Awit ng Karagatan

6 0 0
                                    

𝗔𝘄𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗴𝗮𝘁𝗮𝗻
(Date created: April 18, 2021)

"Huwag na kayong sumisid, bilog na ang buwan. Pumasok na kayo sa loob." Wika ng kapitan ng mga mangingisda na naninigarilyo pa habang nakatitig sa buwan. Sa liwanag ng buwan ay kumikinang pa ang perlas niyang kuwintas.

Nagsimula nang pumasok sa loob ang grupo nang makarinig kami ng tinig ng isang babaeng kumakanta. Ang boses nito ay kasing galaw ng mga alon ng dagat, at ang kaniyang kanta ay wika na hindi namin maintindihan.

"Pumasok na kayo, bilisan ninyo." Wika nito na tila hindi naririnig ang kanta. Nagsipasok na kami subalit makalipas ang ilang oras ay naalimpungatan ako sa aking panaginip. Isang uri ng isda na hindi ko maintindihan. Lumabas ako sa kubo, at doon sa pangpang ay nakita ko ang kapitan, nakatingin sa malayo at tila malalim ang iniisip.

Dahan-dahan akong lumakad. Ramdam ko ang simoy ng hangin, ang tunog ng mga dahon at ang kumikinang sa karagatan.

Naupo ako sa tabi ng kapitan at nagwika, "Mukha hong malalim ang inyong iniisi, tay Arturo." Tumingin sa kanya. Sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang kanyang ngiti.

"Alam mo hijo, aking napagtanto, kahit gaano kalalim ang sisirin ninyo, hindi ninyo maaabot ang lalim ng dagat." Wika nito na tila nagyayabang.

"Aba, eh sa karanasan po ninyo ay wala pa akong ibubuga." Tugon ko.

Napatingin ako sa di kalayuan. Nagulat ako, sa gawi ng bato na dumudungaw sa ibabaw ng dagat ay isang anino ng babae, tila nakatingin ito sa aming direksyon.

Napatayo ako, itinuro ang babae at sumigaw, "Tay! Tignan ninyo! May babae pa sa gita ng dagat! Halikayo at delikado ho iyan!"

Akmang tatakbo na ako nang pigilan ako ng kapitan.

"Kilala ko ang babaeng iyan, kahit itali mo sa ilalim ng karagatan ay hindi iyan maluluno." Humalakhak ito at waring hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nangyayari.

Naapaupo ako sa pagkagulat. "K-kapitan.."

Pinutol nya ang aking sasabihin. "Noong ako ay kaedad mo pa lamang, sa aking pagsisid, may halimaw na humila sa aking paa. Nagkandalunod ako nang panahong iyon."

Tumawa s8ya kasabay ng paghampas ng mga alon.

"Isang kalmot sa aking bewang, mga kagat sa aking braso..." Habang nagsasalita ay ipinakita niya sa'kin ang mga bakas ng sugat. Sa aking pagkagitla ay para itong may mga kaliskis.

"Bakit ma—" Pinutol na naman nya ako.

"Ahh! Ang mga kaliskis ba? Noong gabing iyon, sa aking pagdilat, nasa pangpang na ako. May isang babae na kumakanta sa itaas ng aking pagkakahiga, at ang mga sugat ko, ay unti unting naghilom."

Napangiti ito at humigop ng sigarilyo.

"Hijo, napaibig ako sa isang halimaw ng dagat. Ang babaeng nagligtas sa akin sa kamatayan."

Tinuro niya ang babae na nasa ibabaw ng bato. "Subalit, nagkaroon ng alitan sa gitna ng mga puting halimaw at mga itim na alagad dahil sa pagliligtas nila sa akin."

Napawi ang ngiti ng kapitan. Tumahimik ang kapaligiran at nagsimula na naman ang kanta ng babae.

"Mula noon, upang mapanatili ang kapayapaan ng dagat, pinaglayo kami ng bathala. Sa oras na maamoy ko ang pabango niya, matutuyo ang dagat."

Sa saliw ng tinig ng babae ay tila nakakahanap ako ng kapayapaan.

"Hindi mo maiintindihan, binata." Tumigil ang kanta. Tanging hangin lamang at alon ang naririnig sa paligid. Humayo na ang kapitan, at kasabay ng paglalaho ng babae sa kaniyang paghakbang ay ang pagwika niya, "𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙞𝙥𝙞𝙥𝙞𝙣𝙩𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙣𝙙𝙤 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙗𝙧𝙖, 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙠𝙡𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙖.. 𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙪𝙨𝙤."

Bumaon ang kanyang wika sa aking dibdib. Habang inaalala ang nagturo sakin kung paano sumisid. Isang babae na may buntot ng isda, subalit nabingwit ng mga pirata.... at ibinenta sa mga bandido...

—𝘈𝘬𝘶𝘮𝘢 𝘌𝘵𝘴𝘶𝘬𝘰

Panaginip: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon