I ONLY MISS WHEN I MEAN TO
CHAPTER EIGHTEENAndito ako ngayon sa academy kasama si Miguel. Napaaga ako ng punta because I want to talk to Gab and ask her for updates about the Culprit. I know she's investigating things silently at balita ko ay nag-install ito ng mga micro chips CCTV sa academy upang malaman ang galaw ng lahat. Well, our school has CCTV naman but what we are using are the usual ones unlike sa mga bagong CCTV na pina-install ni Gab.
While in the corridor, a familiar guy appeared at my sight. Lumapit ito sa akin at binati ako.
"Uhmm, why are you still here?" tanong sa kanya ni Miguel.
"I applied as a teacher here," sagot naman ng aking kaibigan na si Jairo.
"As you know, I own a construction company and currently merong project kaming tinatapos malapit dito. I'm just managing it at hindi naman ganoon kasi kahirap and I'm honestly bored sa mga gawain doon. So for the meantime, tulad ng pinag-usapan namin ni sir Topaz, I'll be a temporary teacher here. Math major naman 'yung binigay niya sa'kin and I see no problem with it."Agad ko namang nilingon si Miguel at mukhang hindi nito gusto ang kanyang narinig.
"Other than that, also to spend time na rin with Cheryl," dagdag pa ni Jairo.
I honestly have no problem if he stays. If that's what he wants, then be it. Hindi naman siguro siya magtatagal dito and if magtatagal man siya it's not a problem at all. The only concern I have right now is if he's aware of the current situation of the School.
"Alam mo bang may seryosong problemang kinakaharap ang academy ngayon?" I asked. Tumango naman ito.
"About the Culprit? No worries I'll be fine. Sige, aalis na ako. By the way, saan 'yung classroom ni Kean? Doon kasi first period ko eh," tanong niya. Agad ko naman tinuro sa kanya ang direksyon ng kwarto ni Kean at umalis naman kaagad ito.
"Is he aware that I'm courting you?"
Agad akong umiling sa tanong ni Miguel. "Nope. Why would I tell him? It's none of his business naman. Narinig mo naman ang sinabi niya, diba? Temporary lang siya dito kaya pakisamahan mo muna. Yes he happens to be my boyfriend but now he's a good friend of mine. Somehow he is still important to me."
Tumango naman ito kahit halata sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon. Maya-maya pa, nagpaalam na ito sa akin na pupunta na siya sa kanyang klase, at bago ito umalis ay napag-usapan namin na magkita na lang mamaya sa Cafeteria. Nang nakaalis na ito, agad ay nagsimula naman akong nilibot ang paaralan upang hanapin si Gab.
After a few minutes of walking ay sa wakas natagpuan kona ito. As expected, she's in the field at sinasabayan nito ang kanyang mga estudyante sa pagpapaputok ng baril. She's wearing a red outfit and no wonder that it's her signature color dahil bumabagay naman talaga sa kanya ang pula.
"Bitch, ang ganda mo ah," pambobola ko. I don't know how to approach her. Ayaw ko naman na agad-agad ay tatanungin ko ito parte sa pag-iimbistiga niya. Baka isipin pa nito na pinuntahan ko lang siya dahil may kailangan ako which is——honestly quite true.
"Oh, hey bitch! Ako? Maganda? Believe me, I'm not surprised," mayabang na sagot naman nito.
Kinuha ko sa bag ko ang pinahiram niyang short sa akin noong nag volleyball kami kahapon. Inabot ko ito sa kanya. Kinuha niya naman ito but after I handed it to her ay agad niya naman itong itinapon. Hindi ko na lang ito pinansin dahil sa kanya naman 'yun. Perhaps, she won't use it anymore dahil nagamit kona.
"Spill it,"
"Pardon?" I asked, confused.
"I said spill it. Halata namang may kailangan ka. You need update? Wala pa. Akala mo madali?"
BINABASA MO ANG
So, Who's The Culprit? (completed)
Mystery / ThrillerOur story is about a School, a huge School, and the people who are studying in the School. From a distance, it presents itself like so many other Schools all over the world: safe, decent, innocent. Get closer, though, and you start seeing the shadow...