Run! She resume on running, evading everything that was blocking her escape from someone—no from some thing.
Halos mangatog na ang dalawa nyang mga tuhod dahil panghihina buhat sa matagal na nyang pagtakbo. Puro dugo ang kaniyang kasuotan. Punit-punit din ang bestida nyang kulay puti na may kasamang mantsa ng sariwang dugo.
Dugo na nanggaling mula sa iba pa nyang kaibigan.
Patuloy ang paglandas ng luha sa kaniyang magandang mukha na ultimo ang kaniyang paningin ay nanlalabo na dahil sa hilam nyang mga luha.
Sino nga ba ang hindi maiiyak matapos nyang masaksihan ang kalunos-lunos na sinapit ng lahat ng kaniyang kaibigan dahil sa nilalang na iyon?
Hindi sya makapaniwalang may ganoong klaseng hayop na umiiral sa kagubatan kung saan nila naisipang mamalagi ng isang gabi.
Kung alam lamang nila na ganito ang mangyayari 'di na sana sila nagpunta pa rito. Hinding-hindi na sana mangyayari ang lahat ng ito sa kanila.
Hindi na sana sila kailangan pang mamatay. Ang babata pa nila para mawala sa mundo. It was suppossed to be a happy birthday adventure that gone bad.
"Ahh!" daing nya matapos matalapid ang kaniyang mga paa sa nakausling malaking ugat.
Napakagat sya ng kaniyang labi pilit iniinda ang sakit sa kaniyang paa at tuhod na nagdurugo. Mahapdi iyon.
No! She can't stop running! Or else, she's going to die here inside the woods!
Tumayo siya. Pilit na nagpatuloy makalayo para makapunta sa bayan. Kailangan nyang makahingi ng tulong. Ayaw nyang mamatay.
Blag! Natigilan sya matapos makita sa kaniyang unahan ang nilalang na humahabol sa kaniya. Tumindig ito. Halos kasing taas ng sampong metro ang tangkad. Butot-balat. Nakausli ang mga buto nito. Itim ang balat at walang balahibong makikita. May katawan itong sa tao subalit hindi. Matitilos ang mga ngipin nito na puno pa ng mantsa ng dugo at may nakasingit na sariwang lamang.
Halos bumaliktad ang kaniyang sikmura matapos alalahanin kung paano nito walang-awang nilapa ang kaniyang kaibigan.
Napahikbi ang walang laban na dalaga. Pinilit nyang tumabo palayo subalit isang bagay ang marahas na tumusok sa kaniyang katawan. Napaduwak sya ng maraming dugo at halos mamuti ang kaniyang mga mata dahil sa malaking pinsalang dulot na ginawa ng manticore.
Mabilis na hinugot ng nilalang ang matilos na kuko sa dibdib ng babae. Nagkaroon iyon ng malaking butas bago walang buhay na bumagsak ito sa damuhan.
Ngumisi ang halimaw, dinilaan ang matilos na mga ngipin bago nilapitan ang huling pagkain nya para sa gabing ito. Ninamanam nya ang bawat dugo at laman. Walang tinira kahit buto.
Sa wakas ay nalamnan na ang kaniyang pangangailangan sa laman ng tao.
Ilang sandali pa'y bumalik sa dati ang kaniyang anyo. Maikukumpara sa paglilino ng ahas ang paraan ng pagbabalik anyo nito. Naalis ang itim na balat at lumitaw ang isang matikas na lalaki.
Pinaputok nya ang kaniyang leeg bago iminulat ang kaniyang mga mata. Madungis ang kaniyang pangangatawan
subalit ipinagsawalang-bahala nya ang lahat ng iyon dahil pakiramdam nya ay nasa alapaap ang kaniyang pakiramdam.
Tama lang pala ang naging desisyon nya para bilhin ang tabletang iyon na mula pa sa kaniyang kaibigan. Dark pills na mula pa sa dark syrum. Pakiramdam nya ay napakalakas nya.
Inikot nya ang kaniyang mga kasukasuan bago bumalik sa kaniyang mansion. Sumisipol pa sya 'di alintana ang kahubaran at ang lamig na hatid ng gabi.
Nakakatiyak syang may maggagawi muli sa kagubatan. Maghihintay sya para sa mga bago nyang sariwang pagkain.
BINABASA MO ANG
PROJECT CHROME 2 : New Mask (SLOW UPDATE)
Science FictionBOOK ONE (COMPLETED) BOOK TWO (ON-GOING) GENRE: ACTION/SCIENCE FANTASY LANGUAGE: FILIPINO/ENGLISH (MATURE CONTENT) BOOK TWO OF PROJECT CHROME: CONCEALED IDENTITY. Welcome sa pagpapatuloy ng kwento ni Zoien sa kaniyang new identity bilang si Chromeli...