Sa Ilalim ng Puno ng Buko, Sa Tapat ng Aming Bahay

34 2 0
                                    

𝗦𝗮 𝗜𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗸𝗼, 𝗦𝗮 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗔𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗵𝗮𝘆
(Date of creation: 7th of March, 2021)

....................

Naglalakad pauwi sa eskwela, sa isang pook malapit sa dagat, isang batang madalas matukso, dahil sa siwang sa aking nguso.

"Anak, may itsura ka. Ang gwapo-gwapo mo kaya." mga bilin ng aking Ina na hindi ko naman pinapakinggan.

Hindi ako madalas magsalita sa kadahilanang hindi gaanong maayos at bulol-bulol ang mga salitang lumalabas sa'king bibig.

"Hoyyyy! Sandali laaang!" isang boses ng babae.

"'Di ba ikaw yung pinatid kanina ni Drake?" wika niya nang makalapit sa'kin nang nakangiti.

Nakatitig lang ako sa kanya at naghihintay na makarinig ng mga katawa-tawang panunukso.

"Hi, ako si Andrea." wika niya habang nakangiti. Tinalikuran ko sya at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis naman syang humabol at sumabay saakin.

"Sa'n ka nakatira?" wika niya. Tumingin ako sa kanya.

"Sha ikatlong bhuko malafit sa fangfang." wika ko.

"Ahhh." tugon niya.

Sa ganoong paraan, sa panahon na iyon ay nagkakilala kami ni Andrea. Naging matalik ko siyang kaibigan dahil tila siya lang ang tumanggap sa akin at sa'king kapansanan.

Madaming panahon ang lumipas, nagtagal ang amin samahan. Kaming dalawa lamang ang magkaibigan. Hanggang isang araw,

"Isang dalaga ang naabutang patay sa tabi ng pangpang na walang suot at tila minolestya. Ang buong balita ay ilalahad ni Ardrew. Ardrew?"

Balitang bumulahaw sa radyo at oo, hindi kayo nagkakamali.

"HANDHREAAAHH!!!! HAAAAAH!!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa pangpang, habang ang mga pulis ay nagtipon at ang bangkay ng aking kaibigan ay nakatakip na sa puting tela.

Natapos ang araw, walang tigil aking luha. Nakahiga sa pangpang at nakatulala sa langit.

"Hoy, Marcel!" Sitsit ng isang babae sa ilalim ng puno ng buko.

"Andrea?! ANDREAAA!" sigaw ko at tumakbo upang yakapin siya, subalit ang katawan nya ay tila usok na hindi mo mahawakan. Napaluhod na lamang ako.

"Hanh—dhreaaa!!" iyak ko.

"Pumanhin Marcel, hindi ko nais ituro ang yaman na tinatago mo sa ilalim ng puno ng bukong ito. Kaya naman hindi ako nagsalita sa kanila, hindi ba't iyan na lang ang yaman na galing sa iyong ina?" tuloy-tuloy niyang paliwanag.

"Hindi! Pfero bakiiiit!" nagsimula akong maghukay, kahit dumugo man ang kamay ko. Hanggang sa makuha ko ang baul at sa loob no'n ay isang pares ng singsing na pinangarap kong iregalo upang pakasalan si Andrea.

"Hanggang dito na lang sinta." wika nya at tuluyang naglaho.

"Shandalihh sandliiihhh!!!!" sigaw, ko subalit hindi ko na siya naabutan.

"Magbabalik....." ang huling salita na iniwan niua.

.................

𝘛𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘣𝘰 𝘢𝘵 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨𝘱𝘶'𝘵 𝘪𝘴𝘢

Naturingan nang baliw, sa ilalim ng puno ng buko ay naka-upo pa rin, mahaba ang buhok at balbas, hawak ang pares ng singsing.

May nagtanong sa akin. "Ginoo, maari mo ba akong ikuha ng buko?"

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, isang batang babae, napangiti ako nang makita ko sya.

"Hija, hano ba ang fangalan mo?" mahinang sambit ko.

"Ang pangalan ko po ay Andrea Dimaculangan!" bibong wika nito.

Dahan-dahan ay niyakap ko sya, at isinuot sa kanyang hinlalaki ang pares ng singsing na nakasuot sa akin at nagwika, "Natagalan ang pagbabalik mo, sinta."

Nakatitig lang siya saakin at nakangiti. Ang liwanag ng araw ay lalo pang nagpaganda sa kaniya.

"Ngunit paumanhin, sa tanda kong ito ay kailangan ko nang magpahinga."

Nagsimula nang pumikit ang aking mga mata.

'𝐀𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐦𝐨𝐲 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧, 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐝𝐚𝐥𝐚. 𝐒𝐚 𝐰𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐠𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨'𝐲 𝐬𝐮𝐨𝐭 𝐦𝐨 𝐧𝐚. 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦, 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐤𝐨, 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐭𝐚. 𝐒𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐧𝐨 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐤𝐨, 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠𝐚....'

—𝘈𝘬𝘶𝘮𝘢 𝘌𝘵𝘴𝘶𝘬𝘰

Panaginip: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon