Kabanata 10

1.3K 41 58
                                    

"Wow, ang ganda naman niyan!" puri ko kay Yuna, siyam na taong gulang, sa tabi ko, na pinag-gigitnaan namin ni Javier.

"Ano naman 'yan, Javier?" lumingon ito sa akin at sumimangot dahil sa panunukso ko. "Pero nag iimprove ka ha!"

"Siyempre, nag practice ako para rito," pagmamayabang niya.

Natawa na lamang kami pareho. Napalingon naman ako sa kanan ko nang may humihila sa damit ko.

"Mama, tingnan mo!" turo ni Asha sa ibon na ipininta niya.

Nagulat naman ako dahil sa galing ng gawa niya. "Ang galing naman ni Asha!"

"Ang galing din po ni papa!"

Napatingin naman ako kay Uno sa tabi niya na at tinitingnan ako. Napatikhim ako at sinilip ang gawa niya. Isang agila. Ang pagkakapinta niya rito ay detalyado.

"Marunong ka pala puminta," komento ko.

He smirked at me. "I can paint you if you want."

Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Pero ramdam ko ang paninitig niya sa akin at hindi ako naging kumportable.

"Bakit?" ibinalik ko ang atensyon sa pagpipinta.

"Kinakabisado ko ang bawat parte ng katawan mo."

Para akong nahugutan ng hininga sa sinabi niya. Ramdam ko ang init sa pisngi ko. Mahina lang ang boses nito sapat lang na marinig ko. Sinulyapan ko siya at nakangisi siya ngayon.

Ang ngising iginagawad niya ay kakaiba sa ipinapakita ni Kuya Dos na nakakagaan at kumportable. Ang kanya ay mapaglaro at delikado.

Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ang atensyon kila Asha at Yuna sa tabi ko.

"Kuya Jared! Ano po ba 'yang ginagawa mo? Tuturuan kita!" rinig kong sambit ni Lily.

Napalingon ako rito at napangiti dahil lukot ang mukha ni Kuya Jared. "Aso na 'yan!"

Umiling si Lily. "Pero 'yong buntot, mukhang hotdog. Bakit kasi straight?" Nilingon naman ni Lily si Anda na relax lang kasama si Inong. "Ate Anda, patulong po."

Tumayo naman si Anda at lumapit ng kaunti. Natatawa na lamang ako rito kasi nagiging malimit ang kilos ni Anda. Naalala ko ang sabi niya na kailangan niya maging kaibig-ibig sa harapan ni Kuya Jared at hindi isang dragon.

Si Miss Soreen at Kuya Brent ay tinutulungan si Vito at Agosto. Tahimik lamang sila at ang dalawang bata lang ang nag-iingay. Si Tres ay kumukuha ng mga litrato pero paminsan-minsan ay tumutulong ito.


Matirik na ang araw ngunit mabuti na lamang talaga ay may mga puno kaya naman umiihip din ang sariwang hangin. Nararamdaman ko ang pawis sa noo ko dahil sa bangs ko kaya naman gamit ang likod ng kamay ko ay ipinunas ko 'yon.

Idinidikit-dikit ko rin ito sa leeg ko na pinagpapawisan na rin. Nakaramdam naman ako ng matang pinapanood ako kaya wala sa sariling napasulyap ako kay Uno na pinapanood pala talaga ako.

Napakurap-kurap ako at idineretso ang tingin. Hinanap ko ang telang pamunas sa kamay para alisin ang pintura sa kamay ko para sana ayusin ang pagkakatali ng buhok ko pero hindi ko makita.

"Bakit?" pagpansin ni Javier.

Ipinakita ko sa kanya ang kamay ko. "Aayusin ko ang tali sa buhok ko."

Lumingon-lingon din si Javier sa paligid namin. Ilang sandali lang ay ipinunas niya ang kamay sa pantalon niya at may hinugot sa bulsa. Inabot nito sa akin ang panyo.

Innocent Fall (Numero Serye #UNO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon