Kabanata 5

30 13 23
                                    

[Kabanata 5]

ISANG araw ang lumipas mula sa pangyayaring iyon. Hindi na muli pang nagpakita sa 'kin si Kirvy. Kahit na gusto ko mang makipagkita sa kanya, pero hindi ko kakayanin na sasaktan niya pa ako muli.

Mabuti na siguro 'to. Para hindi na ako masaktan, para hindi na madurog ang puso ko ng tuluyan.

Napabuntong hininga ako habang nakaharap sa sariling repleksyon sa salamin. Sinuklay ko ang aking buhok, tinitigan pa ang kabuuan ng aking mukha. Parang hindi naman ako maganda.

Tumigil na lang ako sa ginagawa at patakbong lumabas ng kwarto. Pumanaog agad ako papunta sa salas at nakita ko si Mama na nanunuod ng TV.

“Ma, mano po.” Agad akong nagmano sa kanya, umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang palabas na pinanunuod niya. Love Story na naman.

Sa lahat ng mga nababasa kong romance stories ay hindi ko maiwasang maging bitter. Ayaw ko talaga sa mga banatan na ibanabato ng mga lalaking bida. Para kasing dinadala ka sa kung saan at ang sarap sa pakiramdam pero hindi naman sila totoo, at alam kong malaba 'yong mangyari sa buhay ko.

“Mahal kita, kaya kong sungkitin ang mga talang nagkikislapan sa kalawakan ng karimlan para lang makamit kita.” Sinabi iyon ng lalaking bida at hindi ko maiwasang mapangiwi. Paano niya masusungkit eh, hindi nga natin naabot ito.

Kaya ayaw ko sa mga romance novel or movies eh, masyadong mabulaklak lahat ng mga linyang ibanbato ng mga tauhan ng kwento. Kaya maraming nababaliw, aasa pero kapag sinampal na sila sa katotohanan, masasaktan.

“May mahal na akong iba. Kung nais mong sungkitin ang mga tala o maging isa ka pa sa mga ito. Tatandaan mo, ang buwan ang pipiliin ko. Siya lang ang tanging dahilan at nagbibigay liwanag sa aking buhay.” Narinig ko ang hikbi ni Mama sa aking tabi, napakaemosyonal naman ni Mama.

Hindi naman siya gaano kasakit. Hindi naman kasi natin hawak ang mga puso ng taong ating minamahal. Maaaring mahal mo siya, pero Mahal ka ba?

Maaaring mahal ka niya, pero ikaw naman hindi mo kayang masuklian ang nararamdaman niya.

Hindi ko talaga lubos maintindihan ang pag-ibig, napakakomplikado. Maraming nasaktan ng dahil sa pag-ibig, kapag ako ang masasaktan dahil nito hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Kawawa naman ang lalaki.” Rinig kong usal ni Mama habang pinipigilan ang sariling umiyak, ang babaw naman. Gusto ko siyang pagtawanan pero ayaw ko namang may puputok na bulkan at ayaw kong maputukan ng isang inahin.

“Hindi naman kasi natin hawak ang puso ng iba, Ma.” Wala sa sariling Ani ko, tinawanan pa ako ni Mama.

“Oo, nga. Kaya hindi ko na nakuha pa ang puso ng Papa mo. Ginawa ka namin, kaso iba talaga ang hinahanap ng puso niya. Kaya iniwan ako.” Kaswal lang na ibinahagi ni Mama ang nangyari sa kanila nila Papa, pero parang ang bigat ng pakiramdam ko.

Maya-maya ay narinig ko na itong humikbi, agad ko naman itong yinakap.

“Mahal ko siya... Mahal ko ang Papa mo.” Sabi niya pa kahit na umiiyak siya, ramdam na ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman ni Mama.

“Pero may iba nang nagmamay-ari sa puso niya at hindi ako 'yon.” Hindi ko rin napigilang mapaiyak, yakap-yakap ko si Mama hanggang sa tumahan na ito.

“Magpahinga ka na lang Ma, ako na lang ang papatay ng TV.” Tumango lang naman ito at umakyat na patungo sa kanyang kwarto. Ako naman ay napatingin sa TV.

Kitang-kita ko kung paano magpakaawa ang lalaki na huwag siyang iwanan pero hindi nakinig ang babae. Tumalikod ito at nagsimulang humakbang pero natigil ito ng magsalita ang lalaki.

“Sa oras na talikuran mo ako. Tatandaan mo na do'n na naputol lahat ng koneksyon na meron tayo. Hanggang dito na lang ako, hanggang dito nalang tayo.” Nakita ko pa ang pag-aalinlangan ng babae na umalis, parang may gumugulo sa kanyang isipan.

Bakit ba kasi pinipili nating saktan ang mahal natin, tapos hindi rin naman natin kayang panindigan ang ating mga ginawa?

Pero bilib din ako sa babae dahil umalis ito kahit alam niyang madudurog ang puso niya sa nangyari. Kahit hindi man sabihin ng babae na mahal niya ang lalaki ay halata pa rin siya sa kanyang mga kilos. Apektado siya.

Natapos ko na ang palabas, bansang alas dos ng umaga. Kaya agad naman akong pumunta sa kwarto at inisip ang mga nangyari sa napanuod na palabas.

Nagmakaawa ang babae sa lalaki na kunin siyanh muli, pero sumuko na ang lalaki. Panay ang tanggi ng lalaki kahit alam niya sa sarili niya na gusto niyang tulungan ang babae at sabihing mahal niya pa rin ito, naduduwag lang talaga siya.

Ang babae naman hindi na nakatiis dahil hindi niya inakala na gano'n pala ang mangyayari sa kanya kapag wala na sa piling niya ang lalaki, matapos daw siyang sanayin nito.

Pero ang katapusan ng palabas ay hindi na sila muling nagkita pa. Pareho silang hindi na humanap ng iba dahil alam nila kung sino ang taong laman ng mga puso nila. Pero hindi nila naipagtapat ang nararamdaman sa isa't isa.

Kalimitan, naduduwag tayo pagdating sa pag-ibig. Maraming darating na hindi natin inaasahan. Maraming masasayang naidudulot gano'n din ang sakit na naidudulot. Pero kung may mahal ka, dapat ipagtapat mo iyon para walang kang pagsisihan. Para alam mo sa sarili mo na nailabas mo ang nararamdaman mo at may kung anong kaginhawaan.

Pero depende rin iyon sa tao. Merong ibang hindi na ipinagtapat ang kanilang mga nararamdaman dahil alam nilang wala nang pagkakataon. Pero kung alam mo na may chance ka, why not grab the opportunity di ba?

Napabuntong hininga lang ako dahil sa sinabi ng narrator sa palabs. Hindi gano'n kadali umamin ng feelings mo. Hindi ko rin alam kung paano i-handle ang sakit kung sakali.

Maaga akong nagising kinabukasan at isang araw na ring hindi nagpapakita sa 'kin si Kurba. Parang na-mi-miss ko na siya. Lumabas na ako ng bahay para papunta ng school. Dumaan na naman ako sa may kalye kung saan ko nasaksihan ang dalawang magkasintahan noon.

Napalingon ako sa may banda na ensaktong kinaroroonan nang dalawang magkasintahan noon, pero parang binuhusan ako ng malamig sa nakita. Hindi ko mawari ang mararamdaman. Hindi ko rin alam kung bakit nagsimulang lumandas ang aking mga luha papunta sa aking mga pisngi.

Kaya pamilyar sa 'kin ang katawan nito. Dahil siya pala ang lalaki kong nakita noon at ngayon may kahalikang iba.

Last Requiescence | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon