Day 7

8 2 0
                                    

It's the 7th day. The last day.

We decided to watch the sunrise here at Camp John Hay. It was nice. Nakalimutan kong last day ko na nga pala ito rito. We did a lot of fun stuffs. We visited a coffee shop at the commercial complex of Camp John Hay. Kumain din kami doon habang ine-enjoy yung natural beauty ng lugar. After that we visited the butterfly sanctuary where I saw different kinds of butterflies.

Masaya akong nakamasid sa isang kulay itim at puti na paru-paro na nakadapo sa isang bulaklak sa harapan ko. Walang tao rito, kami lang. Siguro kasi ay sobrang napa-aga kami dahil sa gusto namin parehas sulitin yung huling araw ko dito. I noticed how he captured several stolen pictures of me as I stared happily at the beautiful creature before me.

"Bakit nga ba pumunta pa ako dito e may kasama na naman akong kasing ganda ng paru-paro?" Tanong niya sa sarili habang nirereview ang mga shot na kinuha niya.

"Che! Bolero," Sambit ko sa kaniya saka tumawa.

Tumawa lang din siya saka niya inenjoy ang pagmamasid sa mga paru-paro. We stayed there for a while before starting to roam around the place to make more happy memories. Paulo kept snapping pictures while I enjoy the place and everything. Nalibot namin ang buong Camp John Hay buong maghapon.

***

The last day was so much fun. Madalas kong nararamdaman 'yung dibdib kong naninikip dahil sa pagod at sobrang pagtawa pero hindi ko pa din pinapansin. Laughter is the best medicine 'di ba? 'Yun nga lang ay hindi sa akin. Siguro kay Paulo, baka pa.

We're now heading back to the hotel. Masaya ako, sobra. Pero ang lungkot dahil ito na. . . Sa loob ng ilang oras ay matatapos na ang araw. Pag silay ng liwanag bukas, aalis na ako.

"Masaya ka naman ba?" Tanong ni Pau habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

Tumango ako habang malapad na nakangiti.

"Yeah. Thanks to you," Sambit ko pa.

Ayokong maging malungkot. I wan't to be happy hanggang sa huling kaway at ngiti niya sa akin bukas. I don't want to think that parting ways was a bad thing. Besides, we made a promise. We'll meet again. I'll hold onto that.

Ngumiti siya sa akin saka nagpakawala ng malalim na hininga.

"It's kinda sad. Pag dating natin sa Hotel, iyon na ang huli nating oras. Pero masaya na ako na masaya ka. Atleast, I bacame part of your happiness," aniya.

Yeah, pag pasok namin sa Hotel ay iyon na ang huli.

Parang ayaw ko pa. . .

Tumigil ako sandali nang mapadaan kami sa isang convenient store. Ngumiti ako saka tumingin kay Paulo.

"Pau, there's one more thing I wanted to do," Sambit ko.

Kumunot ang noo niya na tinignan ako. Sandai siyang nag-isip na animo'y hinuhulaan ang naiisip ko pero kalauna'y nagsalita..

"Okay, ano 'yun? Gabi na 'di ka pa ba pagod?" Tanong niya sa akin habang nakapamulsa.

"No, I'm not. I wan't to stay awake until dawn or atleast kung hanggang anong oras ko kaya. Let's buy some drinks. I want to taste liquor." Sambit ko saka siya hinila papasok sa convenient store. Nae-excite ako na ewan.

"Teka teka teka lang Kelai, hindi ba masama iyan sa iyo?" Tanong niya.

Sandali akong nag-isip at saka nagkibit balikat.

"Ewan ko. Ngayon lang naman saka kaunti lang. Gusto ko lang matikman, nakaka curious kasi," Sambit ko pa saka kumuha ng limang can ng san miguel beer at dumeretso sa counter para magbayad.

The Stranger I Met in Baguio [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon