Kabanata 8

30 9 28
                                    

[Kabanata 8]

NANATILING nakapako ang paningin ni Kurba sa 'min. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya marahil walang emosyon ang mukha nitong nakaharap sa 'min.

Napatikhim na lang ang lalaki ko aking tabi at dahan-dahang umusog papunta sa gilid. Alam ko naman ang binabalak niya. Gusto niyang umalis na dito dahil alam kung alam niya kung ano ang posibleng gagawin ni Kurba.

“Bakit kayo magkasama?” Sinlamig ng natutunaw na yelo ang boses niya. Nanatili pa rin ang emosyon niya kanina.

“Nagkasabay lang kami.” Kaswal na tugon ko. Pipilitin kong maging kaswal ang ikinikilos ko para hindi niya mahalatang kinakabahan ako pero nanaig sa 'kin ang selos. Hindi ko matanggap ang nakita ko kanina.

“Nagkasabay?” Hindi makapaniwalang tanong nito at sarkastikong tumawa. Agad naman kumunot ang noo ko. Problema nito?

Nagsinungaling siya sa 'kin. Sinabi niya na wala sa isip niya ang paghahanap ng jowa. Pero ano 'yung nakita ko?

“Ano naman sa 'yo kung nag-da-date kami?” Naiinis na singhal ko, nanlaki naman ang kanyang mga mata na tila hindi makapaniwala na diretsahan ko itong isabi sa kanya.

“Totoo nga?” Nangingilatis na tanong nito, ngunit hindi pa rin nagbabago ang emosyon.

Nang lingunin ko ang katabi ko para humingi ng tulong ngunit tila umaasa ako sa taong wala na pala sa tabi ko. Tila isa akong baliw dahil hihingi ako ng tulong sa kung kanino, maaring lamang lupa o imaginary friend ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kurba kaya taka ko itong tiningnan.

“Iniwan ka ng ka date mo.” Sabi niya pa sabay tawa kaya napairap ako. Akala naman niya papalagpasin ko ang nakita ko, kaya hindi nalang ako umimik.

“May problema ba? Bakit namamaga ang mata mo? Sinaktan ka ba niya?” Maraming katanungan ang ibinato niya sa 'kin ngunit hindi ko ito sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa gate ng paaralan namin.

“Hindi siya ang dahilan kung bakit ako umiyak. Hindi siya ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng kasawian.” Gusto ko sanang idugtong na dahil sa kanya pero ayaw ko namang malaman niya na mayroon nga akong pagtingin sa kanya.

Baka ano pa ang mangayari, hindi ako handa sa mga consequences na darating. Hindi ko rin matanggap kung iiwan niya ako at iiwasan. Ayaw kong makaramdam ng matinding kasawian. Hindi ko lubos maisip na mawawala siya sa aking piling. Hindi ko rin makita ang sariling masaya kung hindi siya kasama. Parang nakadepende na ako sa kanya.

Siguro, kailangan ko nang sanayin ang sariling hindi siya kasama para kung sakali na malalaman niya ang lihim kong pagtingin ay hindi na gaano kasakit at madali kong matanggap ang mga posibleng mangyari.

“Edi sino? Susuntukin ko.” Pagbibiro nito at ni-flex pa ang muscle kuno sa kanyang braso, pero wala naman masyadong maipagmalaki. Napatawa ako ngunit mapait. Hindi ko kayang maging masaya.

Hindi ako ang first kiss niya. Nasanay ako na siya ang kasama sa lahat ng first ko, pero ang kiss parang hindi na. Pero hindi na rin naman siya ang first kiss ko. Pero aksidente lang naman 'yun, dapat ko banh ituring 'yun na first kiss? Si Kuya kasi, hindi pa rin pala alam ang pangalan niya.

Napaiwas ako nang tingin nang magkasalubong ang aming mga mata. Kagaya no'ng una, hindi ko pa rin mabasa ang emosyon niya.

Parang hindi siya apektado sa presensya ko. Parang wala lang sa kanya. Kaibigan lang talaga ang turing niya sa 'kin.

Parang may punyal na tumarak sa aking puso at nagdudulot upang magdurugo ito at nakaramdam ng matinding kirot. Nararamdaman ko rin ang panggiligid ng aking mga luha ngunit kailangan ko itong pigilan. Hindi maaaring makita niya akong iiyak, baka ano ang masabi niya.

“Bakit ang tahimik mo ngayon? May problema ka ba?” Nag-aalalang tanong nito na nakakapagpabuhay sa aking pag-asa. Pag-asang imposible namang mangyari.

Umiling lang ako at nagpilit ng ngiti, pero nagulat ako nang mabahala ito sa pagtingin sa aking mukha. Naguguluhan ko siyang titiningnan na para bang tinatanong ko na siya kung bakit siya gano'n makatingin.

Kagyat itong lumapit sa 'kin at hindi ako makapaniwala sa kanyang ikinilos sa oras na ito at dahan-dahan niyang inabot ang aking pisngi at may kung anong pinahiran siya roon gamit ang likuran ng kanyang palad.

Hindi ko alam kung bakit tila sasabog ang aking puso. Hindi ko matimbang kung ano ang sanhi, kasawian o kasiyahan.

Sa pagdampi ng kanyang kamay sa aking pisngi ay naroon pa rin na tila ako kinuryente at hindi rin ako lubos makahinga sa biglaang pangyayari. Napasinghap ako, napahawak na rin ako sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, na tila tinatambol ang aking dibdib.

Napahawak ako ng mariin sa aking dibdib kahit na nanginginig ang aking mga kamay, halos hindi na rin ako gano'ng makatayo ng matuwid. Napatitig ako sa kanyang mga mata na ang hirap pa ring basahin. Hindi ko maunawaan kung bakit niya ito ginagawa. Hinuhuli niya ba ako sa simpleng ikinikilos niya?

Maaaring hinuhuli niya nga ako at ngayong hindi ako mapirme ay maari niyang malaman ang nararamdaman ko. Kaya sinikap kong umayos ng upo kahit naroroon pa rin ang epekto niya sa 'kin. Nilabanan ko ang titig niya ngunit hindi ko inaasahang ngingiti ito nang kay tamis at do'n ko na nakita ang emosyon na naroroon sa kanyang mga mata.

Nakita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata na nakatingin sa 'kin at ang ngiti niyang napakalaki. Unti-unti rin akong napangiti, at tila biglaan naghilom ang sugat sa aking puso nang dahil lang sa kanyang ginawa.

“Jhana,” nakangiti nitong isinambit ang pangalan bago sa 'kin.

Naguguluhan ko itong tiningnan ngunit do'n ko na na-realize na hindi siya nakatingin sa 'kin kundi sa babaeng nasa aking likuran. Akala ko na ako ang dahilan kung bakit ko nakita ang emosyon sa kanyang mga mata. Ngunit nagkamali ako.

Hinding-hindi ako ang magiging dahilan no'n. Sa kadahilanang hindi ako ang babaeng sanhi upang magkagano'n siya, kundi ang babaeng nagngangalang Jhana.

Agad na lumapit si Kurba sa kinaroroonan ng Jhana na kanyang sinasabi at naiwan naman akong tulala habang nakatitig sa kanyang likuran habang tumatakbo siya.

Gusto kong pigilan siya na manatili sa aking tabi, ngunit tila wala na akong karapatan upang pigilan sa kanyang hangarin. Tila, ito ang senyales na simula ngayon ay sasanayin kong mamuhay ng wala siya.

Last Requiescence | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon