THE UNEXPECTED VISITOR
CHAPTER SIX"Cheryl, may naghahanap sa'yo," sambit ng aming kasambahay na sinabayan pa nito ng mga pagkatok sa aking pintuan.
Naiinis akong napabalikwas at minulat ang aking mata at bumangon. Sabado ngayon. Walang pasok. Wala rin naman akong inaasahan na sinomang bisita.
Mabilis akong naligo at nag-ayos. Bago ako nag ayos, tinawag ko muna ulit ang kasambahay namin at inutusan ito na papasukin kung sino man 'yung bisitang 'yun at sabihan na maghintay. I put a red lipstick on at pinarisan ko ito ng red boots na siyang bumagay naman sa suot-suot kong itim na formal attire.
Nang bumaba na ako, agad namang bumungad sa'kin si Miguel na siyang nakaupo sa dining area na hinihintay ako. Nakasuot ito ng black jeans at puting tennis shoes, at isang plain black na t-shirt naman bilang pang-itaas.
Anong ginagawa ng kupal na'to rito? Paano niya rin nalaman ang address ko?
"Mr. Delantar I didn't remember I have an appointment with you. What brought you here?"
Agad niya naman akong nilingon. "You're stunning," he complimented. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at tinitigan ako mula ulo hangang paa na pawang ako'y pinag-aaralan nito.
"Uhmmm, I know? Still you're not answering my question. Bakit ka napadalaw?"
Nahihiya naman itong napakamot ng kanyang batok. "Walang pagkain sa bahay, eh."
Seriously? Gagawa ka na nga lang ng alibi 'yung hindi pa paniniwalaan. I mean, you don't need to cook sa bahay niyo dahil siguradong may mga taga luto naman kayo. Besides, if wala ngang pagkain sa bahay nila may mga restaurant naman or fast-food chain na pwedeng daanan. May sasakyan naman siya, diba?
Anyway, kung makikikain lang naman 'yung pakay niya, then be it. Ang panget naman pag hindi ko 'to e-entertain. Besides, I'm about to eat naman so why not?
"Well, if that's the case, sabay na tayo," I countered at napangiti naman ito sa kanyang narinig. "But for the record, I know you're not here para kumain lang." Umupo ako sa upuan na siyang nasa harap niya. "So bakit ka nga napadalaw?"
"Just like what I expected," he uttered at tinaasan ko lang ito ng kilay. "Let's just say, I'm interested in you. Driven, independent, and most importantly, feral and a gunsmith."
I stared at him, grinning.
"Cut the crap, Miguel. You don't even know me."
"Then maybe it's about time para kilalanin natin ang isa't isa."
Hmmmm, try harder.
"Miguel, I love the sound you make especially when you shut the fvck up."
"Pabebe mo naman."
"Pardon?"
"Wala. Sabi ko, may pupuntahan ka ba ngayon?"
As if hindi ko narinig 'yung sinabi mo kanina. Pabebe? Seriously what do he think of me, walang-wala para patulan siya?
Maya-maya pa, nagsidatingan na ang aming maid at may dala-dala na silang breakfast. Inilapag nila ito sa mesa at tahimik na umalis sa aming kinaroroonan.
"Steak and vegetable salad for breakfast? Not bad mukhang tama nga ang bahay na pinuntahan ko," sambit naman nito habang nilalagyan niya ng kanin ang kanyang plato.
If hindi lang talaga siya mayaman, mapagkakamalan ko talaga siyang walang hiya.
"Thanks for allowing me na kumain dito, Cheryl," ani niya pagkatapos niyang tikman ang steak na siyang nilagay niya sa kanyang plato. "These are delicious," pamumuri pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/262176130-288-k375304.jpg)
BINABASA MO ANG
So, Who's The Culprit? (completed)
Детектив / ТриллерOur story is about a School, a huge School, and the people who are studying in the School. From a distance, it presents itself like so many other Schools all over the world: safe, decent, innocent. Get closer, though, and you start seeing the shadow...