Kabanata 7

1.4K 43 44
                                    

Nagising ako nang may yumakap sa akin nang mahigpit. Agad akong napalingon sa tabi ko. Yakap-yakap ako ni Anda at mukhang nagising na rin ito.

"Ang sakit ng ulo ko," reklamo nito at hinigpitan lalo ang yakap sa akin.

Tumagilid naman ako sa kanya. Sinubukan nito imulat ang mga mata para matingnan ako at pumikit ulit.

"Akala ko magiging jowa ko na, hayy."

Pinitik ko ito sa noo ko. "Ikaw talagang babae ka."

Inalis nito ang yakap sa akin at tumihaya.

"Eh kasi parang may lalaki akong kasama kagabi. Sure akong hindi si Tres kasi mas malaki ang katawan at matangkad. Sayang, forever ko na sana."

Napatawa ako ng mahina at bumangon. Habang si Anda ay nagpagulong-gulong pa sa malaki at malambot na kama.

"Sana ganito lagi ang gising ko!" ani Anda.

Kinuha ko ang phone ko at nakita kong oras na ng tanghalian. Naramdaman ko naman din si Anda na bumangon na. Pinasadahan ako ng tingin.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

Tiningnan ko naman ang sweatshirt na bumabalot sa akin. Ang sleeves nito ay lagpas sa kamay ko kaya kailangan ko pang hilahin pataas.

"Nahulog kasi ako sa pool kagabi."

"Tanga naman! Paano?"

Ngumuso ako. "Eh may nagkakasiyahan kasi tapos nabunggo ako. Ayun, hulog si tanga."

Humagalpak ng tawa si Anda pero napahawak sa ulo dahil sa naging epekto ng kalasingan. Napatingin din siya sa suot niyang tshirt at jogging pants.

"Akala ko nga may nangyari sa atin," ani Anda.

Binigyan kasi ako ng damit ni Tres para palitan ko si Anda dahil amoy alak ang damit. Kaya naman binihisan ko ito bago ako matulog.

Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto. Ako na ang nag bukas habang si Anda ay walang buhay na bumagsak sa kama.

"Kakain na. Okay na ba kayo?" bungad ni Tres na ngayon ay naka kumportableng tshirt at short ito.

Tumango ako at nilakihan ang pinto.

"O'sige. Sumunod na kayo sa baba."

Nilingon ko si Anda na bumangon at lumapit sa amin. Niyakap ako nito sa gilid.

"Sakit ng ulo ko talaga!" reklamo nito.

"Hayok ka sa alak eh."

"Inom pa."

Magkasabay kami ni Tres sa komento at napatawa ako sa pag-irap ni Anda. Sabay na kaming tatlo na bumaba. Yakap-yakap lang ni Anda ang braso ko at dumadaldal sa mga naalala niya kagabi.


Sa mesa ay naririnig ko ang tawanan ng iilan. Pagkakita ko roon ay nagsisimula na rin silang kumain. Nakaupo sa kabisera si Uno, ang katabi nito ay ang babaeng katabi rin niya kagabi. Sa tapat naman ng babae ay hindi ko rin kilalang lalaki. Kasama pa nila sila Kuya Brent, Kuya Franco, Kuya Jared, at isa pang babae na katabi ni Kuya Dos.

Nang matamaan nila kami ay kumaway si Kuya Jared. "Kumusta, Ishang?"

"Hi, cute girl!" bati naman ni Kuya Franco.

Ngumiti ako sa kanila. Nagtama ang mga mata namin ni Uno na nakatingin sa akin. Umupo kami sa kabilang dulo. Sa kabisera nakaupo si Tres para magtabi kami ni Anda. Katabi ko si Kuya Franco at katapat naman ni Anda si Kuya Dos na nakatingin dito. Si Anda naman ay nakatingin lang sa nakahain sa lamesa.

Innocent Fall (Numero Serye #UNO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon