Epilogo

28 3 48
                                    


[Epilogo]

MINSAN kailangan nating ibaon sa limot ang nakaraan. Ang nakaraang nagdulot sa iyong kasawian. Hindi naman ibig sabihin na parte iyon sa iyong buhay, kailangan mo na 'yong panghawakan.

Dapat alam mo rin sa sarili mo, kung kailan ka titigil at sarili mo na naman ang atupagin.

Isang desisyon sa nakaraan ang nakapagpabago sa akin, sa aking perspective bilang tao.

Napatingin ako sa malaking bahay sa harap. Kakatapos lang ng trabaho ko. Galing akong school, isa akong teacher sa secondary major in science.

Ngunit kahit alam kong successful ako, parang may kulang sa 'kin na hindi ko malaman. Parang may kulang talaga, e.

Pero kapag naiisip ko 'yon. Lagi kong iniwawaglit sa aking isipan. Baka naman, dahil exhausted lang ako. Oo nga, gano'n 'yon.

Nagpakawala ako ng buntong hininga.

Ngumiti ako at pumasok sa gate. Bumungad sa 'kin ang bahay na tahimik, wala pang tao.

“Nasaan na kaya siya?” Pabulong na tanong ko sa sarili. For sure, busy sa trabaho. Kaya wala pa hanggang ngayon.

Agad kong pinihit ang busol ng pintuan at bumungad sa 'kin ang tahimik na sala. Medyo dumidilim na rin sa labas kaya wala akong nagawa kun'di pindutin ang switch para magkaroon ng ilaw.

Umupo agad ako sa couch. Napahilot sa sentido. Hindi naman pala madaling magturo, akala ko ba madali lang Ang education. Naalala ko na naman ang nangayari kanina.

“Ma'am, bakit magkasalubong ang kilay niyo. Parang drawing ko lang sa mga ibon, gayang-gaya ang kilay niyo.” Sanay na akong biruin ng mga students ko, pero hindi ko pa rin matiis na patayin sila sa isip.

Minsan nga naiisip ko na sapakin sila ng uling ulit hanggang sa dumugo na ang mga ilong nila. Mawawalan naman amo ng trabaho kung gano'n.

Narito na si Ma'am Angry Birds!” Anak ng, kailan pa ako naging kamukha ng angry birds. Sino do'n?

“Sino muna sa Angry Birds?” Tanong ng isang student ko pa rin.

Ngumiti ang isa sa 'kin, pero 'yong nang-aasar, “si Red.”

Na siyang nakabalot ng tawanan sa buong klase. Nanatili pa rin ako sa emosyon ko, nakakunot ang noo.

“Nakakatawa yarn?” Nakisabay ako sa tawanan nila pagkatapos ng asaran ng buong klase. Buti nalang nalihis na ang topic, hindi na ako.

“Let's start our class for today. But before we tackle about our new lesson, who can recall what we tackled yesterday.” No one raised their hand, na ikinangiwi ko.

Bago kasi mang-asar, sana naman may ibubuga sa klase. Napailing na lang ako at tumawag ng isang student ko.

“What's the different formations of Volcanoes?” I'm in a serious mode now so, walang nagbibiro. Minsan nga kapag may nakakasalubong ako ng tingin agad silang umiiwas.

May ibang hinuhulog ng sadya ang kanilang mga ballpen at kukunin 'yon para hindi ko makita. Akala nila madadaan nila ako sa gan'yan.

Gawain ko 'yan, e.

“Okay, ikaw na naghuhulog-hulogan ng ballpen.” Agad itong umangal sa pagtawag ko.

Nakasimangot ako nitong tiningnan. May binulong pa sa kan'yang sarili. Gusto ata nitong sapakin ko, e.

“Uhm, ano...” Hindi niya masalubong ang tingin ko. Kapag nakakasalubong naman ay agad itong napapayuko.

“Ano?” May bahid na strict ang boses ko no'n kaya napasinghap sila. Akala nila madadaan lang ako sa biro, ah.

Last Requiescence | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon