Dirediretso kang pumasok sa loob ng bar at umakyat sa stage. Naririnig mo ang kanta ng Eraserheads na tumutugtog. Inagaw mo ang mikropono sa lalaking kumakanta at pinahinto ang buong banda. Napahinto ang lahat sa kanilang mga ginagawa at napatigin sa iyo. Ang lahat ay nagaabang sa gagawin mo maliban sa kanya na patuloy pa ring nakatingin sa cellphone na parang wala siyang alam at pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid na medyo totoo naman. Pinapatay mo ang ilaw at pinatutok ang spotlight sa lalaking may dahilan kung bakit ka nasa stage ngayon, kung bakit ka napuyat ng ilang araw, kung bakit sobrang pinagpapawisan ka sa kabila ng malakas na aircon ng bar. Tumingin na siya sa iyo at biglang bumilis ang tibok ng puso mo, mas mabilis pa nung una mo siyang nakita sa bar na ito. Akala mo magcocollapse ka na pero kailangan mong ituloy ito kahit pa nanginginig ang mga kamay mo. Ngumiti ka at kinalimutan ang lahat ng pagaalinlangan at kabang nararamdaman mo.
© 2015 by Angelli Catan.
All rights reserved. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.
BINABASA MO ANG
Signs
Short StoryMinsan hindi iyon tungkol sa pagkanta ng tamang awitin kung hindi sa pagkanta sa tamang tao. Sa tao na parang bingi sa lahat ng naririnig niya. (inspired by the short film Kismet Diner by Cornetto UK)