"Do you think I'm being harsh on her?" Baling na tanong ni Ania sa lalaking nasa kaniyang tabi. "Ginagawa ko lang naman ang alam kong makakabuti para sa lahat."
Kasalukuyan silang nasa byahe patungo sa kanilang trabaho sa TRIOS headquarter.
"Well, obviously, yes. So, pinagsisihan mo na ba ang nagawa mo noon dahil sa kaniya?" balik na tanong ni Ruhen. "Isa pa, kilala kita. Gumagawa ka ng isang bagay dahil may mabigat kang dahilan. That also include that 'girl'. H'wag mong sabihing tatapusin mo na ang plano mo dito pa lamang dahil lang dyan sa problemang iyan?" dagdag nya habang nakatuon ang pansin sa harapan ng sasakyan.
Umiling si Titania. "I can't help being strict and heartless. At iyong tungkol sa tanong mo . . . hindi ang sagot ko. Imposibleng huminto ako ngayon, Ruhen. Ako ang punot-dulo ng lahat ng kaguluhang ito. Kung hindi ko sana pinairal ang kagustuhan kong pangunahan ang Project Chrome noon. Maari sigurong mapayapa pa ang lahat ngayon. Hindi sana namatay ang pamilya ni Zeira. Hindi sana nadamay ang maraming inosente dahil sa kagagawan ng gahaman kong ama."
Kumunot ang noo ni Ruhen dahil sa narinig. "Ano bang sinasabi mo, Ania? Wala kang kasalanan. Tandaan mo, naging biktima ka rin ng kasamaan ng sarili mong ama. Marami kang isinakripisyo tulad ng sarili mong kasiyahan sa buhay. Pinili mong kalimutan ka nilang lahat. Lalo na ang mag-ama mo. Kung makakaramdam ka ngayon ng pagsisisi hindi nyan maibabalik ang lahat sa dati. Think carefully," mahabang payo niya sa kapatid.
Napabuga ng hangin si Tania bago hinawakan ang kaliwang sentido. Ramdam nya ang pananakit nito. "We had the same fate. I am really curse," bulong nya na narinig ng binata.
He scoffed. "Are you referring to yourself and your clone? Kung gano'n ay maaring tama ka. Mukhang ayaw ng tadhana na hayaan kayong maging masayang dalawa. May nagawa ka sigurong mabigat na kasalanan noong past life mo 'no?"
"Stop joking," sita nya na ikinatahimik ni Ruhen. "Tanggap ko na. Imposibleng maging masaya ako sa buhay na ito. Isa na lang ang maari kong gawin sa ngayon. Itatama ko ang lahat ng pagkakamali kong nagawa. Isasama ko ang aking walang'yang ama sa libingan kung iyon lamang ang tanging paraan para tumigil sya sa mga pinaggagawa nyang kasamaan sa mundong ito. Gagawin ko." May diin ang bawat salitang lumabas mula sa bibig ni Titania at ramdam ni Ruhen ang katotohan sa mga ito.
"H'wag kang mag-alala. Mahahanap din natin sya at ang buo nyang organisasyon. Ang TRIOS ang bahala sa kanila. Hindi tayo titigil hangga't 'di natin sila mawawasak nang tuluyan," paninigurado ng binata na nakapagpakalma sa kalooban ni Titania.
"Sana nga sa pagkakataong ito ay hindi na sila makawala pa. Kailangan lamang nating alisin ang lahat ng mga tuta nya na malaking balakid sa atin. How was it anyway?"
"It's progressing efficiently. Mataas man ang tungkulin nila sa lipunan kapag naman patay na sila wala na silang saysay pa. Hindi na nila magagawa pang pagtakpan ang WEB. Mawawala na ang mga basurang nagpapakasasa sa kapangyarihang pansamantala lamang."
"We need more power and connection, Ruhen. Tanging malakas lamang ang may kakayahang labanan ang malalakas sa lipunang ating kinagagalawan. Kapag mahina tayo, para lamang tayong langgam na madaling apakan. Kailangan nating mas umangat pa. We need more loyal companion. We have to invite more comrade on our side. Lahat ng may pakinabang para tuluyan na nating maisagawa ang ating plano."
BINABASA MO ANG
PROJECT CHROME 2 : New Mask (SLOW UPDATE)
Science FictionBOOK ONE (COMPLETED) BOOK TWO (ON-GOING) GENRE: ACTION/SCIENCE FANTASY LANGUAGE: FILIPINO/ENGLISH (MATURE CONTENT) BOOK TWO OF PROJECT CHROME: CONCEALED IDENTITY. Welcome sa pagpapatuloy ng kwento ni Zoien sa kaniyang new identity bilang si Chromeli...