Kabanata 13

1.2K 35 55
                                    

Naging malalim ang gabi. Lahat kami ay nasa kubo na at nag-iinuman sila. Mabuti nalang talaga at madaldal sila Kuya Jared at Franco. Nagiging maingay ang paligid. Ang mga kasama naming babae ay panay tawa. Si Anda naman ay paminsan-minsan sumasali sa usapan habang ako ay nakikitawa rin.

Napasulyap ako kay Uno na nasa gitnang puwesto at katabi ko lamang dahil nasa gilid ako. Nakatukod ang parehong mga siko nito sa mesa at hawak ang bote ng alak. Pangiti-ngiti rin ito sa mga usapan nila. I feel like we were left out dahil hindi kami makasabay pero Kuya Dos at Kuya Jared make sure na nasasama kami.

Hindi ko talaga maiwasan na sulyapan si Uno lalo na sa pangangatawan niya. Sobra akong nadi-distract every time na gumagalaw siya. Hindi ko rin talaga maiwasan titigan ang tattoo sa dibdib niya. Bagay sa kanya actually.

Inabutan naman ako ng chinitang babae ng alak. Ngumiti ako sa kanya. Sa pagkaka-alala ko, ito ang pinsan ni Kuya Jared. Si Joanna. Hindi ko alam kung gaano na karami ang nainom ko. Ramdam ko na ang init sa katawan ko. Hindi ko naman matanggihan dahil ayoko maging kj. Ang katabi ko namang si Anda ay nagiging hyper na rin kaya mas lalong nagiging maingay.

Kinuha ko ang basong ibinigay ni Joanna. Ininom ko iyon at napapikit, kumuha ako ng chips pagkatapos.

"You can stop drinking if you want." Napa-ayos ako ng upo nang maramdaman kong bumulong si Uno sa akin.

"Kaya ko pa naman," sagot ko.

Bahagya itong nakayuko para lamang mabulungan ako. Mukhang hindi naman siya napapansin dahil busy ang iba sa usapan. Sinulyapan ko siya at nakanguso ito habang nakatanaw sa mga kasama.

Nilalaro-laro ko ang baso at napagdiskitahan ko na lamang din ang chips sa harap ko.

"Did you make the murcon?" ani Uno sabay kuha ng chips. Bahagyang nagkadikit ang mga kamay namin.

"Ah oo," sabay iwas ng kamay ko. Para akong nakukuryente pag katabi siya.

He nodded and glanced at me. "I tried it and it's good."

"Thank you," ngumiti ako sa kanya. Tumaas naman din ang gilid ng labi niya.

Napalingon ako kay Anda at kinakabahan na ko dahil baka kung anu-ano na ang lalabas sa bibig niya. Nagsisimula na kasi ito magsalita tungkol sa manok at itlog.

Pag kasi ayun na ang topic, makikipagtalo siya ano ang nauna tapos pag sinagot mo naman hindi ito magpapatinag. Hindi siya titigil hangga't hindi siya nasa-satisfy sa sagot. Kaya ayun na rin ang hudyat kung saan magsasalita na siya ng mga nalalaman niya at magku-kuwento ng mga dinosaur.

Bago pa siya mapahiya sa harap ni Kuya Jared, pipigilan ko na siya at baka pagsisihan niya pa 'to. 

Hinawakan ko ang balikat niya at binulungan, "Anda, uwi na tayo," yaya ko.

Umiling ito nang nakapikit. "Pag nasagot mo ako, uuwi na tayo."

Napangiwi naman ako kasi si Kuya Dos na katabi nito eh nakatingin sa amin at natatawa.

"Sabi nitong si Dos ang nauna ay itlog. Bakit itlog? Saan galing 'yon? Sagot!"

"Sa manok, Anda," sagot ko.

Tumango ito. "Tama. Pero ang totoo kasi, ang manok ay galing sa itlog! Noong unang panahon ng Mesozoic Era, nahahati ito sa tatlong period. Ang Triassic, Jurassic at Cretaceous. Ang manok ay nagsimulang mag evolve sa late Jurassic to Cretaceous period. Kapamilya daw nila ang T-rex. So heto na nga! Paano nagsimula ang manok? Eh puro nga mga dinosaurs ang namumuhay doon! Actually pati rin daw ang mga dino-birds noon ay nagsimula lang din noong late Jurassic period."

Para tuloy bata si Anda dahil may pag yugyog pa ito sa balikat naming dalawa ni Kuya Dos dahil pinaggigitnaan namin siya.

"So heto na nga! Ang kulit! Makinig kayo! Dahil sa mga volcanic activities at mga meteorites showering, dumagundong ang panahon ng Jurassic to Cretaceous. Ang mga itlog ng mga dinosaurs na naka-survive ay naging abnormal sa pressure at temperatura. Kaya ayun, kumulo 'yong mga genetics kemerut sa itlog at naging itsurang manok. Ang manok ay kinabibilangan ng mga Theropoda at kina-classified as Troodontids. Ang tawag sa kanila ay chickenosaurus. Bakit ganoon ang tawag?"

Innocent Fall (Numero Serye #UNO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon