Kabanata 23

13 6 18
                                    


[Kabanata 23]

NAPATULALA ako sa buong paligid kung saan ako dinala ni Vince. Nagpahila lang naman kasi ako no'ng sabi niya dadalhin daw niya ako sa mas magandang view. Kaya ito kami ngayon, nakaharap sa haring araw na magtatago na sa mga bundok.

Ang sariwang hangin na marahang iniihip ang aming mga buhok ay siyang nakakarelax. Pati na rin ang tunog ng mga alon sa dalampasigan na walang tigil sa paghampas dito.

“Alam mo ba? Sa Psychological Study, ang pagtanaw raw sa dagat at pakikinig sa tunog ng mga alon nito ay pwedeng makakapag-recharge sa isang tao? Kaya nararamdaman na lang natin na mukhang gumaan ang ating pakiramdam.” Napatingin ako sa kanya habang nagsasalita at nakatuon ang paningin nito sa dagat, napatingin na rin ako sa dagat na tila nagkukulay kahel dahil sa repleksyon ng araw. Psychologist ata to e.

“Paano ka napunta rito?” Sa wakas, naitanong ko na rin ito sa kanya. Baka kagaya ko rin siya na nakakabalik sa past.

“Nagising na lang ako na isang araw nag-iba ang paligid ng lugar, sa kwarto ko mismo.” Tumingin ito sa 'kin at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Kahit na hindi ko siya maintindihan, parang may nagtutulak sa 'king buong sistema na ngumiti pabalik.

“So, kagaya kita?” Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya pero kumunot noo naman ito. “Huh? Ano ang ibig mong sabihin? Kanina pa kita nahahalata na naiintindihan mo ang pinagsasabi ko.” Hindi ring makapaniwalang sambit niya.

Kaya natigil ako. So, hindi niya ako kilala? Ah, oo nga. Ako nga pala si Estella rito. “Pero parang may kamukha ka.” Sinuri niya ang kabuuan ng aking mukha at nanlalaki na rin ang kanyang mga mata at wala sa sariling napatayo papalayo sa 'kin.

“Impossible!” Hindi makapaniwalang bulalas niya, kaya napatawa nalang ako ikinilos niya. Napatango-tango naman ako. Pero agad namang kumunot ang noo ko nang may napagtanto.

“Gago! Tinawag mo akong Francine kanina! Ako pa talaga niloloko mo!” Kunwaring galit na anas ko at tumawa naman ito, nahawa na rin ako sa tawa niya kaya nagtawanan na kami habang sabay na nakatanaw sa araw na unti-unti nang nawawala.

“Kahit pala kilala mo na ang tao at kung gaano pa kayo ka close ano, pwede ka rin niyang saktan ng walang pag-aalinlangan.” Saad ko habang maluha-luhang napatingin sa araw na hindi na makikita, nagsisimula nang kumulimlim senyales na takipsilim na.

“Kaya nga, minsan hindi na rin ang masyadong nagtitiwala at ayaw ko rin ma attach sa isang tao. Para hindi gano'ng kasakit kapag darating ang punto na, iiwan ka niya.” Ang kaninang maluha-luha kong mata ay napalitan ng paghikbi at pagtulo ng aking mga luha, papunta sa aking pisngi. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay na marahang hinahaplos ang aking likuran.

“Hindi naman lahat, maaaring may malalim silang dahilan para magawa nila 'yon. Baka nagawa nila 'yon para protektahan ka.” Nagpakawala muna siya ng napakalalim na buntong hininga bago magsalita, hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya.

“Para protektahan o para saktan?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko at tumawa ng sarkastiko, napatingin ako sa kanya pero parang alam niya naman na itatanong ko 'to.

“Both.” Simpleng tugon niya at binalot na naman kami ng katahimikan, nagsimula nang magkislapan ang mga bituin sa kalangitan. Napatingala naman ako at napangiti. Uranophile ata ako.

“We tend to hurt someone because we know that's the only choice to make that person stay away from you so you could protect him or her at all cost.” Aba, gago. Wala akong baon ngayon, pero hindi ko pa ri gets point niya. Paano nga 'yong mga nasasaktan?

“Yes, we may find it as the only choice but we aren't thinking about the consequences of what we might do. Paano naman ang nararamdaman ng sinaktan mo? Hindi gano'n kadali ibalik ang tiwala, baka hindi ka na rin niya papaniwalaan dahil sa ginawa mo.” Pagsasalungat ko pa. Agad naman itong napailing.

Last Requiescence | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon