Kabanata 12

28 6 17
                                    


[Kabanata 12]

ISANG linggo ang makalipas, parang unti-unti ko nang natatanggap na hindi nga kami pwede ng best friend ko. Hindi lang siya ang taong pwedeng maging dahilan ng ngiti ko, at hindi lang siya ang tanong magiging sanhi ng aking kasawian.

Napabuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid ng burol. Gusto ko lang mapag-isa ngayon. Gulong-gulong ako, hindi mo maintindihan kung bakit nararamdaman ko ito.

Napapikit ako at napasandal sa katawan ng puno. Nakakarelax kasi ang sariwang hangin. Parang may nagtutulak sa 'kin na pumikit at wala sa sariling napa-hum.

Agad kong iminulat ang aking mga mata at gulat na gulat sa ginawa ko. Ang hum na 'yon, bakit parang nagdudulot ng kirot ng puso ko. Hindi ko mawari kung bakit tila nasasaktan ako.

“Ah, naniniwala na talaga ako sa instincts ko! Narito ka nga!” Narinig kong may sumigaw sa likuran ko pero di ko na 'yon pinansin kasi alam ko naman kung kaninong boses 'yon.

Nanatili akong nakasandal habang nakapikit pa rin ang sariling mga mata. Gusto ko lang namang unwind, hindi pa pwede 'yon?

Kasi, naguguluhan talaga ako sa sarili ko. Kung gusto ko ba talaga si Kurba, pero bakit agad namang nawala 'yon?

“Ang lalim ata ng iniisip mo.” Narinig kong aniya sabay upo sa tabi ko, as usual naamoy ko ang pabango niya na manly scent. Medyo nangangati nga ang ilong ko 'pag naamoy ko ang pabango niya.

“Gusto mo ba 'yung taong palaging nariyan sa tabi mo?” Wala sa sariling tanong ko, nakapikit pa rin ang mga mata. Nilalanghap ang sariwang hangin, na siyang gusto ko sa burol na ito. Ang mga ibon na tila nag-aawitan, at ang kalangitan tila nasisiyahan sapagkat ni isang itim na ulap ay hindi mo makita sa kahit anong parte ng lugar.

“Hindi naman siguro, gusto na 'yung gusto mo na talaga siya romantically. Siguro, gusto mo siya bilang kahalili o kapanalig, 'yung para bang 'yung taong gusto mong makasama habang buhay. Like platonic love, no crossing the line. Just friends, gano'n.” Parang ang seryoso niya namang sumagot, napatingin tuloy ako sa kanya at nakaharap siya sa paaralan. Nasa harapan kasi namin ang paaralan, kitang-kita ko pa sa kanyang mukha na may pinagdaraanan siya. Matutukoy mo agad sa pagbuntong hininga niya.

“Eh, 'yung naramdaman ko sa best friend ko?” Napatda siya sa tanong ko at Naguguluhang tumingin sa 'kin.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?” Still, nando'n parin sa mukha niya na siya ay nagugulumihan.

“Kasi, parang hindi na ako affected. Parang wala na sa 'kin, kung magkasama pa sila no'ng Girlfriend niya. Kaya, feel ko hindi ko talaga siya gusto.” Pag-aamin ko, kitang-kita ko pa ang pasimple niyang ngiti. Baka may maitim na balak ang gago, sisipain ko talaga 'to non-stop.

“For sure, infatuation 'yan. Oh, kaya nasanay ka na nariyan siya sa tabi mo. Kaya takot sa thought na, magkakaroon siya ng jowa. Kaya, napapaisip ka na baka gusto mo siya o kaya ni-plano mo na gugustuhin mo siya para balang araw magugustuhan ka rin niya.” Nang-aasar niyang sinabi ang last na mga salitang kanyang sinabi.

“Actually, it's the former.” Inirapan ko siya at narinig ko naman ang nakakalokong tawa niya, kung hindi ako makakapagtimpi baka mapatid ko ang gagong 'to, kita niyo.

“Nah, I believe it's the latter.” Pinanlisikan ko siya ng mata sa pang-aasar niya, kung ni-plano niya 'to aba, effective baka maging kabayo ako at papatirin ko siya.

“Pero back to the topic, totoo? Hindi ka na affected?” Hindi makapaniwalang tanong niya, tumango naman ako bilang tugon.

Hanggang naramdaman ko nalang na sinusundot-sundot niya ang tagiliran ko. Inis ko naman siyang tiningnan, nakita ko nga ang ngising aso niya. Kakatayin ko talaga 'to.

Pero habang nagpatuloy pa rin siya sa pagsundot na hindi ko naman inalintana kasi hindi ako nakikiliti at wala akong pake sa mukhang aso na 'yan.

Naramdaman ko na naman ang pamilyar na pangyayari. Ang paglakas ng ihip ng hangin, ang siyang unti-unting pagbabago ng paligid ay nangyayari na naman.

“Uy! HAHAHA, hindi na raw niya crush best friend niya! Gusto ko pa namang marinig sa kanya na sasabihan ka niyang 'hindi tayo talo' tapos iiyak ka—,” hindi ko na narinig pa ang sinasabi no'ng asong tao kasi biglang tumahimik ang lugar at ang temperatura ng lugar ay malamig. Ibang-iba sa kasalukuyang panahon.

“Ako nagsasabi sa iyo ng pawang katotohanan lamang, hindi ko rin batid kung ano ang nais na kainin ng iyong nakakatandang kapatid o ang kanyang mga hilig.” Napatingin ako sa katabi ko sa gulat, so nag time leap ako? Biro lang. Bumalik na naman ako sa past, si Teodoro pala kausap ko.

“Sa hindi pagsisinungaling, hindi ko rin batid kung ano ang kanyang mga hilig.” Pag-aamin ko pa kaya agad ako nitong binalingan ng may pagtatakang tingin. Pinagtaasan pa ako nito ng kilay at umangat ang isang gilid ng kanyang labi.

“Ako ba ay iyong niloloko? Paano nangyari iyon, sabay kayong lumaki. Magkapatid kayo.” Hindi naniniwalang saad niya sabay tawa, hindi ko rin alam bakit ako naiinis sa kanya. Para kasi siyang si... nevermind! Basta nakakainis siya.

“Hindi ko naman gaano nakakausap ang kapatid ko.” Hala! Hindi ko na na-filter ang dapat sasabihin ko, baka mabuking ako nito agad.

“Paanong nangyari?” Biglang nagbago ang kanyang ekspresyon at napalitan ng mapang-usisang tingin.

“Ikaw ba ito Esteng?” Pinaningkitan ako nito ng tangin at dahan-dahan inilapit ang kanyang mukha sa 'kin.

Ilang pulgada nalang ang layo ng aming mga ilong at halos magkadikit na ito. Pero hindi ako nagpatinag at nakipagtitigan sa kanya, kanina pa kasi siya nakatitig sa 'kin. Bigla na lang siyang tumayo at nagpagpag ng kanyang kamiso at pantalon.

Naglakad ito papunta sa kanyang kabayo at walang pasubaling na sumakay rito. Tumalikod na siya habang nakasakay sa kabayo at hindi na ako tiningnan pang muli.

Pero sa bawat oras na lumipas habang papalayo nang papalayo ang sinasakyan niyang kabayo ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi ko rin alam kung bakit.

Pero isa lang ang alam ko, ang bigat ng aura ng paligid at alam kong dahil iyon sa kanya.

Napalinga agad ako sa paligid, baka may nakakita sa 'min. Isa iyong kapangahasan. Napako ang aking paningin sa isang aninong tumatakbo papalayo sa kinaroroonan ko.

Sino ang taong tumatakbo papalayo sa 'kin?

Nakita niya ba ang kapangahasang ginawa ni Teodoro? Kung gano'n, dapat makilala ko siya agad. Kaya kagyat akong tumakbo papunta sa parte kung saan tumakbo ang anino ng isang estranghero.

Author's Note :

Hoping na sisipagin ako, goodluck sa 'min para sa National Science Technology Fair 2021! HAHAHAHA. Dagdag isipin 'to eh, kaya para pampawala ng stress sulat nalang ako ng update HAHAHA.

Last Requiescence | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon