman ang pag iba ng mood ni Miss Soreen. Para siyang kabado. "Ah okay."

Tumahimik na lamang ito pero ramdam ko na hindi ito mapakali. Maya-maya pa ay alinlangan itong lumingon sa akin.

"Isha..."

"Yes po?"

Napakurap muna ito. "Matagal na kayo magkakilala ni Brent? I mean no'ng Kuya Brent mo."

"Hmm opo? Kakilala po siya ng magulang ko. Sa kanila rin po kasi ako bumibili ng mga gamit tsaka nagkatrabaho na rin po kaming dalawa sa mga Serrano kaya naging malapit na rin po kami."

Tumango-tango ito.

"Bakit po?" habol ko.

Umiling ito. "Wala naman," bakas sa mukha nito ang kalungkutan.


Naalala ko tuloy ang relasyon na meron sila noon. Dito mismo sa Unibersidad ng Alcantara nagsimula ang buhay pag-ibig nila. Dito rin lumaki at nanirahan si Miss Soreen pero ngayon ay nasa kabilang bayan na siya nakatira.

Ang sabi ni Anda, almost perfect na raw ang relasyon nila Miss Soreen at Kuya Brent noon. Ang akala nga rin ng mga kakilala nila na pagkatapos ng pag aaral nila eh magpapakasal na ang dalawa dahil hindi ito mapaghiwalay. Pero dahil sa isang pangyayari eh naputol ang pangako nila.

May kaibigan silang buntis at kumalat ang balita sa campus, naipatawag pa ito sa office. Ang sabi pa nga ay si Kuya Brent daw ang ama. Sobrang nasaktan si Miss Soreen. Ang kaibigan niya at ang nobyo niya ay magkakaroon na ng anak. Pinipilit ni Kuya Brent na imposible ang ginigiit ng kaibigan nila dahil sigurado siyang walang nangyari.

Pero may kumalat daw na litrato kung saan tulog si Kuya Brent sa kama ng kaibigan nila at walang damit pantaas. Ayun daw 'yong araw na may kasiyahan at nagka-inuman ang magbabarkada.

Dahil doon ay nagsimula na magkaroon ng lamat ang relasyon nila. Ilang taon ang lumipas, nalaman na nagsinungaling lang pala ang babae. Lumayo ito at humingi ng tawad sa dalawa. Nagawa niya raw 'yon dahil hindi niya alam ang gagawin niya, gustong gusto niya rin si Kuya Brent kaya siya ang tinuro niyang ama.

Huli na rin nang subukan ni Kuya Brent makipagbalikan kay Miss Soreen dahil ang pagkaalam ni Anda ay ikakasal na ito kaya sa kabilang bayan na siya nakatira pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit hindi pa rin natuloy.


Nagising ang diwa ko nang tumunog ang phone ko. Madali ko 'yon kinuha dahil hindi ko na-silent.

"Hello, Nay Rosita?"

Rinig ko ang isang pag-iyak sa likod nito.

"Pasensya ka na, Isha. Pero makakapunta ka kaya rito ngayon?"

Nag alala naman ako. "Bakit ho?"

"Si Asha kasi umiiyak. Gusto ka na raw niya makita. Iniisip niya baka iniwan mo na raw siya."

Innocent Fall (Numero Serye #UNO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon