Manila

12 1 0
                                    

"Have a safe trip back home, Kelai," Sambit niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Uhm, have fun for the rest of your stay here, Pau," Saad ko naman na may pilit na ngiti sa kaniya.

He smiled at me. 'Yung totoo ay masayang ngiti. Nabawasan ang bigat sa dibdib ko. I have his phone number so we can stay in touch. Pero hindi ko sure kung iyon din ang nasa isip niya.

I waved at him for the last time before heading inside the bus. Nakatayo lang siya roon sa baba ng bus habang minamasdan akong pumunta sa seat ko. Pinagmasdan ko siya mula sa salamin na bintana ng bus. Ngumiti siya ng malapad at ganoon din ang ginawa ko.

Medyo masakit sa akin, pero bahala na ang tadhana. Tutal siya ang may kagagawan kung bakit kami nagkakilala, edi siya na din ang bahala kung paano kami mananatiling magkakilala.

Nag simulang umandar ang bus kaya muli siyang kumaway ng nakangiti. Tinignan ko lang siya at pinagmasdan habang dahan-dahan siyang nawawala sa paningin ko.

A tear escaped my eye.

It's sad. Pero gagawin ko ang pangako ko sa kaniya. Lalabanan ko ang sakit ko kagaya ng ginagawa niya.

Nag-vibrate ang phone ko kaya mabilis kong pinahid ang luha ko at agad na kinuha ang phone sa bulsa ko para basahin ang pumasok na mensahe.

From Paulo:

Keep your promise. I'll keep mine. . .

Agad naman akong nag-compose ng reply.

To Paulo:

I will.

***

I arrived at my house. Still. . . it's empty. Kahit na nandito na ako ay pakiramdam ko walang ka tao-tao sa bahay ko. Kasi nag-iisa lang naman ako rito.

Ibinaba ko lang ang mga gamit ko saka dumeretso sa kama ko para mahiga. Sa isang araw, papasok na naman ako sa trabaho. Nanumbalik ang pananamlay ko dahil wala na ako sa Baguio. I'm back here, to the place I don't know why I call home.

I texted Pau na nakauwi na ako, pero hindi pa siya nagrereply. I know he's enjoying his two remaining days in Baguio. I hope he's doing fine.

***

It's been almost a month, we stayed in touch pero hindi ganoon ka dalas kaming magusap over the phone. It's because of his medication. . . Lumalaban siya.

My boring life here is still boring, walang nagbago. Ang nagpapanatili na lang sa aking malakas ngayon ay ang pangako ko kay Pau. Lalaban ako, at mag kikita kami ulit.

Everything is going smoothly until, hindi ko inasahang may mas sasaklap pa pala sa buhay ko. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko ng sobra at ang huling alam ko na lang ay isinugod na ako sa ospital.

The Stranger I Met in Baguio [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon