I heard beeping sounds. Wala akong makita pero may naririnig ako.
Una ay kaluskos pa lang tapos ay naging matinis na tunog bago naging malinaw. Naririnig ko ang pa-beep ng mga makinang naka kabit sa akin. Nasa ospital ako at alam ko iyon. Dama ko sa katawan ko ang mga naka-attached na tube sa akin.
"Her condition resulted in heart failure, ma'am. Dahil iyon sa madalas na pagbilis ng heartbeat niya," Narinig kong utas ng isang lalaki.
Marahil ay isa siyang doktor.
"Ganoon ho ba? May way po ba para ma-save ang anak ko?" I heard her voice.
My mom's. I've never heard her like that. Is she crying?
All my life she never cared about me. Bakit ngayon ay umiiyak siya? I don't get it. Malaki pa din ang galit ko sa kaniya.
"A transplant is needed, ma'am. Kailangan ng agarang operasyon dahil kung hindi ay mamamatay ang pasyente," Saad ng doktor sa mama ko.
Hindi ko sila nakikita pero naririnig ko sila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sila makita. Hindi ko alam kung anong meron bakit panay itim lang ang nakikita ko pero pinili kong mag-focus sa mga boses.
"You need to search for a donor, maam," Sambit ng doctor sa kaniya bago ko pa narinig na bumukas at sumara ang pinto.
I heard mom's sobs and some unfamiliar voices, baka ang pamilya niya. Hindi ko alam.
Unti-unting naging mga kaluskos ang mga ingay sa paligid ko at ilang sandali pa ang lumipas bago ako muling kinuha ng dilim.
***
Bumungad sa akin ang puting kisame ng ospital. I felt my heart. It's beating loudly. It's beating on an unfamiliar way.
"Kelai, anak!" Bumalandra ang mukha ng mama ko sa akin nang mapagtanto niyang gising na ako.
I looked at her smiling face.
Napakasaya niya. Ang saya niyang tignan. Nag-alala ba talaga siya? Well, it feels. . . good. Knowing she actually cares about her oldest.
"Ma," Sambit ko na halos isang bulong sa hina.
Ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko ng mahigpit habang umiiyak. Idinikit niya iyon sa pisngi niya habang nakangiti at patuloy na umaagos ang mga luha.
"You'll be fine now, anak. Okay na ang lahat," Sambit niya.
Ngumiti ako sa tinuran niya. Everything is over?
Noon, kapag gumigising ako at sinasabi niyang okay na ako, hindi ako nakakaramdam ng excitement o saya dahil sa galit ko sa kaniya dahil tuwing nasa ospital lang ako nagkakaroon ng nanay. Pero ngayon, dahil sinabi niyang tapos na, masaya ako.
"Successful ang operasyon mo, anak. Magiging okay ka na," Saad niya na mas nakapagpasaya sa akin ng husto. I made it. Right?
My heart was beating fast because of happiness but I don't feel anything bad or painful. Hindi masikip ang dibdib ko. Walang masakit. I made it. Natupad ko ang pangako ko kay Pau. Magiging okay na ako at kailangan ko na lang maka-recover.
I feel beyond happy right now. I can meet Pau again.
"Talaga po?" Pagkumpirma ko sa tinuran ni Mama kahit pa may pagkamatamlay pa ang boses ko.
Gusto kong kumpirmahin. . . Gusto kong siguruhin.
Tumango siya sa akin. Napaluha ako sa saya. Hindi ko maipaliwanag ang nag-uumapaw na saya sa puso ko. Maging ang pagtibok ng puso na nasa loob ko ay animo'y nakikisabay din. Tila nakikisaya sa akin. I only wished to live once, napaka saya ko kasi pinagbigyan akong mabuhay. Pinagbigyan ako na tuparin 'yung pangako ko kay Pau na lalaban ako at magiging masaya.
BINABASA MO ANG
The Stranger I Met in Baguio [PUBLISHED]
RomanceKaelah Olivar is a 27-year-old call center agent whose dream is to visit the beautiful city of pines- Baguio, in an attempt to escape her not-so-perfect life in Manila. Born with Ventricular Septal Defect (VSD) and having separated parents, she live...